-------- ***Zamera's POV*** - Nasa isang convenience store ako, may binili ako na para kay Shiny. Dumating kasi ang buwanang dalaw nito at hindi ito nakahanda ng napkin. Ako na ang bumili dahil sumasakit ang puson nito. Hindi lang napkin ang binili ko, bumili din ako ng ice cream at ilan sa mga kakailanganin ko. Madalas ang pagkain ko ng ice cream sa mga nakalipas na araw, ewan ko pero hinahanap ito ng sikmura ko. Parang sarap na sarap ako sa ice cream kahit pa hindi naman talaga ako mahilig nito. Pagkatapos kong kunin ang mga napagplanuhan kong bilhin, pumunta na ako sa cashier area para bayaran ang mga kinuha ko, pero napaurong ako nang nakita kung sino ang mga makakasalubong ko. "Zamera dear, buhay ka pa pala." si Tanya, kasama nya si Kendrick at nakakapit sya sa braso ni Kendrick

