Nightwind's Point of View Tiningnan ko ang kalendaryo rito sa hideout namin. Ngayon pala ang umpisa ng Rank Examination nila leader at Siren. Naupo ako pasalampak habang iniinspeksyon ko ang assault rifle. Dito ako itinalaga ni leader na magmanman sa mga kalaban kasama na rin si Grim. Si Grim ang bagong myembro ng Phoenix, ang pumalit kay Sprite. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa'king labi nang maalala ko ang nasira kong nobya. Tumayo ako at inilagay ko sa couch ang assault rifle. Tahimik kong pinagmasdan ang larawan namin dati. Masaya akong nakaakbay kay Sprite habang siya ay nakapalupot ang isang braso niya sa beywang ko. Nasa gitna namin si leader na walang kangiti-ngiti at nakasandal sa kanya si Siren na tinitingnan ng masama ni Dark Phonix sa larawan. Si Death Stalker naman a

