Zen's Point of View Sa loob ng headquarters ay may tatlong palapag ang basement at ang napuntahan namin kanina ay ang pinakaunang palapag. May dalawang nasa ibaba pa nito, ang training room at ang armory. Niyaya ko silanag pumunta sa training room hindi upang makipaglaban kundi mas maging kumportable. Nakaupo ako sa gilid ng boxing ring habang kumakain ng mansanas habang nasa boxing ring mismo sa likuran ko ang dalawang kumag na abala sa pagdadaldalan. Putak ng putak ang bibig ni Astrill sa pagkekwento nang may bigla akong naisip itanong kay Nightwind at Siren. "Siren." Tinawag ko ang pangalan niya out of the blue. "Eh?" Sagot niya sabay mabilis na lumapit sa akin. Nanatili naman si Nightwind sa kinauupuan niya. "Where are the others? Sina Sprite, Dark Phoenix, Death Stalker

