Hannah's POV
"Kumusta ka na, Dice?" Hindi ko mapigilang tanungin siya nung ihatid niya ako sa bahay. Ang saya ko nga kasi pumayag siya na ihatid ako. Mas lalo siyang gumwapo ngayon. Kung dati gwapo siya ngayon ay sobrang gwapo na niya.
Hinihintay ko siyang sumagot. Sana lang ay bumalik dati ang pagsasamahan naming dalawa, hindi man ang pagkakaibigan namin atleast man lang ay magbonding kami ulit.
"Ayus lang." halos maluha ako sa narinig ko. Iyon lang ang sagot niya? Ni hindi niya man lang ako kukumustahin kung okay lang din ako? Pakiramdam ko ay napahiya ako sa sarili ko.
"Mabuti naman kung ganon." tanging sagot ko sa kanya. At tulad ng inaasahan ko, hindi na siya muli pang nagsalita.
Gusto kong maiyak nang mga oras na iyon pero pinigilan ko lang. Ayokong ipahalata sa kanya na nasaktan ako sa inasal niya. Ano pa nga bang aasahan ko? Malamang ay wala na siyang pakealam sa akin dahil matagal ng nagtapos ang pagkakaibigan namin. Pero hindi ko parin mapigilang maging malungkot. Ang mga luha ko ay sinasapo ko lang dahil ayaw kong makita niyang umiiyak.
Nung marating namin ang bahay ko. Nakahinga ako ng maluwag.
"Maraming salamat sa paghatid, good night." Pagkatapos kong magsalita ay mabilis akong bumaba sa kotse. Hindi na din kasi ako nag-eexpect na sasagot siya sa sinabi ko. Mabilis akong pumasok sa loob. Pagkasara ko sa gate namin ay doon na ako humagulgol. Lahat ng sapo sapo kong mga luha ay unti-unting bumagsak. Bakit ganito ang nararamdaman ko? E ano ngayon kung ganoon ang pakikitungo sa akin ni Dice? Matagal na kaming hindi nagkikita, malamang marami ng nangyari at nagbago.
Pumasok ako sa kwarto ko at humiga sa kama ko habang patuloy na umiiyak. Ngayon ko lang narealize na mahal ko pa rin pala si Dice. At sobrang nasaktan ako dahil pakiramdam ko ay balewala lang ako sa kanya. Ano pa nga bang ineexpect ko? Noon pa naman ay bakewala na ako sa kanya, kaya anong iniiyak ko?
Siguro ay kailangan ko na talagang kalimutan si Dice dahil kahit anobg gawin ko ay hinding-hindi niya ako magugustuhan. Siguro nga kahit pagbalik-baliktarin pa ang mundo ay never siyang magkakagusto sa akin. Ewan ko lang sa sarili ko bakit panay pa rin ang asa ko sa kanya. Ano kaya ang gagawin ko para makalimutan ko na siya? Ayoko ng ganitong nararamdaman. Panahon na ba para ilaan ko naman sa iba ang pagmamahal ko? Magagawa ko naman kaya? Basta gagawa ako ng paraan para tuluyan ko na siyang kalimutan.
***
Araw ng kasal nina Xander at Dice. At nasa reception na kami. Halos out of place nga ako dahil busy si Gab at Xander sa mga bisita. Ganun din sina tita Alona at tito Dan.
Bukod sa kanila ay si Dice lang kilala ko pero Iniiwasan ko na din na magkalapit kaming dalawa.
"Tita Ganda." si Sab iyon. Ang anak ni Dice.
"Hello." ngiting bati ko naman sa bata.
"Mabuti po narito po kayo ulit. Gusto ko po magpasalamat sa pagtulong niyo po sa akin non. Ganun din po si daddy. Sobrang pasalamat din po siya sa iyo."
"Your welcome, Sab. Chaka wag tita ganda itawag mo sa akin, di naman ako ganun kaganda para sa tawagin akong ganon. Tita Hannah na lamang okay?"
"Maganda naman po talaga kayo e. Pero sige po tita Hannah na po tawag ko sa inyo." nakangiting sabu niya sa akin.
Mabuti pa itong batang ito ang bait bait sa akin. Samantalang ang tatay niya ay wala man lang pakealam sa akin
"Sab, kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala." si Dice iyon. At muli ay naging awkward na naman ang pagitan sa aming dalawa.
Halos pagpawisan pa ako dahil nandito siya sa harapan ko.
"Kausap ko lang po si tita Hannah. Tsaka wala po siya kasama dito. Samahan po natin siya."
"Okay lang ako, Sab. Sama kana sa daddy mo." sabi ko sa kanya.
"Sigurado po kayo?" tanong ng bata. Mabuti pa itong bata mabait samantalang siya ay sobrang sungit.
"Okay sige. Dyan nalang tayo." Halos bumilis ang t***k ng puso ko. Nasa iisang table lang kaming tatlo. Halos hindi ako makakain ng maayos dahil pakiramdam ko ay nakatingin siya sa akin.
"Daddy, puntahan ko lang po si Alexa.
"Okay, anak. Basta wag masyadong malikot."
"Okay po, daddy. Mamaya nalang po tita Hannah."
Ngumiti lang ako sa kanya.
Mas lalong naging awkward ang sitwasyon ko ngayon lalo pat kami lang dalawa ni Dice sa isang table.
"Pwedi ba tayong mag-usap, Hannah?"
Halos matigilan ako sa kinakain ko at napatitig sa kanya. Seryoso ang mukha nito. Ang ekspresyon niyang ganon ang hindi nagbago. Katulad pa din ng dati.
"Anong sasabihin mo?" tanong ko sa kanya
Bigla itong tumayo. Ako naman itong tanga, tumayo din at sumunod sa kanya.
"Nung araw na nawala si Sab, nakita mo ako diba? Nakilala mo ako pero tumakbo ka palayo. Tama?"
Halos nabigla ako sa tanong niyang iyon. Paano niya nalaman? Halos hindi ako makasagot sa kanya.
"Silent means yes. Bakit? Bakit ka umiiwas? Tapos ngayon nandito ka naman. Hindi kasi kita maintindihan.'
"Sorry. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko sa iyo." tanging sagot ko lang sa kanya.
Nakita ko ang inis sa mukha niya.
"Sabagay, hindi na tayo magkaibigan diba? Ikaw mismo nagsabi non. Chaka naging magkaibigan ba talaga tayo noon? Parang hindi naman e. Kasi marami akong hindi alam sa iyo. Ni hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka, tapos malalaman ko pa sa iba na may sakit ka. Tapos ngayon babalik ka na para bang walang nangyari noon. Marami ng nagbago, Hannah. Kaya wag kang mag-expect na katulad pa tayo ng dati. Kaya sana maintindihan mo kung ganito ang pakikitungo ko sa iyo. Chaka yung pinagsamahan natin noon ay matagal ko ng nakalimutan."
Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Wala akong naisagot sa mga sinabi niya sa akin. Bakit sobrang bigat sa pakiramdam. Tama siya, hindi na namin maibabalik kung anong meron sa amin noon. Mas masakit yung sinabi niya na lahat ng pinagsamahan namin ay kinalimutan na niya. Ganun lang ba kadali sa kanya ang kalimutan iyon? Ako kasi tandang-tanda ko ang lahat. At kahit gustuhin ko man na kalimutan ay hindi ko magagawa dahil ayaw ng isip ko. Dahil iyon lang ang tanging memories kung saan ay naging masaya ako.