" The Queen is slowly getting there. Based sa mga signs malapit na siyang magising." Masayang balita ng isang doctor mula sa Breeze. Masayang masaya ang lahat ng malaman ang balita maliban lang kay Jeremy. "Ang daya mo naman. Kung maka kapit ka akala ko naman gising kana. Ganun dapat yun diba? Kapag sobrang emosyonal na lahat dun ka biglang magigising tapos magiging masaya lahat?" "Huwag kana mainip Jeremy malapit na gumising si Bossing ko! Pag gising niya ibubuking ko kung gaano mo siya ka crush tsaka kung paano ka umiyak dahil sa kanya!" "Sira ulo ka Sheak subukan mo lang! Wag ka nga maingay baka naririnig niya!" Natawa naman sila sa naging bangayan ng dalawa. "Ela! Batugan ka gumising ka na nga jan pandak na gangster!" "Hindi pandak ang bossing ko!" "Pandak siya tapos siksik!"

