--------- ***Zamera's POV*** - Halos matapos nalang ang buong araw ay wala pa rin akong natanggap na text message mula kay Kendrick para ipaalam sa akin ang pina- reserved nya sa isang restaurant. Kaya laman talaga sa buong araw ko ang tungkol sa natuklasan kong reservation na isang dinner date ng asawa ko pero hindi nya sinabi sa akin. Kalalabas lang namin ni Shiny sa malaking gate ng school namin, umaasa ako na nasa labas si Kendrick, naghihintay sa akin, pero nanlumo ako dahil wala sya. Meron pa naman mahigit sa tatlong oras bago ang dinner date na iyon, kaya ngayon, umaasa pa rin ako na ang natuklasan ko ay sorpresa ni Kendrick para sa akin. Baka hinihintay lang ako ni Kendrick sa condo at doon na nya ako yayain para sa dinner date na hinanda nya. "Hindi ka ba susunduin ngayon ng

