Inihatid siya ni Drake gamit ulit ang chopper. Gabi na halos sila nakaalis sa Maynila dahil kailangan niyang pagbigyan si Drake na ipag-shopping siya. Gustuhin man niyang mamuhay ng simple lang, nakalimutan niyang bilyonaryo ang napili niyang alukin ng kasal. And Drake was a sentimental, traditional, and passionate in every inch of his soul. Nagulat siya kanina nang magpahayag ito ng pag-ibig. Nasagot na ang mga katanungan niya. Napanatag na ang puso niya. Her life took a complete 180-degree turn. Handa na siyang yakapin ang bago niyang mundo ngayon. Hindi na siya interesado sa mana o sa mga alaala niya sa Camiguin. Gusto niya na lang gumawa ng bagong alaala kasama si Drake. Pero nang palapag na ang chopper sa Camiguin ay may lungkot na bumalot sa puso niya. Ito pa rin ang lugar kung sa

