Episode 11

1021 Words
Halos ibuhos ko ang lakas para tumakbo palayo kay Dice nang mga oras na iyon. Wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya. Ang sikretong matagal kong inilihim sa kanya ay nasabi ko sa na sa wakas. Atleast ngayon medyo gumaan na ang loob ko dahil nailabas ko na ang matagal ng nagpapabigat sa puso ko. Kung ano ang susunod na mangyayari ay hindi ko iyon alam. Kung iiwasan na niya ako, wala na akong magagawa pa. Chaka mas okay na din iyong alam niya, kahit ano man ang mangyari, atleast wala akong pinagsisisihan dahil nasabi ko na sa kanya ang lahat. Hindi din naman ako umaasa na susuklian niya ang pagmamahal ko.Dahil alam ko at maliwanag pa sa sikat ng araw na hanggang kaibigan lang ako sa buhay niya. Masakit. Pero ano nga bang magagawa ko. Hindi natin mapipilit ang puso kung ayaw talaga.  Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta ang gusto ko ay makalayo ako sa paningin ni Dice. Kung saan lang ako dalhin ng mga paa ko ay doon lang ako. Halos tingnan din ako ng ibang mga estudyante dahil umiiyak ako.  Sobrang malas ko pa yata dahil bigla pang bumuhos ang malakas na ulan. Nabasa na ako at humanap ako ng masisilungan. Naisip ko nga na parang sumasabay ang panahon sa nararamdaman ko ngayon. Sabagay, bukod kay Dice l, ang ulan ay isa sa comforter ko. Gumagaan kasi ang pakiramdam ko tuwing naririnig ko ang bawat patak ng ulan. Pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi isipin si Dice. Paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko ang pagtatapat ko ng tunay na damdamin sa kanya. Muli ay humagulgol na naman ako. "Hannah." tumingin ako sa pinanggalingan ng boses. Si Bryan iyon.  Basa din ito katulad ko. Hinabol niya ba ako? "Okay ka lang ba?" Tanong niya sa akin. Hindi ako makasagot bagkus ay lalo lamang akong humagulgol. Kumuha siya ng panyo at pinunasan ang basa ko.  Nilingon ko siya. Muli ko nanamang naisip si Dice. Dati ay siya ang gumagawa non noong bata pa kami, pero ngayon, mukhang hindi na niya magagawa iyon sa akin.  "Sinabi ko na sa kanya ang tunay kong nararamdaman, Bry." "Wow. Ang tapang mo naman. Nagsisisi kaba?" "Hindi. Kung tanggapin niya man iyon o hindi, ang mahalaga wala akong pagsisisihan dahil alam ko sa sarili ko na nasabi ko na ang lahat." "Tama iyan. Basta wag mo muna siyang isipin. Baka yang sakit mo sumumpong, sige ka baka magpatransplant kang hindi oras." Ngumiti ako sa kanya ng mapait.  "Diba tinatanong ko ako nun kung bakit ayaw kong magpaopera? Totoo iyon na takot ako dahil baka pangunahan ako ng nerbyos, pero bukod dun may mas malalim na dahilan." "Ano naman?" Muli ay umagos na naman ang mga luha ko. "Dahil ayaw ko na palitan ang puso ko. Kasi kapag pinalitan na ang puso ko baka mawala din ang feelings ko kay Dice. Kaya kahit nahihirapan ako gusto kong manatili ang nararamdaman kong pagmamahal sa kanya, kahit hindi niya iyon ramdam." "Hannah." Tinitigan ko si Bryan at halata sa kanya ang pag-aalala. "Ang swerte naman ni Dice. Pero malas niya dahil binabalewala ka niya." "Wala naman akong magagawa e. Hindi naman natin kasi kayang utusan ang puso di ba?" "Kahit sa kabila ng nangyari, mahal mo pa rin ba siya?" "Never na siguro mawawala ito. Kung kaya ko pa, pipilitin ko." Nagulat na lamang akp dahil bigla akong niyakap ni Bryan. Dahil dito ay parang gumaan ang pakiramdam ko kahit saglit man lamang. Mabuti na lamang at nandiyan siya dahil kung hindi baka hindi ko kayaning mag-isa ang lahat ng ito.  "Ihahatid na kita sa inyo, Hannah, para makapagpahinga ka na." Dice' POV Halos hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula kay Hannah. Tama ba ang narinig ko nung sinabi niya na may gusto siya sa akin? Halos hindi ako makapag-isip ng itutugon ko sa sinabi niyang iyon.  So, ang tanga at manhid ko pala dahil hindi ko man lang naramdaman ang pagmamahal niya sa akin. Ang totoo ay biglang sumaya ang puso ko, pero hindi ko alam kung bakit. Isa lang kasi ang alam ko at hindi ako pweding magkamali. Kapatid at kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Ayoko din kasing magbago kung anong meron sa amin kung sakaling lumagpas doon ang pagsasamahan naming dalawa. Muli kong tinanong ang sarili ko. "Higit ba sa kaibigan ang turing mo kay Hannah?" Mismong aarili ko ay hirap ding sumagot. Minsan ay nalilito din ako.  Nang mapansin ko na umuulan ay bigla ko siyang naisip at hinanap ko siya. Gulong-gulo din ang isip ko. Nang sabihin niya na putulin na namin ang pagkakaibigan namin ay lubos akong nalungkot. Parang ang hirap non dahil ang dami na naming pinagsamahang dalawa. Ayoko na sa ganito lang matatapos ang lahat. Halos mabasa na ako sa ulan sa kakahanap sa kanya, hanggang sa makita ko siya kasama na naman ang lalaking iyon. Bakit ba sinabi niya pa sa akin na mahal niya ako tapos nakikisama pa siya sa lalaking iyon. Nakakainis lang.  Balak ko silang lapitan para ilayo siya sa lalaking iyon, at isa pa ay gusto ko ding makausap si Hannah ng mabuti.  Palapit pa lamang ako sa kanila nang bigla siyang niyakap ni Bryan. Inaasahan ko na tututol si Hannah sa ginawang iyon ni Bryan pero mukhang hindi. Bagkus ay hinayaan lang niya ang lalaki na yakapin siya.  "Akala ko ba ako yung gusto mo e bakit ka nagpapayakap sa lalaking iyan." Gusto kong ipagsigawan iyan kay Hannah pero bakit parang naduwag ako.  Hindi ako nagseselos. Hinding-hindi. Siguro ay hindi lang ako sanay na may humahawak na iba kay Hannah. Ako lang kasi yumayakap pag malungkot siya, o kaya naman ay akbayan siya kapag sabay kaming naglalakad. Pero ngayon mukhang may iba ng gumagawa at gagawa non. Baka tinutoo na nga niya ang sinabi niya na friendship over na kami.  Hanggang sa hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Para saan? Sobrang bigat ng puso ko pero hindi  ko naman alam kung ano ba ang tunay na dahilan. Basta ang alam ko hindi ako masaya.  Maingat akong lumayo sa kinaroroonan ng dalawa. Siguro nga kasalanan ko kung bakit humantong sa ganito ang pagkakaibigan naming dalawa ni Hannah. At hindi ko din siya masisisi dahil madami akong pagkukulang sa kanya. I deserve all this dahil wala akong kwentang kaibigan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD