(ATASHA POV) "Matigas man ang ulo ko pero bitamina ng katawan ko ng alak. Sige na, kumain na tayo at nagugutom na ako!" Kumain na kaming dalawa ng tahimik subalit muli kaming nahinto ng bigla itong mag request bigla. "Anak... baka puede mo akong bilhan ng donut sa labas? May tindahan naman siguro ng donut dito tama ba?" Kanina ay alak pero ngaun ay donut. Baka sa susunod ay iba pa ang kanyang ipabili. Ngunid 'di katulad ng alak, mas gusto ko ang donut para sa kanya. Kahit ako rin, mas masarap kumain ng donut. Bigla tuloy akong nag crave. "Sige pagkatapos nating kumain," sabi ko sa kanya. I can see the disapproval on his face and I know that he is about to complain. "Ngaun ka na bumaba. Walang gagalaw sa pagkain mo, ako lang naman ang nandito eh!" Si papa... kahit kelan talag

