EPISODE 5-ROSES

1313 Words
-ZACHARINA- "Ay! kanina ka pa ba diyan Sir Carlos?" Kinakabahang tanong ni ate Amor sa amo naming lalaki. "Nope! Ang sarap ng pagkain niyo hah. Pwede ba akong makienjoy sa inyo? I mean for that, I want to know about new here!" Baling nito sa'kin habang nagsasalita ito sa mga kasamahan ko. Napayuko naman ako sa sinabi niyang iyon sa mga kasamahan ko. "Oo naman Sir Carlos, mabait na bata yan si Zacharina, diba 'Nay Maria?" Si ate Amor na ang nagsasalita. Habang ang mga kasama namin ay nananatiling tahimik lamang, sina ate Inday, ate Jemma, si ate Jenny at ate Lourdes, nakatuon lamang ang mga mata nila sa kanilang pagkain kahit si Reynaldo halatang di makatingin ng maayos sa lalaking palapit sa amin. "Sir Carlos, nakakahiya naman po sa inyong makisabay pa kami sa inyo." Sabat naman ni ate Lyn habang nilalapit ang mga pagkain kay Sir Carlos. "Ohh! bakit naman kayo mahihiya?Matagal naman natin nagagawa 'to ah! Ngayon na nga lang naulit kasi alam kong kumpleto kayo rito." Saad nito habang pasulyap namang nakatutok ang mga mata nito sa aking gawi. 'Easy ka lang Zach, lalaki lang yan, wag kang padadala sa mga tingin niya lalo na sa mukha niyang kasing amo at kasing pogi ng mukha ng artistang si Jeric Raval na paborito mo sa lahat!!' Paglilikot ng kaisipan ko. Napayuko na lamang ako, at sa pagkain ko nalang ibinaling ang atensyon ko, muling hindi na 'ko nag-aksaya ng oras. Minadali ko na ang pagkain ko para makapagligo na ko. Sobrang nanlalagkit na kasi ako sa aking katawan dahil alam kong pawisin ako lalo na't samahan pa na laging suot ko ay jogger pants o kaya naman ay pantalon at laging mahahabang manggas na damit ang suot ko, di naman kasi ako sanay na nakashort at nakasando o kahit na ano lalo na kung exposed ang balat ko. Bata palang ako ay sanay na talaga ako sa mga ganung style, kahit nag-aaral palang ako lagi akong nakasuot ng three-fourth na damit o kaya naman may arm cover akong suot basta bang nakatago ang balat ko ay okay na ako dun sa ayos ko. Nakakahiya naman sa kanila. Mabilis kong naubos ang pagkain ko, akmang tatayo na ako at magpapaalam na sa kanila ng magsalita si Sir Carlos. "Where are you going? At bakit ba nagmamadali ka? Di ko pa nga naririnig ang tinig mo simula kaninang umaga tapos aalis ka na agad?" Sunod-sunod na tanong niya sa'kin na ikinalingon ko naman agad sa kaniya. Sunod-sunod naman ang paglunok ko ng laway para di bumara sa lalamunan ko. "Hmp!" Panimula ko sa sasabihin ko. "Hi Sir! Magandang tanghali po, ako nga po pala si Zacharina Devine Avila o kilala sa tawag na Zach from Mindoro province, panganay sa tatlong magkakapatid at-" Nabitin ang sasabihin ko ng ikumpas niya ang kanang kamay niya dahilan para mahinto ako sa pagsasalita. "Okay-okay! that's enough!" Awat nito sa sasabihin ko pa sana. "Pwede na po ba akong umalis muna Sir?" Bigla ko namang tanong sa kaniya dahilan para paningkitan niya ko ng mata niya. "Di pa naman kita pinapaalis diba? So, bakit ba nagmamadali ka na agad na umalis?" Naiinis niya ng tanong sa'kin. Di na ko nakapagsalita sa kaniyang tanong, itinikom ko na lamang ang aking bibig kahit ang mga kasama ko ay nagulat din sa reaksiyon ng pagsasalita ni sir Carlos sa akin. "Carlos, anak maliligo lang yan si Zacharina, kanina pa sana nakaligo yan kong di ko lang pinagbawalan." Si Aleng Maria na ang nagsalita. "Okay! Aalis po muna ako saglit." At mabilis siyang tumayo sa hapag-kainan at nagmamadaling lumabas ng kabahayanan. "Sige po mga ate aalis po muna ako, sobra na kasi akong nanlalagkit eh." Paalam ko sa kanilang lahat. 'Ang pogi mo nga! sobrang pangit naman ng ugali mo! Hay, buhay...makakatagal kaya ako dito kung ganun lagi ang pakikitungo sa'kin ng hambpakikitungo.' Nanggagalaiting saad ko sa aking sarili habang naliligo. At nang makatapos akong mag-ayos ng aking sarili, nagmamadali na rin akong lumabas ng kwarto. Nakita ko si Aleng Maria sa pasilyo, papunta ito sa isang malawak na hardin. Agad ko itong sinundan palabas ng kabahayanan. "Aleng Maria, ano po ang maitutulong ko sa inyo? At tsaka po gusto ko po ng maraming nagagawa, ayaw ko pong kakaunti lang. Sana po bago kayo umalis marami na po akong matutunan na trabaho dito." Ani ko sa kaniya. Tiningnan niya naman ako ng diretso sa'king mga mata at napangiti. "Katulad ko ng baguhan pa ko dito kinukulit ko din ang mayordoma namin dito, lagi ko tinatanong kung ano pa ang dapat kong gawin. Marami naman talagang dapat gawin anak, sa paligid lang ng bahay, pero dahil hindi naman pabaya ang mga kasama nating katulong dito ay napapakunti nalang ang trabaho natin. Nakikita mo ba ang mga halaman na iyan anak? Kami nila Ma'am mo Cecelia ang nagtanim ng mga iyan, kaya gumanda lalo ang paligid ng bahay na ito, love nature kasi si Ma'am Cecelia mo eh!" Muling kwento ni Aleng Maria sa'kin habang pinagmamasdan ang mga naglalakihan ng mga halaman. Sobrang ganda nilang tingnan dahil sa dami ng mga bulaklak nila! Sobrang bango din lalo na kapag nasa malapit ka lang nito. Alam ko ang tawag sa halamang iyon, kung hindi ako nagkakamali, rosal ang tawag sa halaman na 'yun sa amin,bewan ko kung ano ang tawag nila dito sa halaman na iyon. "Halika, puntahan natin ang hardin, alam kong mahilig ka sa mga halaman kasi nakikita ko ang buo nyong kabahayanan eh! Andami niyong tanim na mga halaman sa bakuran niyo." Mahabang saad ni Aleng Maria at wala na akong nagawa kung hindi magpahila nalang sa kaniya at sumunod na lamang. Pagkalapit namin doon, agad na dumikit sa ilong ko ang samyo ng napakabangong bulaklak, sobrang ganda nilang tingnan dahil sa hitik na mga bulaklak nito lalo na nakapagpadagdag ng kinaganda ng kanilang harden. Nahagip din ng mga mata ko ang mga iba't-ibang kulay ng rosas, may puti,bmay peach, at mayroon ding light pink na kulay ng rosas, mayroon din na rosas na imported, 'Yeah alam ko yun at yun ang rosas na mahal kung bibilhin.' Siksik sa kaisipan ko ang bagay na iyon. Tiningnan kong maigi yung rosas na sobrang pulang-pula ang kulay, napakaganda nilang tingnan. Akmang hahawakan ko palang sana ng biglang may nagsalita sa likod ko. "Hey! don't touch that beautiful flowers!!" Awat ng taong nagsasalita sa likod ko sa gagawin ko sanang paghawak sa red rose na nasa harapan ko. "Baka mamamatay pa yan pag nahawakan mo pa!" Dugtong pa nito sa kanyang unang sinabi. Hinarap ko naman siya at sinagot ang mga sinabi niya sa'kin. "Sir, di naman po nakakamatay agad ang kamay ko sa paghawak lang ng bulaklak, marami po kaming bulaklak o mga halaman sa bahay at alaga ko po ang mga yun, dahil mahilig po ako sa mga halaman." Mahabang paliwanag ko naman sa kaniya. "Oh? I see?" Habang may ngisi sa mga labi nito, halatang di naniniwala sa paliwanag ko. "Di ko naman po kayo pinipilit na maniwala kayo sa'kin Sir Carlos eh. Sige po mauna na po ako sa inyo Sir." Paalam ko na sa kaniya, di ko na siya hinayaang makapagsalita at dali-dali na kong umalis sa harapan niya. Nakita ko si Aleng Maria na tinatanggalan niya ng mga ligaw na damo ang mga halaman. Tumulong na din ako sa kaniya sa pagtatanggal ng mga ligaw na damo. . . . Mabilis natapos ang isang buwan at nasanay na ko sa mga pasikot-sikot na mga gawaing bahay. Umuwi na rin si Aleng Maria sa aming probinsya, babalik lamang siya kapag tuluyan na siyang gumaling. Madalang ko na ring makitang umuuwi si Sir Carlos dito sa mansyon, kung umuuwi man siya dito sa mansyon, di ako gaanong nagpapakita sa kaniya, iniiwasan ko ring magtagpo ang landas namin dito sa loob ng mansyon kahit na napakaimposibleng mangyari ang nasa isipan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD