Kalahating oras matapos nilang mag-usap ni Brenda ay dumating si Drake. May kasama itong staff ng hotel na may dalang tray ng pagkain. Ni hindi niya naalala ang gutom kanina sa dami ng rebelasyong nalaman niya sa Inay niya. Ngayon ay hindi niya tuloy alam kung tama pa ba na magpakasal siya kay Drake. "Alas siyete pa naman ang dinner kaya kumain ka muna kahit kaunti. You missed lunch, and I didn't have the heart to wake you earlier." "Nandito ka kanina?" Umupo siya sa coffee table para harapin ang pagkain. Gusto sana niyang mapag-isa para makapag-isip. Hindi rin niya alam kung paano itatago kay Drake ang lungkot sa mga mata niya. May dinner siyang haharapin mamaya, ngayon pa talaga naisip ni Brenda na sirain ang mood niya. "Uhm. I hung around for a bit, but I had to leave before I gave

