---------- ***Kendrick's POV*** - "Kendrick, may pina- booked ako na dinner date sa isang restaurant para sa inyong dalawa ni Tanya." ani ng ina ko. Tinawagan nya ako sa cellphone ko. Ayaw ko sana sagutin ang tawag nya pero nakakadistorbo na sya. Wala ako sa pokus, hindi ko magawang magpokus sa pag- aaral ko dahil sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon, dumagdag pa itong ina ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit parang hindi man lamang sya nababahala sa nangyayari ngayon. Parang ikinatuwa pa nga nya. Parang hindi man lamang sya nag- alala sa akin. "Mom, ano na naman ito?" "Kendrick, tulad ng sabi ko, magtiwala ka lang sa akin. Kailangan mong pakisamahan ng maayos si Tanya. Maraming alam si Tanya sa hudas na si The Myth. Pwede kang makakuha ng kahit anong impormasyon sa kanya na

