Malungkot na nag hihintay ang buong Section 4D sa labas ng school nila para kay Jeremy at kay Ela. Bukas na kasi ang kanilang graduation ceremony at hindi pa nagpaparamdam ang pinakamamahal nilang guro. "Ano kayang nangyari kay Ela? Namimiss ko na talaga siya." Napatango nalang ang lahat sa sinambit ni Xander. Sa kabilang banda naman ay kasalukuyang inililipat si Angela sa ospital kasama ang kanyang mga bantay at si Jeremy upang maka punta doon ang buong section nila. Pilit na pinipigilan ng binata ang kanyang sarili na umiyak o di kaya ay alugin si Angela upang magising. "Prince, secured na po ang lahat." Matapos mag report ng isang doctor na kasapi sa Breeze kay Jeremy ay agad niyang dinial ang mga numero ni Xander. "Hello Xander, wag kang mag sasalita. Makinig kang mabuti." H

