2 years ago Moscow, Russia O'Hara Laboratories Nightwind's Point of View "Siren, sigurado ka na ba?" Hindi ko alam kung pang-ilang tanong ko na ito sa kanya pero wala akong pakialam. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mga mata niya simula nang umalis kami mula sa Underworld Realm City. Nandito kami ngayon sa isang tagong pasilidad ng pamilya ni Siren sa Moscow para saksihan ang isang nahihibang na plano niya. Hindi siya lumingon sa'kin at nanatiling nakatingin sa dalawang mga katawan na nakasuot ng mga laboratory gown at nakahiga ng magkahiwalay sa harap namin. Parehong walang malay ang mga katawang ito at parehong mga babae. " I've never been this sure in my entire life, Nightwind." Mahinang sagot niya. Sa lahat ng myembro ng Phoenix, si Siren ang pinakanaapektu

