PAG-ALIS na pag-alis ni Hugo sa opisina ay mabilis niyang dinial ang number ni Levi. Hindi na siya nakapaghintay, gusto niyang malaman kung ano ang nangyari sa video na ipinadala niya. Ilang ring pa lang ay agad naman sumagot ang lalaki.
“Levi, what the hell happened? Binigo mo na naman ako,” halos pabulalas niyang tanong. “Bakit walang balita sa TV tungkol sa video na pinadala ko? May ginawa ka ba?”
May mabigat na buntong-hininga sa kabilang linya bago nagsalita si Levi.
“Ginawa ko ang lahat, Alejandra. Pinadala ko sa NBI, pero wala pa rin akong natatanggap na balita. I kept checking the news like you do. Pero ‘yung kaibigan ko sa media na pinadalhan ko, natagpuang patay kanina.”
Parang may malamig na sumampal sa mukha ni Alejandra dahil sa kanyang narinig.
“Wait—what? Oh my God…” Napahawak siya sa bibig. “May namatay dahil sa video na pinadala ko sa’yo?”
“Oo, Alejandra,” mahinang sagot ni Levi, puno ng poot. “Naiwan niya ang dalawang anak na maliliit pa. Ganun kalalim ang kamay ng mga Gallarzo. They silence people. Kapag kumalaban ka, they erase you. Tulad ng ginawa nila kay Migs— siguro gusto niyang ilabas kagabi ang alam niya.”
Nanginig ang boses ni Alejandra. “Levi, hindi ako makapaniwala. Hindi ko— hindi ko sinadya.”
“Wala kang kasalanan,” mariing sagot ni Levi. “Kasalanan nila. At mananagot sila. I swear to God, Alejandra, I will not stop hanggang—”
“Stop!” madiin niyang putol. “Levi, please. Don’t talk like that.”
“Alejandra, someone died. Do you think titigil ako? No. I’m going to expose them. Kung ayaw ng NBI kumilos, ako mismo ang—”
“No, Levi!” halos mapasigaw siya, mapapaluha na. “You don’t understand! They will kill you. Hindi ito movie. Hindi ito hero moment. Ganyan sila—walang takot, walang awa. Kung may nalaman silang kumikilos para sa akin, ikaw ang isusunod nila.”
Tumahimik si Levi sandali, pero ramdam ni Alejandra ang kumukulong galit nito.
“Alejandra… Hindi kita iiwan diyan. Hindi ako manonood na sinasaktan ka ng Hugo na yan o kung sino man sa mga Gallarzo.”
“Then don’t make things worse for me,” pakiusap niya, halos nagmamakaawa. “Levi, please… I’m surviving here because they trust me. Pero konting mali lang, just one wrong move tapos ako. Kung nadamay ka, kung may mangyari sa’yo…” Napahigpit ang hawak niya sa cellphone. “I won’t survive that kind of guilt.”
Suminghot si Levi, as if fighting his anger.
“So ano, Alejandra? Let them win?”
“No,” bulong niya. “Let’s be smart. Hindi tayo pwedeng sumugod na parang bulag. We need a plan. A real one. Yung hindi tayo papatayin bago pa magsimula.”
Sa wakas, muling nagsalita si Levi, puno ng pag-aalala.
“Fine… pero sa isang kondisyon. The moment you feel unsafe, kahit kaunti lang you call me. I don’t care kahit ano pang oras yan... I will get you out.”
Napapikit si Alejandra, sabay tango kahit hindi siya nakikita.
“I promise.”
“Alejandra, mahal kita,” ani Levi, mababa ang boses pero diretso ang pagsasalita.
Natigilan si Alejandra. Parang natuyo ang lalamunan niya. Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita.
“Levi… don’t,” mahina niyang sagot. “Hindi porket nag-aalala ako sa’yo ay mahal pa rin kita.” Huminga siya nang malalim, pilit na pinatatag ang sarili. “Nag-aalala ako dahil ayokong madagdagan pa ang konsensiya kong dala-dala ko na. Isa pa, ayokong may mamatay pa dahil sa mga desisyon ko.”
Sa kabilang linya, narinig niya ang mabigat na hinga ni Levi, halatang nasaktan pero pinipigilan ang sarili.
“Marami na ang mga nagbago. Kahit gusto kong kumawala kay Hugo ay asawa ko pa rin siya. Hindi kita sinisisi sa nangyayari sa akin ngayon, Levi,” mahinang sabi ni Alejandra. “Choice ko ito, ako ang pumasok dito.” Napakagat siya sa labi, pilit pinapatatag ang boses. “Ang kailangan ko lang sa’yo ay tulong. And I guess, ito na ang huli.”
Parang may kumalabog sa kabilang linya. Agad tumutol si Levi.
“What? No. Alejandra, don’t say that. Hindi ako papayag. I’m not done helping you. I will never be done.” Tumigas ang tono niya at nababahiran ng takot. “You don’t get to cut me off like that. Hindi habang nasa panganib ka,’ sagot ni Levi sa matigas na boses.. “Alejandra, you don’t get it,” dugtong pa ni Levi, halos pabulong pero ramdam ang galit at kaba. “Hindi mo ako pwedeng tanggalin sa sitwasyon na ‘ito. You’re not alone. At hindi kita iiwan, kahit anong sabihin mo.”
“Levi, please…” pakiusap ni Alejandra, nanginginig ang boses. “Mas delikado kung—”
“Hindi!” mariin niyang putol, halos pasigaw. “Hindi ko hahayaang ikaw lang ang lumaban. I don’t care how dangerous it is. Mas natatakot ako sa ideya na wala akong ginagawa habang unti-unti kang sinasakal ng mga demonyong ‘yan.”
Bago pa man makasagot si Alejandra, biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto, nataranta siya.
Nag-freeze siya sa kinatatayuan, napatingin sa pinto.
“Levi…” bulong niya, halos walang boses. “Someone’s here.”
Agad nagbago ang tono ni Levi. “Who? Alejandra, close your phone. Delete our call history. Act normal. Now.”
Napalunok si Alejandra, hindi makagalaw sandali habang muling kumatok ang nasa labas, mas malakas na ngayon.
Dahan-dahang bumukas ang pinto at sumilip ang ina ni Hugo.
“Alejandra,” malamig nitong tawag, nakataas ang kilay. “May kausap ka ba?”
Mabilis na pinindot ni Alejandra ang end call bago pa man makapagsalita si Levi.
“No,” sagot niya agad, pilit na kalmado ang tono kahit kumakabog ang puso. “Wala po, Ma. May kailangan po ba kayo?”
Pumasok ang biyenan sa loob ng kwarto na hindi hinihintay ang paanyaya at tiningnan ang bawat sulok ng bahay.
“Parang may narinig akong boses,” anito, parang interrogation. “At parang pamilyar.”
Napakuyom si Alejandra ng palad sa likod niya.
“Ah… may tinapos lang akong voice memo,” palusot niya, diretso ang tingin para hindi mahalata ang kaba. “Para sa report ni Hugo.”
Tumigil si Doña Leticia sa harapan niya, nakatingin mula ulo hanggang paa.
“Good,” mataray na sabi nito. “Dapat lang talaga na inuuna mo ang trabaho. Ayokong nadidistract ka sa mga bagay na hindi mo naman dapat inaatupag.”
Ngumiti si Alejandra, yung tipong pakitang-tao lamang. Wala nga itong nagagawa kapag sinasaktan siya.
“Opo, Ma’am. Focus lang po ako sa mga utos ni Hugo.”
Bahagyang lumuwag ang ekspresyon ni Doña Leticia, pero hindi pa rin nawala ang paghihinala sa mga mata nito.
“Hmmmm. Mabuti naman,” sagot niya. “Gusto ka lang sana naming tawagin. May dinner tayo mamaya kasama ang ilang importanteng bisita. Gusto kong presentable ka at tahimik.”
Tumango si Alejandra. “Sige po, Ma.”
Bago lumabas, huminto si Doña Leticia sa may pinto at muling tiningnan si Alejandra.
“Alejandra…” Napatingin siya sa ginang.
“Huwag kang gagawa ng ikakasama mo. Naiintindihan mo?”
Parang may tumusok sa dibdib niya sa salitang iyon.
“Opo, M–a,” mahina niyang tugon.
Pagkalabas ni Doña Leticia at pagsara ng pinto, saka lang nakahinga ng malalim si Alejandra.
Nag-vibrate ang cellphone niya, isang message mula kay Levi.
“Are you safe? Answer me in one word.”
Sasagot pa sana siya kay Levi nang marinig niya ng boses ni Hugo. Hindi niya alam na nasa bahay pa pala ito. Huminga ng malalim si Alejandra, pinilit niyang i-relax ang balikat at ikinalma ang sarili. Alam niyang isang maling galaw lang ay lalong lalaki ang pagdududa ni Hugo.
“Hugo…” mahinahon niyang sabi, tumingin direkta sa mga mata nito. “Akala ko nasa trabaho ka na?”
Napakunot ang noo ni Hugo. Napatitig ito sa kanya.
“I was practicing,” sabi niya, sabay pakita ng kaunting pagka-inis na kontrolado. “Pinaprepare mo ako para sa dinner mamaya, ‘di ba? Nakaka-pressure kaya. So I recorded a voice memo. Gusto kong makarating doon nang hindi ako nagkakamali.”
“May kausap ka ba?”
“Wala, inaayos ko lang voice memo kaya akala ng Mama ay may kausap ako,” pagdadahilan niya.
Napatingin si Hugo sa cellphone niya, pero hindi ito kinuha. Tumaas lang ang isang kilay nito.
“Alejandra…” malalim ang boses niya, pero hindi na kasing tigas. “Alam mo namang ayoko ng may tinatago sa akin.”
“Wala akong tinatago,” sagot niya agad.. “Gusto mo, i-play ko ang next recording ko dito mismo sa harap mo para malaman mo ang ginagawa ko.”
Natigilan si Hugo.Hindi siya sanay na nag aalok si Alejandra ng ebidensya. Para sa kanya, kung nagtatago siya, dapat umiwas pero kabaliktaran ang ginawa nito. Maya-maya ay tumango si Hugo, bumuntong-hininga, at umiwas ng tingin.
“Fine. Just… be ready later. Mom wants you downstairs at seven. May bisitang darating.”
Tumalikod siya at lumabas ng pinto. Wala nang dagdag na tanong. Pagkasara ng pinto, agad napa-upo si Alejandra sa gilid ng kama, nanginginig ang kamay. Nag-vibrate ang phone niya, isang mensahe mula kay Levi. Agad niyang sinabihan ito na ‘wag ng tumawag o magtext kung hindi siya magtext.