Nightwind's Point of View Nakayuko at nananantya ang posisyon ko mula sa pagkakatago sa likuran ng isang puno. Kaming tatlo nina Lilith at Hades lang ang andito sa may pinakamalapit na posisyon mula sa mansion dahil kaming tatlo lang din naman ang may kakayahang itago ang presensya namin. Iniwan namin ang mga kasama namin sa posisyong hindi sila madedetect ng isang Class S+ warrior tulad namin. Base sa nararamdaman kong magagaang yabag sa loob at labas ng mansyon, may humigit kumulang isandaang reapers ng Dark family. Nilingon ko ang mag-asawang nasa gilid ko at nakikiramdam rin. Tinanguan ko sila bilang tanda na bumalik na sila sa mga kasama namin at maghintay na lang sa signal ko kapag nakapasok na ako. Tango rin ang naging tugon nila sabay ang maingat na pag-alis. "Now it's my

