--------- ***Zamera/ Amora's POV*** - "My boss said na hindi ka pa rin daw kumakanta. Nababagot na ako sa paghihintay kailan ka kakanta, tarantado! Gusto mo bang bigyan pa kita ng microphone?" Nanggagalaiti kong sabi sa lalaki nakaupo sa isang upuan, nakagapos ang kamay nya patalikod. Marami syang pasa sa katawan at sa mukha, palatandaan na nabugbog sya. Ito yong buhay na lalaki nung sa inn. Naiirita na ako dahil hanggang ngayon, hindi pa rin ito nagsasalita kaya ako na mismo ang humarap dito. "K- Kahit anong gawin nyo sa akin, hindi ako magsasalita." matapang na sabi nito, kahit nanghihina na ito. "P- Patayin nyo nalang ako." "Talaga lang ha." Binunot ko ang baril ko mula sa gun bag ko. Hinawakan ko ang buhok nya at hinila ko ito para iangat ang mukha nya sa akin. Napaungol sya

