KABANATA 7

1007 Words
(ATASHA POV) "Ang laki na ng pinagbago mo, Atasha! Dati rati ay maliit na babae ka pa but you've already grown up. Sobrang bilis lang ng panahon." It's really crazy to think na magiging ganito ang hitsura n'ya. Halata na retoke man ang lahat pero naging maayos ang mukha n'ya na animo'y isang batang lalaki lamang. But I know he still has demon inside his head. Sure ako na ilalabas rin nito ang tinatago tago n'yang baho! "Ganun po kabilis ang panahon. Malaki po ang pinagbago ko, ano pa ang tatay ko na talagang tumanda rin po ng husto ang hitsura sa dami ng mga naging problema nito noong mga nakaraang araw," sabi ko pa. Umikot ito at sinundan ko s'ya ng tingin. Pumunta ito doon sa may book shelves at kinuna n'ya ang isang bote ng wine dito. Ang weird naman, sa laki ng bahay ng lalaking ito, talagang sa book shelves pa n'ya ilalagay ang isang bote ng wine? Lumapit s'ya at nilagyan ang dalawang wine glass bago umupo. Tinulak n'ya ang isa nito papalapit sakin. I don't drink wine lalo na kapag galing pa ito sa isang tao na may malagim na nakaraan samin. "Sige na, wala iyang lason. Gusto ko lang talagang bigyan ng drinks ang mga taong pumupunta dito sa office ko dahil sobrang halaga ng bawat segundo na inilalaan ko sa mga ito. As a matter of fact, I never accepted people na walang appointment. But this time, I will make an exemption." "Bakit kayo yumaman ng ganito?" tanong ko sa kanya na may halong bitterness. Gusto ko rin na uminom muna ito ng wine bago ako uminom. Ayoko munang mag attitude ng malala dahil kelangan ko pa ng tulong nito sa papa kong na confine sa hospital. He leaned against his chair and gave me a sheepish smile, "Simple lang! Isa akong negosyante na sobrang madiskarte sa buhay kaya lahat ng mga nakikita mo sa mansyon kong ito. Lahat ng iyan ay bunga ng pagsusumikap ko sa buhay. Anything is possible sa isang lalaki na labis ang pagnanasa na umangat ang buhay. At hanggang sa ngaun, 'di pa rin ako makapaniwala na ganito na kaganda ang natatamasa ko. Para akong nasa isang panaginip na ayoko nang magising." Sabi na eh! May pahapyaw na sa kayabangan nito. I am not convinced na humble na s'ya. I can sense it sa ngisi nitong mapagkunwari. "Ganun ho ba? Kaya pala ang taas na po nang pag hanga sa inyo ng papa ko? Eh nagtataka nga ako kung paano nito nalaman na maganda na ang estado ng inyong buhay—" "Nagkita kami nitong nakaraang araw. Di ba n'ya sinabi sa iyo ang tungkol dito ha?" Ito talagang si papa, minsan kahit na anak na n'ya ako ay nahihiya pa ito sakin. Oh baka kaya 'di ito nagsalita ay dahil noong time na iyon ay nagkimkim s'ya ng galit at na shock sa narating ng tiyo kong ito. "Wala po itong sinabi tungkol sa pagkikita n'yo ngunit tatapatin ko na po kayo, need n'ya talaga ng tulong galing sa inyo. Kahit po sana bayaran ko ng paunti unti, mamamasukan po akong kasambahay dito sa mansyon. Di naman po linggid sa kaalaman n'yo na s'ya na lamang ang natitirang pamilya ko." Ayoko na magkaroon ng utang na loob sa taong ito kaya dapat gumawa ako ng paraan upang di n'ya ako masingil. Since wala na rin pag-asa pa na umangat ako sa trabaho, mas maganda nang i-let go ko na ito. Malaki ang babayaran naming bills sa hospital so ilang buwan ko rin itong pagbabayaran sa taong ito. Tumingin ako kay tiyo Drake, dapat ay magpakilala na ito ng ugali n'ya. Talo na ako, talunan kami ng papa ko kaya lunok ng pride kung lunok. He suddenly smiled, "Ikaw naman, Atasha! Do you really think na gan'un pa rin ako kasamang tao? Marami tayong mga naging alitan noon ngunit nagbagong buhay na ako. Ano pa ba ang rason ko para maging isang pobreng tao kung natatamasa ko na ang lahat. Ako na ang bahala sa lahat ng bills ng papa mo. Wala akong hihingin na kapalit sa iyo." While I am grateful sa kanya, I still can't remove my doubt sa taong ito. Marahil ay sinasabi n'ya ito para mahulog ang loob ko sa kanya. Pero napanatag na ang loob ko sa papa ko. At least, paid na ito. "Maraming salamat po tiyo, alam ko na barya lang sa inyo ang iaabot n'yong tulong. Still, malaking blessig na ito sa amin." Lumiyad itong muli, and the way he looks at me is creeping me out. Para bang ganito ang tingin ng mga manyak sa labas kapag maiksi ang suot kong shorts. "What if you resign to your work and be my executive assistant? I will offer you fifty thousand pesos as your salary. Sure ako na wala pa sa kalahati nito ang naging sahod mo sa trabaho mo ngaun." Parang tumigil ang mundo ko! Fifty thousand pesos? That is around half a million sa isang taon at sa ganito kalaking sahod, ang dami ko nang mabibili. But bago pa man ako tuluyang magalak, bumalik ang hinala ko sa kanya. Ang gulo ko ring babae, kanina gusto kong mamasukan pero ngaun, biglang ayaw ko na! I feel na pinaglalaruan ako ng utak ko. At ang lalaking ito, 'di ko sure kung ano ang kanyang gagawin. "Resign? Ahhh..." "Kanina sinabi mo na gusto mong maging kasambahay rito ngunit alam kong may pinag-aralan ka so I am giving you opportunity to work for my company." Kakapit ba ako sa patalim at hahayaan ko ang sarili ko na mag trabaho sa taong kinamumuhian ko? Ibaon na ang lahat sa limot? Napapikit ako ng saglit at nakita ko ang ngiti ni Jake at ang sinabi nito na isang mabuting tao na ang kanyang daddy. At dahil rito, medyo napanatag ako na tanggapin ang offer since masasabi kong mabait si Jake and not because of this guy. "Ibig sabihin din po ba nito ay makakatrabaho ko ang anak n'yong si Jake?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD