Dice' POV Hindi ako mapakali nung araw na nag-away kami ni Hannah sa hospital. Sa totoo lang ay gustong -gusto ko siyang puntahan sa kanila para makipag-ayos. Gusto ko din sabihin sa kanya ang lahat lahat para hindi na siya mag-isip pa ng kung ano-ano. Ipapaintindi ko sa kanya na siya ang babaeng mahal ko. Ilang araw din ang inilagi ni Sab sa hospital at salamat sa Diyos dahil magaling na ang anak ko at maaari ng isang iuwi. Masaya ako na pero may halong lungkot. Masaya ako kasi magaling na ang anak ko pero malungkot ako dahil hindi kami okay ni Hannah. "May problema ka ba, kuya?" Tanong sa akin ni Gab. "Nag-away kami ni Hannah, dahil kay Tanya." Alam na nila ang tungkol kay Tanya dahil nung minsang dumalaw sila sa hospital ay naroon siya. "Pwedi mo namang iexplain sa kanya ang l

