-ZACHARINA-
Nakakainis ang tandang na yun! Nakaw ng nakaw ng halik sa'kin! Hindi pa ko nakakapagmouth-wash!
Nakakahiya lang! Pa'no kung badbreath ako! mas lalong nakakahiya!
Tulog mantika ka kasi Zacharina! ayan tuloy ang napapala mo!
Sinisisi ng isipan ko ang aking sarili.
Hay! bahala siya sa buhay niya.
Ow!? talaga ba Zacharina! Ipagsawalang-bahala mo nalang ang mga halik ng tandang na yun? Haleeeer? Nakaw yun! nakaw!
'Hays! kainis talaga!' Bulong ko nalang sa sarili habang binabagtas ang hagdan pababa para tunguhin ko na ang kusina.
Nang makarating ako sa kusina agad nagsalubong ang mga mata namin ni Sir Carlos.
"Ba't ba ang tagal mong bumaba Devina! Mabilis lumamig ang mga pagkain ngayon! alam mo namang magdamag ang pag-ulan kagabi, so, expecting ko na rin na hindi tayo matutuloy ngayon!" Aniya habang nakahalukipkip at pinagmamasdan ako ng maigi.
"Dapat nauna ka ng mag-almusal Sir Carlos, hindi mo na dapat ako hinintay pa." Ganting tugon ko sa kaniya at nananatiling nakatayo parin sa kabilang dulo ng malawak na lamesa.
"No! you can join me for my breakfast! Masarap kumain kapag may makakasama ka sa hapag. So? can you please sit down over there Devina?" Utos ba yun o isang pakiusap?
Wait! namali ata ako ng pandinig ko.
Nananatili parin akong nakatayo sa aking pwesto at hindi ko parin pinapansin ang kaniyang sinasabi. Salubong ang mga kilay nito ng tumayo sa kaniyang kinauupuan at inilang hakbang lamang ang pagitan sa aming dalawa.
"Devina? I said, sit down? Lumilipad na kung saan-saan ang kamalayan mo!" Sabay hawak nito sa aking kamay at hinila ako palapit sa upuan na malapit sa kaniya.
"Hindi pa po ako nagugutom Sir Carlos! Mauna na po kayong mag-almusal." Alibi ko sa kaniya.
Nakakahiya! ano nalang ang sasabihin ng mga tauhan nila dito kapag nakita nilang sabay kaming mag-almusal ng amo namin. Isa lamang akong hamak na katulong lang rin naman ng pamilya nila kaya wala dapat special na treatment ang mamayani sa aming dalawa ni Sir Carlos.
"No! Sasabayan mo akong mag-almusal ngayon at uubusin natin ang lahat ng nakahain dito sa table." Matigas nitong salita at maingat niya akong pinaupo sa upuan na yari sa narra.
Pagkasabi nito ay umikot ang paningin ko sa mga pagkaing nakahain.
Shit! nakakatakam naman! Ang sasarap panigurado ang lahat ng mga ito.
Fried rice, adobong native na manok, ginataang papaya na may kasamang daing na danggit at kinilaw na dilis!
Oh! s**t! nakakapaglaway naman talaga! Teka? kumakain pala ng mga ganito ang tandang na ito? Akala ko maarte ang tandang na ito sa mga pagkain eh! Syempre naman! ipinanganak siyang may gintong-kutsara na ang bibig niya. Natural self mapapaisip ka nalang sa lagay ng mga pagkain ngayon sa harapan mo! Unbelievable ang tandang na ito!
Nagulat ako at biglang napataas ng tingin sa aking katabi ng biglang kumulo ng malakas ang tiyan ko, senyales na gutom na rin.
"See? Kahit ang stomach mo ay nahihirapang tanggihan ang mga pagkain na nasa harapan natin ngayon Devina! Don't be hard headed!" Nagsimula na itong maglagay ng pagkain sa plato ko at isinunod ang sa kaniya.
'Pakitang gilas ka lang naman tandang! Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mong panghahalik sa'kin kahapon at ngayong umaga.'
Siksik ng isang tinig sa aking utak.
Hinayaan ko lang na gawin ni Tandang ang gusto niya.
Nakakahiya man pero wala na ring magagawa ang pagpapakipot ko sa kaniya.
And besides, sa tagal na akong naninilbihan sa kanila, ngayon ko lang nakitang naging isang gentleman ito.
Laging pambubweset ang alam nitong gawin sa akin kapag laging nagkukrus ang mga landas namin sa mansyon nila.
Nakakapikon na rin minsan ang tandang na ito sa lahat ng mga pinagagawa niyang katarantaduhan sa'kin.
Pinukol ko siya ng masamang tingin ng halos punuin niya ang plato ko muli ng pagkain. Hindi ko pa nga naumpisahang magsubo pero heto na naman siya! Sandamakmak na pagkain ang inilagay sa plato ko! Para bang bibitayin na ako sa mga oras na ito.
Nakangisi lamang ito ng makita niya ang masamang tingin na ipinukol ko sa kaniya.
"Hindi ka na nakakatuwa Sir Carlos! Alam mo ba yun!?" Banas kong bulyaw sa kaniya.
"Kakainin mo na ba yan o tititigan mo nalang? Sayang ang pagkain Devina! Maraming nagugutom sa panahon natin ngayon. Kanina ka pa kasing nakatitig diyan sa harapan mo! Kaya pinukaw ko lang ang atensyon mo, Sige na, umpisahan mo ng kumain at lumalamig na pagkain." Panenermong saad nito.
'Kulang ka lang ata sa aruga eh!' Bulong ko sa sarili pero mukhang narinig ng tandang na ito ang ibinulong ko.
"May sinasabi ka ba behind my back Devina?" Asik nito habang nginunguya ang pagkain.
"Don't talk to me if your mouth is full!" Tumpak Zacharina! Ang galing! Sana nasaling mo ang kaniyang ego.
At inumpisahan ko na rin ang pagsubo. Hindi ko siya tinatapunan ng tingin kahit ramdam ko ang paninitig niyang pinupukol sa'kin.
Inubos kong lahat ang mga pagkaing inilagay niya sa plato ko.
Kahit busog na busog na ako pinilit ko parin na maubos ko ang pagkain na nasa plato ko.
Nakakakonsensiya nga naman ang mga sinabi niya sa'kin kanina.
Maraming taong nagugutom sa panahon ngayon kaya para walang masabi sinaid kong lahat ang pagkain. Nakakahiya lang kasi halos butong-buto nalang ng manok ang naiwan sa pinggan ko.
"Burb." Dighay ko. "Excuse me." Dugtong ko muli at bago nagdasal ng taimtim na sarili ko lang ang nakakarinig.
"Amazing!" Hindi makapaniwalang reaksyon nito ng makitang wala ng kalaman-laman ang plato ko. "Ang lakas mo palang kumain pero saan mo ba nilalagay ang mga kinakain mo Devina?" Halatang curious ang boses nito.
Sa halip na sagutin ko siya ay dahan-dahan akong tumayo sa upuan at naglakad papuntang lababo. Naghugas ako ng kamay bago muling naglakad papunta sa table kung saan ako nakaupo. Ininom ko ang tubig at hindi pinansin ang orange juice na inilagay niya sa isang baso kanina na para sa akin.
"Yung juice? ayaw mo bang inumin?" Tanong nito.
"Hindi ako umiinom niyan Sir, mas gusto ko ang natural at walang halong kemikal."
Oha! May pinaghuhugutan ba ako?
Ngiting ngisi lamang ang nagawa ko ng tumalikod ako sa kaniya at muling tinungo ang lababo. Dala ko ang mga platong pinaggamitan ko bago muling bumalik sa kaniyang tabi.
Pero nawrong move ata ako! Dahil bigla niya nalang akong niyakap sa aking baywang at isinubsob ang kaniyang mukha sa tagiliran ko.
Nakaramdam na naman ako ng biglang paninigas ng aking katawan dahil sa nerbyus.
Mamamatay ako ng wala sa oras dahil sa mga pinagagawa ng tandang na ito sa akin.
"S-sir C-carlos?" Bulol-bulol ko ng salita at hindi parin natitinag sa kaniyang pwesto ang lalaking ito. "Ano ba Sir Carlos? Ano bang ginagawa mo?" Sita ko na sa kaniya at lalo kong tinaasan ng kilay upang maramdaman niyang naiinis ako sa ginagawa niya ngayon sa'kin. "Bitiwan mo ako! kung ayaw mong sumigaw ako rito!" Pananakot ko sa kaniya. Pero ang tandang mukhang walang balak na kalagin ang yakap niya sa'kin. Lalo lamang humigpit ito at lalong idinikit ang kaniyang ulo sa tagiliran ko
Shit talaga! Paano pa ako makakauwi ng single na 'to sa'min kung ang isang tandang na ito ay mas lalo akong pinag-iinitan na pakiligin! My gosh! Mag-aaral pa ako. Naku Zacharina! landi-landi din kung may time! ikaw rin napag-iiwanan ka na ng mga kabatch mo!
Samu't-saring tinig na sa utak ko ang nagrarambulan. Iba na 'to. Kasi naman eh!
"Ay! Kabayong palaka!" Hiyaw ko dahil sa biglang pagtayo ni Sir Carlos at biglang pagdampi ng labi nito sa batok ko.
"Ang bango mo talaga махал." Aniya, habang binibitiwan na ng kaniyang mga braso ang baywang ko.
Hindi ko maintindihan ang huling binigkas niya, I think, ibang lengguwahe ang kaniyang ginamit.
"Bakit ba ganito ang mga ginagawa mo sa'kin Sir Carlos! Tapatin mo nga ako ngayon? Oo at hindi lang ang tangi mong isasagot sa'kin." Salita ko sa kaniya at tuluyan kong inilayo ang sarili ko sa kaniya ng pakawalan niya na ang baywang ko sa kaniyang malalaking mga braso.
"What is it Devina?" Atat nitong tanong.
"May gusto ka na ba sa akin ngayon?" Walang putol-putol sa tanong kong iyun at diretsong sa mga mata niya ako tumingin.
"If I answer it YES? Maniniwala ka ba? Iiwasan mo na ba ako?" Diretso rin ang titig nito sa'kin habang sinasagot ang unang tanong ko sa kaniya.
"Wala kang karapatang tanungin ako ngayon Mr. Monte Alegre! Ang sabi ko sa'yo, ako lang muna ang magtatanong sa'yo ngayon! at hindi ko pa binibigay ang karapatan mo sa mga nais mong itanong sa'kin ngayon. Ako na muna, at dapat masagot mo ito ng maayos at tama." My gosh self! ano bang pinagagawa mo? May patanong-tanong ka pa diyan at pa-karapatan-karapatan ka pang nalalaman. Kapag ang tandang ang bumawi sa'yo, patay na namang naglason talaga!
Pero, s**t! bakit kinikilig ako sa sagot niya! May gusto na siya sa'kin? Maniwala naman ako sa tandang na ito.
"Hey? Devina! May itatanong ka pa ba sa'kin ngayon? Dahil kung wala na, ako naman ang magtatanong sa'yo ngayon!" Untag niya sa lumalayong kaisipan ko.
"H'wag ka na munang magtanong ngayon sa'kin, hindi pa ako ready sa mga tanong mo. Ako na muna!" Ani ko sa kaniya.
Umupo muna ako sa upuan malapit sa pwesto ko dahil pakiwari ko ay matutumba ako kapag naumpisahan ko na ang personal interview! Peste! At ako pa talaga ang mag-iinterview sa tandang na ito.
Umupo rin ito sa pwesto niya kanina at muling ibinalik ang paninitig nito sa'kin habang naghihintay sa mga ibabato kong mga tanong sa kaniya.
"So? May gusto ka sa'kin ngayon! Paanong nangyari yun Sir Carlos? Eh hamak na isang nerdy ang datingan ko. Paano mo nagawang magustuhan ako?" Alertong mga mata ko ang tumingin sa kaniya. Sinisigurado ko kung mula sa puso ang kaniyang pagsasagot sa tanong ko.
"Devina! Maniwala ka at sa hindi! Ibang-iba ka sa babaeng nakilala ko. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit sa dinami-rami ng nagkakagusto sa'kin, bakit ikaw pa ang napili ng mga mata ko na magustuhan!" Sinalubong niya ang mga mata ko.
"Gaano ka kasigurado sa nararamdaman mong pagkagusto mo sa'kin Sir? Eh, una sa lahat! Isa akong hamak na katulong niyo lamang at isang laking probinsya. Malayong-malayo sa mga babaeng magugustuhan ng karamihang mayayamang lalaking katulad niyo? Paano mo sa'kin ipapaliwanag ng maayos at matiwasay ang mga naging isang katangian na nagugustuhan mo sa'kin ngayon Sir Carlos!" Ngali-ngaling bigyan ko ng batok ang sarili ko at bigyan na rin ng sariling medalya pagkatapos dahil sa prangkang pagtatanong sa aking among lalaki na si Sir Carlos.