"Of all the places on Earth, why did you choose Fajardo Farm to breed your horses? Wala bang malapit sa inyo?" tanong niya nang binabaybay na nila ang highway patungo sa ospital. Siguradong manlalaki ang mga mata ng mga kasama niya sa trabaho kapag nakitang isang BMW ang sasakyan ng naghatid sa kanya. "Mayroon din sa Cagayan de Oro at Cebu. Pero nangako kasi ako kay Don Hernani noon na tutulungan ko siyang ibangon ang hacienda. And honestly, I fell in love with this place when I first saw it." "Maganda naman talaga ang Camiguin Island kahit hindi pa developed ang mga beaches dito. Pero hindi ba't may negosyo kayong kailangan mo ring alagaan?" "Yup. Pero marami kaming magpipinsan na nagtutulong-tulong para i-manage 'yun. Some of my nieces and nephews have started helping out as

