Zairene's POV
andito na kami ni lola sa loob ng kwarto nya.
'Handa kana ba apo? '
'Kinakabahan ako lola '
Yeah..true kinakabahan talaga ako. Dahil pagtuntong ko palang sa mundo namin umpisa na ng malaking responsibilidad kong dapat gawin.
Hinawakan ako ni lola sa magkabilang pisngi ko at tinignan nya ako.
'Zairene sa una lang yang kaba mo, dahil panigurado mawawala rin yan dahil mapapalitan na yan ng kasiyahan pag nakita mo na ang tunay nating mundo '
Nakangiting sabi ni lola.
'Pero natatakot po ako lola baka hindi ko magawa ang mga tingkulin ko bilang itinakda?'
'Maalis din yang takot mo,zairene. Naniniwala akong makakaya mo ang tungkulin mo dahil may tiwala ako sayo na makakaya mong iligtas ang buong enkantadia, at magtiwala ka rin sa sarili mo. Kung dito kinilala ka ng lahat bilang Queen of gangster na kinatatakutan ng lahat. Sa mundo naman natin ay kikilalanin at katatakutan ka din ng lahat bilang Legendary Queen'
'O_O a...alam nyo po na Ganster ako dito?! '
Paanong nalaman ni lola yun?! Eh naka mask ako pag nakikipaglaban ako?!
'Alam ko lahat ng tungkol sayo dito sa mortal world.'
'Oh..tama na ang dal dal, tara na baka tayo'y abutan ng dilim'
Binuksan na ni lola ang aparodor nya na walang laman ??
'eh??? Lola kala ko ba aalis na tayo, may nakalimutan ka pa ba dyan sa apa.....O_O KYAHHHHHHHH!!!!!!!!!'
Biglang nagliwanag ang aparador tsaka hinila na ako agad ni lola,di ko ntuloy natapos ang sasabihin ko.
Pakiramdam ko parang nasa loob ako ng washing machine umiikot ako tas parang hinihigop ang kaluluwa ko at nakakasuka.
'Aray!!'
Daing ko pagkalabas namin dun sa nagliliwanag na pinasukan namin.
'Oy apo bakit ka naman nahalik sa lupa?'
Tanong ni lola habang tinutulungan akong tumayo. Pasubsob kasi ako bumagsak.,samantalang di lola ang ayos ng pagkababa -_-.
'Kasalan to nung lintik na na lagusan mula sa aparador nyo, ayoko na pumasok sa lagusan na yun -_-'
'Hahaha portal ang tawag sa lagusan na yun, hayaan mo masasanay ka din'
Napaka.. talaga ni lola pinagtawanan pa ako *pout*
'Wag kang ngumuso dyan, mukha kang bibe. Tara na nga at baka maabutan pa tayo ng dilim delikado pa naman dito sa gubat na ito'
Nagsimula na kaming maglakad ni lola sa gubat na parang walang hanggan.
After 2 hours....
'Lola malayo pa ba tayo? '
Tanong ko. Kanina pa kasi naglalakad. Pagod na din ako.
'Malapit na tayo apo,dalian mo '
Sinundan ko nalang ulit si lola.
After 2 hours...
'Ouchh!!'
Letseng ugat ng puno yan paharang harang kasi, natalisod tuloy ako at nasubsob nanaman sa lupa!!! Bwiset kelan pa ako naging lampa?!!
'Oy apo bakit hinahalikan mo nanaman ang lupa?! Hahaha tumayo kana dyan, at malapit na tayo.'
Tignan mo tong lola ko imbis na tulungan ako, pinagtawanan pa ako -_-.
'Sige tawa lang la tss..-_-.'
'Niloloko mo ba ako lola? Sabi mo sakin kanina malapit na tayo eh dalawang oras na tayong naglalakad mula kaninang sinabi mo na malapait na tayo,tas ngayon sasabihin mo nanaman na malapit na tayo? Yung totoo lola,?-_-!'
Nakaka beast mode si lola.sa totoo lang.. pasalamat sya mahal ko sya...
'Totoo na talaga to apo, nakikita mo ba yung pader na iyon? '
Tinignan ko naman yung tinutura nya. Teka?? Paanong nagkapader dyan? Kanina wala yan ah?
'Nung una kasi akala mo puro puno at parang walang hangganan itong gubat na Ito?'
'Opo,paanong...? '
'Isang illusion lang iyon,pero nung nakita na tayo nung tagabantay sa pader na yan,alam na nilang light magic tayo dahil nakapasok tayo sa barrier nila kaya tinanggal na nila ang illusion '
'Barrier? '
'Para sa proteksyon ng enkantadia yon, para di agad makapasok ang black magic,tanging light magic lang ang nakakapasok sa barrier na ginawa nila '
Ahh.grabe pala ang security dito, talagang pinoproktektahan nila ang mundo namin. Lumakad na kami patungong pader,pagtapat naman sa pader nag pindot pindot si lola sa pader, parang nagtetext lang sa cp na de keypad eh hahahaha. Then biglang.....
BOOM!!!!!!!
biglang sumabog yung pader...
Pero syempre joke lang hahaha....
After magpindot ni lola sa pader umilaw yung mga part na pinindot nya at hinila na ako ni lola tumagos kami sa pader at Bumungad sa amin ang napakalaki at napakataas na gintong gate.
'OoO WOW lola ang laki ng gate na to, siguro pag binenta ko itong golden gate na to panigurado sobrang ya....ouchh!! Aray naman la,bat ba ang hilig nyong manakit'
Reklamo ko habang hinihimas yung hinampas nya.
'Anong ibebenta ang pinagsasabi mo dyan?! Kung ano ano nanaman yang nasa isip mo, halika na nga!'
Hinila na ako ni lola dun sa tapat ng golden gate tapos itinapat nya dun sa may scanner yung palad nya then biglang bumukas yung golden gate.
'AHH!! s**t!! Ang sakit sa mata!'
Sobrang liwanag kasi pagbukas ng golden gate. nakapikit at Takip takip ko lang ang mata nang nagsalita si lola.
'Wala nang liwanag zairene'
Dahan dahan ko naman inalis ang pagkakatakip sa mata ko at pag dilat ng mata ko medyo blur pa ang paningin ko. Pero nung luminaw na ang paningin ko ay...
"Ahhh!!! ...ouch...'
Letseng pulang kabayo to,sobrang lapit kasi ng mukha nya sa mukha kaya sa gulat ko naout of balance tuloy ako nasaldak yung pwet ko huhuhu..ouchi T_T.
'Naku mahal na prinsesa pasensya na po kung nagulat ko kayo, nasabik lang po ako na makita kayong muli,patawad po'
Huh?? Sino yung nag salita ? Nagpalinga linga ako kung may ibang tao pa dito pero kami lang ni lola ang andito tsaka etong pulang kabayo na to. Imposible naman si lola yung nag salita eh di naman prinsesa ang tawag sakin nyan? Teka....kung hindi si lola edi ...
'O_O i-ikaw b-ba y-yung n-nagsalita?!'
'Ako nga po mahal na prinsesa'
Ehhhh?!!! Nagsasalitang kabayo?! Ang weird netong kabayo na to,kulay pula na nga nagsasalita pa?!!!
'Wahhhhh!! Bakit ka nagsasalita pero di naman nabuka yung bibig mo ?!'
'Zairene, wag kana magtaka kung bakit naiintindihan mo ang sinasabi nya dahil kayong mga royal blood at ang mga taga earth bender ang may kakayahang makaintindi sa lahat ng hayop dito at wag kana din magtaka Kung may mga kakaiba kang makaingkentro or makita dito dahil andito kana sa enkantadia'
Andito na pala kami sa sa enkantadia. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Andito pala kami sa mataas na bundok. Pag tingin ko sa likod wala na yung golden gate?? San na yun??
Ibinalik ko ang paningin ko sa ibaba ng bundok may isang malaking syosad na nahahati sa apat na kulay, may blue,brown,gray at red. Sa bawat kulay na yun ay may nakalutang na napaka taas na kastilyo kung anong kulay ang nasa ibaba ng kastilyo ay ganon din ang kulay ng kastilyo. May nag iisa pang kastilyo nasa gitna Nito at kulay gold. Napansin ko din na ito ang pinakamalaking kastilyo sa lahat pero wala itong kagaya na kulay sa ibaba.
Grabe eto ba ang enkatadia, sobrang ganda dito at ang aliwas tignan.
'Lola,ano ibig sabihin ng mga kulay na yan? '
'Ang mga kulay na yan ang nagsisimbolo kung anong uri sila. Ang kulay brown ay ang mga earth bender,ang gray ang wind Bender, blue is the water bender at ang pula ay fire bender. Kung napapansin mo ang kulay gold lang ang walang katulad na kulay kasi sila ang pinaka pinuno at pinaka malakas sa lahat ng yan,sila ay ang iyong pamilya dyan kayo nakatira'
OoO wow!! Ang laki pala ng kastilyo namin. Kaso di pa ko makakauwi dyan ..
'Wag ka na malungkot apo, makakauwi ka na din dyan pag natapos na ang.kasamaan ng dark lord'
'Tama sya mahal na prinsesa wag kana malungkot'
Napatingin ako sa kabayong pula na ito dahil bigla sya nagsalita. Nakakagulat pa din kasi na naiintindihan ko talaga sya.
'Ano palang pangalan mo? '
Tanong ko sa kabayo
'Ahh ako nga po pala si Dehorshi,mahal na prinsesa'
Pakilala nya.
'Tara na baka abutin tayo ng dilim dito.'
Sumakay na kami kay dehorshi then...
'Wohhhhhh!!'
Ang saya naman sumakay kay dehorshi, sobrang bilis nya,mas mabilis pa sa mga kotse at motors sa mortal hahaha!! Maya maya huminto na kami sa isang bahay dito sa fire Bender,puro pula kasi ang nasa paligid.
'Baba na dyan zairene,andito na tayo '
'Lola pwede isang i...ahhh!!! Lola naman bat ka nanunulak'
Buti nalang nakakapit agad ako kay dehorshi. Etong lola balak pa akong ilaglag eh -_-
'Dina na pwede yang binabalak mo, bumaba kana dyan,kundi ilalag lag na talaga kita '
'*pout* ang kj ni lola '
Pabulong kong sabi habang nababa kay dehorshi.
'Mukha kang bibe -_-. Sige na dehorshi maraming salamat sayo. '
Napaka...talaga ni lola -_-. Sa ganda kong to mukhang bibe??!
'Paalam po mahal na prinsesa,hanggang sa muli nating pagkikita.at lagi po kayong magiingat '
'Babye ,salamat mag ingat ka din'
Pumasok na kami ni lola sa loob ng bahay. Parang yung bahay lang namin sa mortal ito ah? Kulay lang ang pinag kaiba dahil pure na red ang makikita dito.
'Ahh lola teka, diba secret muna ang pagkatao ko? Paano po ako nakilala ni dehorshi, tska baka po ipagkalat nya na andito ako.?'
'Hindi madaldal ang mga hayop dito kung may malalaman man sila hindi nila ipagsasabi yun kahit na kanino. Sige na magpahinga kana dun sa kwarto mo dahil mamaya ay pupunta kana sa pagsasanayan mo. '
'Ehhh?!! Agad-agad? Di po ba pwedeng bukas nalang or sa susunod na araw?'
'Hindi na pwede pang pag tagalin ang pagsasanay mo dapat ay matutunan mo na agad kung paano gamitin ang mahika mo dahil malapit ng kumilos ulit ang dark lord '
Pumunta na ako sa kwarto ko dito at nahiga sa kama.
'Hayyy...nakahiga din...'
Andito na ako sa mundo namin,eto na talaga ang simula ng pagbabago ng buhay ko. Gagawin ko lahat para sa ikabubuti ng mundo ko. Ako bilang queen of gangster sa mortal world na kinatatakutan ng lahat at dito sa enktadia bilang legendary queen na katatakutan din ng lahat .Dark lord humanda ka sisiguraduhin kong matatalo kita.