"Rosebud umalis na tayo! Hindi natin sila kakayanin!" Hinihila na si Rosebud ng mga lalaki na kasama niya sa gang ngunit nag mamatigas siya. Kahit kitang kita na niya ang halos pagkamatay ng mga lumalaban sa breeze. "Yan ba si Autumn?" Nanlalaki ang mata ni Rosebud kitang kita kahit na naka suot siya ng maskara. Hindi siya makapaniwala sa babae na punong puno ng dugo ang damit. Naka ngiti at isa isang sinusuntok ang bawat lumapit sa kanya. "OO ROSEBUD! Siya yan. Tumakas na tayo! Hindi natin siya kaya!" Dahan dahang napa upo si Rosebud sa sahig sa pagkakita niya kung paano unti unting nauubos ang mga alagad niya. "Nauubusan na tayo ng mga kasama!Babagsak ang gang natin!" "Hindi Rosebud, hindi pumapatay ang Breeze sadyang ganyan lang sila kalakas kahit wala pang armas." "Kailangan

