Drake "Hindi ka pa ba pumapasok sa opisina?" tanong ng Mommy niya nang bumaba siya sa kusina para magkape. Inumaga na siya umuwi noong isang gabi dahil pagkatapos niyang ihatid si Brenda sa silid nito ay nakipag-inuman pa siya kina Jeoff. Hindi na siya dapat magtatagal sa party dahil nakiusap si Renzo na sila muna ni Marcus ang bahala sa pamamahala ng Albano Air. Pansamantala. Kahapon ay hindi siya nakapasok dahil bukod sa mag-umaga na siya nakatulog, maaga pa rin siyang nagising. Iyon nga lang, hindi para magtrabaho kung hindi ang puntahan si Brenda at yayain itong mag-swimming. "Papasok pa lang ho, My." Kumuha siya ng tasa sa cupboard at isinalang sa coffee maker. "Sino naman ang ka-date mo noong isang gabi at ngayon ko lang yata nakita?" curious ng tanong ng Mommy niya. Napa

