"Oh, bakit hingal na hingal ka?" Dali-dali akong tumakbo pabalik kay Lucille nang lumingon sa akin si Kye. Halos mawalan na ako ng hininga dahil sa kaba. Hindi ako nakasagot agad sa tanong niya dahil hirap pa rin ako sa paghabol na hangin. "Hoy, bakit ka tumakbo?" tanong pa niya nang hindi ako sumagot. "Anong nangyari sa 'yo?" "Bumalik na lang tayo sa hotel!" Hinawakan ko ang kamay niya at nagsimula nang tumakbo. "Teka, hoy, ano ba 'to?" hindi mapakaling tanong niya habang tumatakbo kami. Hindi ko na nagawang sumagot. Nagsimula lang akong magkuwento nang makabalik na kami sa loob. Ngunit dahil marami kami roon ay pabulong lamang akong nagsalita. Sa loob ay mayroong limang kama na ang laman ng bawat isa ay dalawa hanggang tatlo. Sa pinakadulo kami nakapuwesto ni Lucille, kung saan mal

