Chapter 3

2288 Words
Nagising ako sa bulong-bulungan sa paligid. Nang i-dilat ko ang aking mga mata, Nakita ko sa may bandang paanan ko si Samael na may kausap na lalaki. Si Ice naman ay tulog habang nakaupo sa tabi ng higaan ko. Napansin kong nasa ibang lugar kami. Hindi ito ang org lalong-lalo na ang bahay ko. Dahan-dahan akong bumangon para umupo na agad naming ikinagising ni Ice. Doon ko lang napansin na suot niya parin ang mask na suot naming sa party pero iba na ang suot niyang damit. Wala sa sariling hinawakan ko ang bandang sentido ko. Laking ginhawa ko nang malamang suot ko parin ang aking mask. Sakto namang tapos na mag-usap si Samael at ang lalaki. Umalis ang lalaki habang si Samael ay lumapit papunta sa akin at tinulungan akong maka-upo ng maayos. “May masakit ba sa’yo?” Agad naman akong umiling sa tanong niya. Tumango ito at ibinaling ang tingin kay Ice. “Take care of her. I got things to do I’ll try to get back to you both I might be back here at midnight.” Mabilis na umalis si Samael sa kwarto. Pareho kami ni Ice na nanatiling nakatingin sa ngayo’y sarang pinto. “This guy, hindi na niya kailangan ibilin ka sakin.” Napa-iling nalang ako sa sinabi ni Ice. Lumingon ako sa kaniya at nagsalita. “We should get going. We can’t stay here for long.” Tumango lamang siya saka ko sinabi sa kaniya ang plano naming para makalabas sa lugar na ito. Nang mailatag ko sa kaniya ang plano, inutusan ko siyang sipatin ang lugar kung saan kami pwedeng makalusot palabas mamaya nang walang makakaalam. Matapos ang kalahating oras, muling bumukas ang pinto ng aking kuwarto at lumabas si Ice mula roon. Umiling ito sa akin. Napangiwi ako. I guess there’s no choice. “This window is the only way.” Escaping through the front. Nice. Pagsapit ng alas-diyes ng gabi, sinimulan na naming ni Ice ang pagtakas. Maingat at walang ingay na binuksan ni Ice ang bintana. Mabuti na lamang at may puno malapit sa bintana ang problema ay ang mga tauhan ni Samael. Naunang tumalon sa bintana si Ice. Mabuti na lamang at magaan ang tapak nito. Mabilis na kumapit ito sa kalapit na sanga ng puno at inilahad ang isang kamay para sa akin. Sumilip muna ako sa labas ng magkabilang gilid ng bintana para tingnan kung may naglilibot na tauhan sa malapit. Nang masigurong walang dadaan sa aming gawi ay agad akong tumalon sa puno. Muntik pa akong madulas buti nalang at mabilis na sinalo ni Ice ang aking kamay. Agad na umayos kami ng puwesto sa likod ng mga dahon ng puno. Sumenyas ako kay ice na mauuna akong tatakbo paakyat ng bakod. Tumango ito at mabilis na bumaba ako ng puno. Tumakbo ako papunta sa bakod habang palinga-linga sa bawat gilid. Nang makalapit ay may biglang nagsalita sa di kalayuan. “Miss Noir?” Sakto namang kumirot ang sugat ko sa tagiliran. Napa-igik at ubo ako sa sakit. Nalasahan ko ang metal sa aking bibig. Nang bahagya kong hinawakan ang bibig ay nakita ko ang dugo sa aking kamay. Hahakbang na sana papalapit ang lalaki pero mabilis kong itinutok ang kunai sa kaniya. Napa-atras ito alam nitong hindi ako magdadalawang-isip na itarak iyon sa kaniya. “Let us leave. I’ll let you see the next day.” Tumango ito. “Miss Noir, please at least leave through the front gate.” Nagkatitigan kami ni Ice. Muli itong nagsalita. “I’ll take care of my comrade.” Yumukod sa amin ang tauhan ni Samael bago nito sinara ang gate. Nagsimula na kaming maglakad papalayo sa lugar nang biglang tumunog ang aking earpiece. Inantay ko munang makatatlong beep bago ko iyon sinagot. Beep. Beep. Beep. “Noir speaking.” “Someone will fetch you both at the end of that street you’re heading. You should hurry he’ll arrive there in thirty.” Kumunot ang noo ko. “Minutes?” “No. Seconds.” Napamura ako sa narinig. Mabilis na hinatak patakbo si Ice papunta sa dulo ng kalsada. Agad naming nakita ang isang itim na van nakabukas ang pinto nito sa likod. Mabilis na tumakbo kami papunta roon. Nang makasakay kami ay agad namang pinaandar ng driver ang van papalayo. Saglit ko pang nilingon ang likod ng van. Maya-maya ay may lumitaw na sasakyan papunta sa dinaanan namin kanina. Napahinga naman ako nang maluwag. Tahimik na nagpapaypay ako habang nakaupo sa paradahan ng bus. Nakasuot ako ng floral dress at malaking sombrero na tinernuhan ko ng shades at mask. Pansin ko naman ang pagtingin sa gawi ko ng mga tao. Akala siguro nila celebrity. Well, medyo. Inip na binuksan ko ang cellphone at tumawag. Matapos ang limang ing ay may sumagot sa kabilang linya. “Hello? Elle?” Agad namang nagduda ako sa tono ng boses niya. “Do you know what day is it today?” Saglit na tumahimik ang nasa kabilang linya. Maya-maya ay nakarinig ako ng mga kaluskos na agad rin namang tumigil. Napa-irap ako. “I’ll wait for you in the province. Bye.” “WAI-“ Agad na ibinaba ko ang tawag saka tumayo at naglakad habang hatak-hatak ang maleta papunta sa bus na kanina pa dapat naming sasakyan. Inarkila na namin ang buong bus para walang hassle na mangyari. The last time kasi na sumakay kami ng bus nagkaroon ng hold-upan. And but of course, we took care of the thugs. Is it b****y? Kind of. Are we charged? No. They even made a headline for us but before we got exposed, our org took care of it. Pagkasakay ko ng bus ay tinanguan ko ang driver hudyat na paandarin nito ang bus. Nagsimula kaming bumiyahe papunta sa probinsya. Mahaba-haba din ang ibabiyahe ko. Dalawang beses kasi sasakay ng barko papuntang probinsya kaya nakakapagod. Pero sulit naman once makita mo ang tanawin na daraanan habang nagbibiyahe. Maliban nalang siyempre kung may madaraanan na ginagawang kalsada o di kaya makita ang isang bahagi ng bundok sa di kalayuan na kinakaingin. Apat na oras ang nakalipas at nakarating na kami sa pier ng Batangas. Pagkababa ko ng bus ay sinalubong ako ng simoy ng hangin na may halong alat mula sa tubig dagat. Napahawak ako sa suot kong sombrero. Bahagya pa akong napangiti sa likod ng aking suot na mask. Paano kaya kung kasama ko ngayon si Noelle? Siguro, mas masaya ngayon kami. “ELLIE!” Narinig ko ang pamilyar na boses sa di kalayuan. Nilingon ko ang paligid kung saan iyon nagmula. Biglang may yumakap sa akin sa likuran. Dahilan para matanggal ang suot kong sombrero. Mabilis na siniko ko ang tiyan ng nasa likod ko dahilan para lumuwag ang hawak nito sa akin. Agad akong humarap sa kaniya at akmang sisikuhin ang mukha nito. Agad ko siyang namukhaan kaya agad akong nahinto at napakunot ang noo. “Snow? What are you doing here?” Nakangiwi itong nakaluhod sa sahig. Umiiling na inabot ko sa kaniya ang aking kamay na agd naman niyang hinawakan. Inalalayan ko siyang tumayo. “I booked a flight here.” Napa-irap ako. Nagbook na pala eh bakit hindi pa dumeretso roon? Although alam ko kung ano ang isa sa mga reason pero the point is, hindi naman siya magbobook unless it’s a private or exclusive flight. “Oh, e bakit hindi ka pa dumeretso aber?” Sabi ko sabay pameywang sa kaniya. Napakamot ito sa ulo saka kumapit ng mahigpit sa aking braso. “Eh, gusto ko makasama sa biyahe.” Kumindat pa ito na ikinairap ko naman. Kinalas ko ang kaniyang kamay sa aking braso sa lumapit sa sombrero kong nahulog. Aabutin ko na sana iyon kaso may ibang pumulot. Agad niya naman iyong inabot sa akin. “Ah, Thanks.” Kinuha ko iyon at akmang aalis nang bigla siyang magsalita. “You’re welcome.” Natigilan ako at napalingon sa kaniya. Hindi ko maaninag ang kaniyang mukha dahil nakasuot ito ng shades. Pero kita ako ang ngiti sa kaniyang labi. “You-“ Biglang may kumapit sa braso ko. Agad ko namang nakilala kung sino. “Ellie! Sino siya?” Sasagutin ko na sana si Snow kaso naunahan ako ng lalaki. “No one. I have to go. Mag-iingat kayong dalawa.” Sabi nito saka tumalikod at mabilis na umalis papuntang kung saan. “What a weird guy. Tara na.” Hinatak naman ako ni Snow papunta sa barko na sasakyan namin. Saglit ko pang nilingon and direksiyon kung saan pumunta ang lalaki kanina. Pansin ko ang pamilyar na badge sa manggas ng kaniyang tshirt. Muli kong binaling ang tingin kay Snow saka ngumiti. “Tara.” Nakadungaw ako sa railing ng barko habang pinapanood ang maliliit na alon na aming binabagtas. Buti nalang at walang sama ng panahon ngayon. Mukhang mapapabilis ang aming biyahe pa-probinsya. Bigla namang may humarang na lalagyan ng bubble tea na may laman sa harap ko. Nilingon ko kung sino ang nag-abot. “Tada~ bumili ako sa canteen kakatuwa meron pala silang milktea dito.” Kinuha ko ang inabot ni Snow na inumin. Muli akong bumaling sa tanawin saka humigop sa straw. Napangiti ako sa tamis ng inumin. “Salamat.” “Intel.” Natigilan ako sa narinig at napatingin kay Snow. “What’s the situation?” Pabulong kong sabi. Luminga-linga siya sa paligid bago muling bumaling sa akin. “Around ten of them. Right now. Brought a candy. No clue who sent them.” For F’s sake, we’re on vacation. “Do we have to be involved with this?” Ngumiti si Snow at humigop sa milktea niyang hawak saka sumandal sa railing. “Lucky for us it’s that other firm’s job. If you want, you can join the fun. Pero since bakasyon ang nasa isip mo today, we can stay out of this.” Saglit akong napa-isip. Muli siyang nagsalita. “That is, if you can stay out of this.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakarinig naman ako ng mahinang yapak sa bandang likuran. “Show yourself.” Malamig kong sabi. “I’m surprised you can sense my presence Miss. But excuse my interruption, If you could please calmly follow my team to evacuate to our nearby ship.” Humarap ako sa kaniya. Medyo nagulat ako nang makilala kung sino iyon. Yung lalaki sa pier mukha siyang pamilyar pero ngayon ko lang unang nakita ng buo ang mukha niya. inalis ko naman agad iyon sa isip at tinanong ko siya. “Who sent you?” “Do you want to be involved?” Bigla akong nainis sa pagbalik niya ng tanong sa akin. Sa inis ko ay hinagis ko kay Snow ang milktea ko na muntik niya pang di masalo dahil busy siya kakainom sa inumin niya. Lumapit ako sa lalaki. Nakatitig lamang ito sa akin. “I. Asked. First. Who sent you?” I am now sure this man is him. I just need a solid proof that he is. “I can’t tell you. I’m sorry.” Pinaningkitan ko siya ng mata at muling nagsalita. “I guess you know who I am right?” Nanatili lang sialng nakatitig sa akin. Mabilis na tinanggal ang b***l sa holster ko sa bandang hita sa ilalim ng tela ng aking suot na dress. Ramdam ko ang pagdulas nito pababa sa aking hita nang maramdaman kong malapit na ito sa aking paa ay bahagyang inagat ko ang dress at sinipa ang b***l sa aking gilid. Agad ko naman iyong nasalo at mabilis na kinasa at tinutok sa lalaking nasa harap ko. Nakatutok rin ang kaniyang b***l sa akin. Ang kaninang kalmado nitong itsura ay may halo na ngayong inis at pagdududa. “You’re-“ “I’m someone you know.” Mabilis na itinutok ko ang b***l sa taong nasa kaniyang likod at walang anu-anong binaril. Malakas na sinipa ko ang lalaki where it hurts the most dahilan para mapaluhod siya at mabitawan ang b***l. Sumunod na itinutok ko ang b***l sa lalaking naka-itim sa bandang loob ng barko at pinaputukan iyon. Bumaling naman ako kay Snow na busy parin kakahigop sa kaniyang milktea. “Snow! Contact them. Find out who’s behind this.” Tumango lamang siya sa akin saka tumakbo papuntang cabin namin. Ibinalik ko ang tingin sa lalaking sa harap ko. “Are you really part of Samael’s team? Or a decoy?” Nakatingin lamang ito sa akin. Pinaningkitan ko naman siya ng mata. “How?” Napangisi ako sa tanong niya. “That badge on your shirt.” Natigilan ito at tumigin sa manggas ng suot niya. “It gave me a clue. It’s either you’re one of them, decoy, or you’re himself.” Hindi ito makapagsalita at nagiwas ng tingin. Sakto namang dumating na si Snow at inabot sa akin ang isang earpiece. May dala na rin itong b***l pero hawak-hwak niya parin ang milktea niya kanina. Asan yung sa akin? Umiling na lamang ako sa kaniya. “Cut the act. If you want to hide your identity, hide it well.” Nginitian ko lamang ito at umalis sa kaniyang harap. Nagsimula kaming maglakad ni Snow papasok sa loob ng barko. Bahagya akong lumingon kay Snow at nagsalita. “Where are the civilians?” “They have been evacuated 30 minutes ago. These dimwits are once a member of Silva’s. The main culprit might want to seek revenge.” Natigilan ako. This situation involves our firm. Pero iba ang naghahandle? “What do you mean? Then what is Samael’s team doing here?” Umiling ito. “Leader did say that he sent some of our colleagues here but he doesn’t know about Samael’s business here. After this trip we need to go to salon again. We might get traced.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD