Dice' POV
Isang linggo na din ang nakakalipas simula ng mag-away kami Hannah. Sa totoo lang, sa tagal na naming magkaibigan ni Hannah ay ngayon lang kami nag-away ng ganoon. Ano ba kasing masama kung ilayo ko siya sa lalaking iyon? Kilala ko ang Bryan na iyon, at alam ko kung paano siya magtrato ng babae. Kaliwa't kanan ang mga babae niya at hindi ako makakapayag na maging biktima niya ang kaisa-isa kong kaibigan. Gusto ko siyang protektahan sa lalaking iyon pero bakit parang siya pa itong galit sa akin.
Nung unang magparamdam ang lalaki sa kanya ay kaagad ko siyang binalaan na wag siyang ientertain. Hindi pa nga ako nakuntento at nagawa ko pang kausapin ang lalaking iyon.
"Stay away from Hannah's life. Kilala kita at wag kang mandamay ng inosenteng babae. Iba nalang pwede ba?"
"Sino ka ba para utusan ako na layuan siya?" matapang na sagot niya sa akin.
"Kaibigan niya ako at ayoko na idagdag mo siya sa mga naging babae mo."
"Iyan ba talaga ang dahilan o natatakot ka lang na maagawan?"
Sa sandaling iyon ay bigla akong napaisip. Iyon ba ang dahilan? Hindi. Imposible. Kapatid lang ang turing ko kay Hannah. Hanggang doon lang iyon. Ayaw ko lamang siyang masaktan kaya ko ginagawa ito sa kanya. Iyon lang, wala ng iba pa.
"Kaibigan ko siya. Kaya ganun."
"You mean, friends with benefits? Kasi lagi kanyang ginagawan ng projects at assignments? Tapos dinadalhan ng pagkain tuwing training mo. Tapos kapag may girlfriend ka na balewala na siya sa iyo. Iyan ba ang depenisyon ng kaibigan para sa iyo?"
Nang-init ang ulo ko sa sinabi niya at tinangka ko aiyang suntukin pero mabilis itong nakailag.
"Wala kang alam. Layuan mo na si Hannah!"
Iyon lang ang sinabi ko at iniwan ko na siya. Sa kabilang banda, napaisip ako sa mga sinabi niya. Kung tutuusin ay totoo ang sinabi niya. Ang dami na niyang naitulong sa akin tuwing may projects at assignments. Madalas din niya akong asikasuhin tuwing may training ako, at higit sa lahat nakakalimutan ko nga siya tuwing may bago akong nililigawan o kaya naman ay girlfriend. Pero ni minsan ay wala naman akong narinig mula kay Hannah kaya never kong naisip na masyado pala akong naging pabigat sa kanya.
Lumipas non ang mga araw at hindi na nga nagparamdam sa kanya ang Bryan na iyon. Atleast nakahinga ako ng maluwag.
That time ay binalak kong ligawan si Sarah. Naattract kasi ako sa kanya nung minsang nakita ko siyang sumasayaw nung foundation day. Isang araw ko nga lang siyang niligawan tapos sinagot na niya ako kaagad.
That same day nakita ko na ang layo ng tingin niya. Nacurious tuloy ako kung ano ba ang nasa isip niya. Nilapitan ko siya. Bigla naman siya nagtanong kung kumusta ang panliligaw ko kay Sarah, hanggang sa nasabi ko na kami na.
Bakas naman sa mukha niya ang saya. Sobrang suportado niya talaga ako sa lahat ng ginagawa ko. Hanggang sa bigla na lamang niya nabanggit na magseryoso na daw ako sa babae. Sa totoo lang ay lahat ng naging girlfriend ko ay hindi ako seryoso, minsan nga isang araw palang ay ayaw ko na kaagad. Matagal na ang isang linggo sa akin. Ewan ko ba bakit ganun ako.
Napaisip ako sa sinabi niyang iyon. Oo nga, dapat maging seryoso na ako sa pag-ibig. Kaya nakapagdesisiyon ako na iyon ang gagawin ko ngayon sa relasyon naming dalawa ni Sarah.
Halos dalawang linggo din ang lumipas simula ng maging kami ni Sarah. Halos lagi din kami magkasama. At inaamin ko na nawalan ako ng oras sa kaibigan ko. Hanggang sa nakapagdesisyon ako na isama namin siya ni Sarah na kumain sa labas tutal ay uwian na.
Biglang uminit ang ulo ko nang makita ko siya na kausap ang lalaking iyon, si Bryan. Ang akala ko ay tumigil na ito sa panliligaw kay Hannah, pero bakit sila magkasama? Pinayagan na ba niya ang lalaking iyon na manligaw?
Sobrang inis ko na lumapit sa kanila. Mukhang masaya pa nga silang dalawa na nag-uusap e. Hanggang sa nagkayayahan na manood ng sine. Ang gusto ko sana ay sa amin na sumabay si Hannah, kaya lang naiinis na din ako sa kanya kaya hinayaan ko na lamang.
Nasa parking lot kami nang mas lalong mang-init ang ulo ko ng makita kong nakapulupot ang ang kamay niya sa braso nito. So ano ito? Sila na ba? Agad-agad?
Halos hindi ako makapagconcentrate sa pinapanood naming palabas dahil panay ang sulyap ko sa kinaroroonan nina Hannah at Bryan. Katabi ko kasi si Sarah at katabi naman ni Sarah ai Hannah at nasa dulo si Bryan.
Bigla akong napatingin sa palabas, kwento pala ito ng dalawang magbestfriend, kung saan nainlove ang babae sa lalaki.
Bigla kong naisip si Hannah. Ewan ko ba bakit siya ang naalala ko sa palabas na ito. Imposible naman na magkagusto siya sa akin dahil kaibigan lang din ang turing niya sa akin at ganun din naman ako sa kanya.
Imposible na nangyari sa aming dalawa ni Hannah ang istoryang iyon. Mahalaga ang isa't isa sa amin, pero bilang magkaibigan lang.
Inaamin ko nakaramdam ako ng selos sa mga tagpong naging close silang dalawa ni Bryan pero wala akong pagtingin sa kanya at sigurado ako dun. Siguro ay hindi lamang ako sanay na may ibang lalaking kasama si Hannah. Iyon lang at wala ng iba.
Tila napako ang mga mata ko sa pinapanood namin lalo pa nung magtapat na ang babae ng kanyang nararamdaman sa kanyang bestfriend.
Bigla ko nanamang naisip si Hannah. Tila naglaro sa isip ko ang isang bagay. Paano kaya kung maging ganun din ang kalagayan naming dalawa? What if isa sa amin ang mainlove tapos magtatapat ng nararamdaman, ano kayang mangyayari?
Natigil ang pag-iisip ko ng biglang magpaalam si Hannah na pupunta siya sa cr. Naghintay ako ng kaunti at nagpaalam din na pupunta din ng comfort room. Ewan ko pero bigla ay inabangan ko ang paglabas ni Hannah at halata ang gulat nito ng makita niya ako.
"Bakit ka nandito? Nagcr ka din? Tara pasok na tayo sa loob." tanong niya sa akin. Nagsimula na itong maglakad nang bigla ko siyang pigilan.
"Bakit? May sasabihin ka ba?" malamig niyang tanong sa akin.
"Pinayagan mo bang manligaw sa iyo ang lalaking iyon?" inis kong tanong sa kanya.
"May masama ba, kung oo."
Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. Bakit bigla akong nakaramdam ng galit sa lalaking iyon.
"Hannah, sinabi ko na di ba? Hindi siya matinong lalaki. Gusto mo bang maging katulad ka ng mga naging babae niya?" hindi ko mapigilang sabi sa kanya.
"Iyon ang sabi ng iba. Ayoko siyang ijudge dahil lang sa sinasabi ng iba."
Muli ay nakaramdam ako ng inis dahil pinagtatanggol niya ang lalaking iyon.
"So, napaikot ka na niya sa mga mabubulaklak niyang salita?" di ko mapigilang sabi.
"Stop it, Dice, ano ba ang kinagagalit mo? Hindi kita tatay o kuya para maging ganyan ka."
Bigla ay nakaramdam ako ng lungkot. Kaya ko naman ginagawa iyon dahil kaibigan ko siya. Anong masama don.
"Tama ka. Hndi mo ako tatay o kapatid dahil kaibigan lang ako. I'm sorry Wag kang mag-alala, hahayaan na kita sa gusto mo."
Tuluyan ng nawala ang mood ko kaya napagdesisyon na ako na umuwi na. Nagdahilan na lamang ako na may emergency sa bahay dahil pakiramdam ko ay hindi ko na kaya pang nakikita na may ibang lalaking malapit sa bestfriend ko.