Chapter 11

2696 Words
Pagkagising ko kinabukasan ay agad akong nag-ayos ng sarili. Pagkalabas ko ng kuwarto ay sumalubong agad sa akin si Gina at sinabing wala sa bahay si Samael. Tinanguan ko lang ito at dumeretso sa kusina saka kumain. Nang matapos ay nagpasama ako kay Gina sa labas para mag archery. Pero laking gulat ko pagbukas ng pinto ay tumambad sa amin ang mukha ni Xin sa aming harapan. Muntik na akong ma-out of balance kaya napakapit ako kay Gina na sa aking tabi. Umayos ako ng tayo at minura ito. “What the f**k is wrong with you, Xin?” Nagulat rin ito sa bigla kong pagsigaw at napaatras ito at napahawak sa kaniyang dibdib. Napansin ko si Chance sa kaniyang likuran. Awkward na kumaway ito sa akin na ikinatango ko lang. Muling dumapo ang aking tingin kay Xin na inirapan ko lang. Nilampasan ko silang dalawa saka naglakad papunta sa likod ng bahay kung saan ang field. Tinatawag pa ako ni Xin habang naglalakad pero dedma ko lang ito. Nang makarating kami sa target range ay agad na inabot sa akin ni Gina ang pana at isang bag ng palaso. Tahimik na kumuha ako ng isang palaso at nilagay iyon sa hawak kong pana. Lumingon ako kay Xin saka tinuro ko na tumayo siya sa may target. “Stand there at the target.” Namutla ito at nanginginig na itinuro ang sarili. Si Chance naman ay nagulat sa narinig at nagmamadaling lumapit sa akin saka nagrap. Hindi ko maintindihan ang sinabi nito pero isa lang ang naiintindihan ko. Let his friend off. Nakangiti akong bumaling sa kaniya saka ngumiti. “Mr. Chance, I can see you’re a great friend.” Napangiti ito sa akin na sinuklian ko din ng ngiti. Itinuon ko ang aking pansin sa target sa di kalayuan. Umayos ako ng tayo at sinentro ko ang dulo ng palaso sa gitna ng target. Ikinalma ko ang aking sarili saka hinatak ang palaso. “A-ahaha. Thank you, miss Noir.” Tumango ako saka binitawan ang palaso. Napangisi ako nang tumama iyon sa sentro ng target. Kumuha muli ako ng isang palaso saka bumaling sa kaniya. “Go there. Go with him. I won’t miss my shot if you’re both here near me.” Halos takbuhin ni Chance si Xin na tahimik lang sa tabi saka hinatak at tumakbo sila papunta sa target sa dulo. Si Xin ay tumayo sa target sa aking harap habang si Chance naman ay sa kaliwa. Lumingon ako kay Gina na nasa aking tabi lamang saka inutusan ito. “Get another bow.” Tumango ito sa akin. Lumingon ako sa may malalaking halaman sa bandang likod ko. Napangisi ako nang makita siyang nagtatago roon. “Stop hiding and join me.” Lumabas ito sa kaniyang kinatataguan. Napa-iling na lamang ako sa kaniya saka muling humarap kay Xin. Muli kong nilagay ang palaso sa pana at hinatak iyon papunta sa akin. Lumawak ang aking ngisi nang marinig kong sumisigaw si Xin. “Boss Sam! Help! Please miss Noir let us go!” Walang anu-anong pinakawalan ko ang palaso. Tumama iyon sa ibabaw ng ulo ni Xin. Kahit malayo ito ay kita ko ang pamumutla nito. Nakangiting kumuha muli ako ng palaso sa aming gitna pero hinawakan niya ang aking pulsohan. “I didn’t come here to see you play with my men.” Mahina akong natawa sa kaniya. Umayos ako ng tayo at hinigit papunta sa akin ang aking braso dahilan para mabitawan niya ako. Pinaikot-ikot ko ang palaso sa pagitan ng aking mga daliri. Inilagay ko naman ang kaliwa kong kamay na may hawak na pana sa aking likod. “I am not here to play with them.” Hinawakan ko sa bandang dulo ang palaso at tinuro siya sa dibdib gamit iyon. Nawala ang ngiti sa aking mga labi. “I’m here to help you vent.” Walang tingin na itinapon ko ang palaso papunta sa gawi ni Xin. Sinulyapan ni Samael ang direksiyon ni Xin at naningkit ang mata nito bago binalik sa akin ang tingin. Lumapit naman sa amin si Gina at inabot kay Sam ang pana. Kumuha muli ako ng isang palaso at humarap kay Xin saka muling inilagay iyon sa pana kong hawak. “I heard what happened last night. I was about to find your team earlier but I’m glad these two showed up early. I don’t need to find them.” Hinila ko ang palaso papunta sa akin at itinaas ang aking kamay saka ko iyon binitawan. Napangisi ako nang tumama iyon sa palaso na tinapon ko kanina na nasa ulunan ni Xin. Nahati iyon sa gitna. Sinenyasan ko si Xin na lumapit sa akin. Halos madapa naman ito na tumakbo papunta sa akin. Nilingon ko si Chance na namumutlang nakatingin kay Sam na parang wala lang na pinapadaplisan niya ng palaso nito. Lumawak ang ngisi ko at ibinaba ang kamay kong may hawak na pana. “How did you know?” Nakangiting humarap ako sa kaniya. “I have eyes and ears, Sam. You really think by locking me here, I wouldn’t know what’s happening outside?” Sumulyap muna ito sa akin saglit saka pinakawalan ang palaso sa kaniyang pana. Saka siya nagsalita. “I’m not surprised.” Mahina akong natawa. Saka nilingon ko ang gawi ni Xin. Nang makalapit ito sa akin ay napayuko ito at nakahawak sa kaniyang tuhod habang hinahabol ang kaniyang hininga. Tumayo ito ng maayos saka lumapit sa akin. Saka ito nagsalita. “M-miss Noir, p-please.” Akmang hahawakan niya ako nang hilahin ni Sam ang aking braso at itinago sa kaniyang likod. Mula sa kaniyang likuran ay sinilip ko silang dalawa. Matalim na nagtitigan ang dalawa ng ilang saglit bago nagsalita si Samael. “Tell the team to assemble here.” Kumunot ang noo ni Xin. “H-here?” “Now.” Agad na umalis si Xin sa aming harapan. Binitawan ako ni Sam saka muling bumalik sa kaniyang pwesto. Galit itong kumuha ng palaso at pinadaplisan si Chance. Napa-iling na lamang ako sa kaniya saka kumuha ng tatlong palaso at sabay na na inilagay iyon sa aking pana. Inagat ko ang aking kamay at sinentro ang dulo ng palaso sa target saka iyon pinakawalan. Tatlong palaso ang tumama sa gitna ng target. Napatitig ako sa aking target. Bigla akong may naalala. “Miss Noir.” Wala sa sariling nabitawan ko ang hawak kong pana at lumingon sa aking kanan. Nagtatakang nakatingin lamang sa akin ang lima sa partners ni Samael habang ang iba sa kaniyang team ay nakayukod. Kinuha ko sa sahig ang nabitawan kong pana saka kumuha ng tatlong palaso. “Xin, go back there.” Narinig ko ang mahinang pagprotesta nito. Malamig akong nagsalita. “Go back there and complete taking ten arrows or I’ll make it twenty.” Agad na tumakbo siya papunta sa kaniyang puwesto kanina. Agad kong pinakawalan ang hawak kong palaso. Muli akong kumuha ng dalawang palaso. “This is too much.” Napangisi ako saka pinakawalan ang palaso. Kumuha muli ako ng dalawang palaso at inilagay iyon sa aking pana. Isinentro ko ang dulo ng palaso sa itaas ng ulo ni Xin saka iyon pinakawalan. “Isn’t it too much not to follow orders?” Mula sa malayo ay nakita kong napaluhod si Xin sa kaniyang kinatatayuan. Tutulungan sana siya ni Chance pero natigilan ito nang tumama ang pinakawalang palaso ni Sam malapit sa kaniyang mukha. Bumaling ako sa team ni Samael na nasa gilid ko. Kita ang pagkawala ng kulay sa kanilang mga mukha sa nasaksihan. Humarap ako sa kanila. “You all are lucky to have him as your boss. If you were in my team, I wouldn’t dare to miss my shots like this. Do this again and we’ll have a better session than this.” Yumukod silang lahat saka sabay-sabay na nagsalita. “Yes, miss Noir.” Tinuro ko si Luther na pumunta sa lugar na kinatayuan ni Xin kanina. “You’re next.” Ibinaba ko ang hawak kong pana kasabay non ay napaluhod din ang kahuli-hulihang miyembro ng team ni Samael. Agad itong dinaluhan ng kaniyang mga kasama at tinulungang makatayo saka naglakad papunta sa aming puwesto. Inabot ko kay gina ang hawak kong pana na agad din niyang kinuha. Humarap ako sa team ni Sam saka pinagkrus ang aking braso. Hindi makatingin ang mga ito sa akin na ikinangisi ko. “Too bad you all are not my team. I would’ve shot you all down just enough to catch a glimpse of Saint Peter and maybe have a tea with him.” Namumutlang napatingin sila sa akin sabay tingin sa gawi ni Sam na animo’y nanghihingi ng tulong. I shrugged saka tumalikod sa kanila. Tinapik ko ang balikat ni Sam. “Thanks for a nice warm up.” Nginitian ko lamang siya saka naglakad papunta sa loob ng bahay. Nang makapasok ay agad kong sinabihan si Gina na maghain ng pagkain. Pumasok naman ako sa aking kwarto at mabilis na naligo. Napaisip ako sa nangyari kanina. I almost went red again. Napabuntong-hininga na lamang ako at napa-iling. Nang matapos ako maligo at mag-ayos ay dumiretso ako sa kusina. Nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto tumambad sa akin si Samael at ang kaniyang partners. Napatingin ang mga ito sa gawi ko. Lahat sila ay namutla nang makita ako maliban kay Samael na patuloy lang na kumakain. Sinenyasan ko si Gina na kunin ang pagkain ko at sa gazebo nalang ako kakain ng tanghalian. Akmang tatayo silang anim sa mesa pero itinaas ko ang aking kamay kaya muli silang umupo. Lumapit sa sa kanilang mesa at kinuha ang maliit na papel sa aking bulsa. Tinapon ko iyon kay Samael na agad din naman niyang nasalo. Napangisi ako. “That’s the last order sent by the Dark World to attack my family.” Napatingin ang mga kasamahan ni Samael sa akin maliban kay Xin. Agad ni binuklan ni Sam ang maliit na papel at binasa ang laman noon. “Your family?” Nilingon ko si Mike at tumango. Magsasalita sana ako kaso inunahan ako ni Xin. “Archivas.” Ngumiti ako sa kanila. “Yes. I’m one of the missing twin.” Umangat ang tingin ni Samael sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Ngumisi ito at ibinaba ang hawak na papel. “What does this paper have to help me?” “Look closer to the handwriting. I believe you have something. A handwritten letter.” Kumunot ang kaniyang noo at napatingin kay Chance na katabi nito. Inabot ni Chance ang isang papel na nakatiklop. Tumalikod ako sa kanila at nagsimulang humakbang paalis ng lugar. Nakasunod naman sa akin si Gina at ang isa pang katulong dala-dala ang aking pagkain at inumin. Nang makalabas kami ng bahay ay tumabi sa akin si Gina saka nagsalita. “M-ma’am sure po ba kayong dito kayo sa labas kakain?” Nahinto ako sa paglalakad at ngumiti sa kaniya. “If I stayed inside, they’ll be silent and dare not say a word.” Nagtataka itong nakatingin sa akin. Inakbayan ko siya at kumuha ako ng isang ubas sa hawak niyang tray . “Let’s wait and see.” Kinindatan ko siya sabay subo ng hawak kong ubas at naunang maglakad papunta sa gazebo. Agad na inayos nila Gina ang mesa. Matapos silang maghain ay naupo lamang ako at pinagkrus ang aking braso. Sila Gina naman ay nakatayo lamang sa aking tabi at nagmamasid. Wala pang isang minuto ay kita ko sa di kalayuan si Luther na papalapit. Napangisi ako. He came too soon. Kinuha ko ang katabi kong basong may lamang juice saka humigop non. Sinulyapan ko si Luther na ngayo’y nakaupo sa aking harapan. Lihim na napangisi ako saka ibinaba ang baso kong hawak. “How may I help you, sir Luther?” Nakatigi lamang ito sa akin. Narinig ko pa ang mahihinang yapak papunta sa aming gawi pero agad ring tumigil sa di kalayuan. Pasimpleng sumulyap ako sa entrada ng gazebo kung saan may makakapal na halaman. Muli kong binalik ang aking tingin kay Luther. “Why did you come here?” Kinuha ko ang kubyertos na nakalagay sa mesa at nagsimulang kumain. Tahimik lamang akong pinagmamasdan ni Luther. “I came here to look for my sister and find out what really happened.” Muli akong sumubo ng pagkain. Sinulyapan ko ng tingin si Luther na naniningkit ang matang nakatingin sa akin. “You’re a member of Dark World.” Umangat ang isa kong kilay. Tahimik na nilunok ko ang aking kinakain at mahinang natawa sa kaniya. Gamit ang hawak kong tinidor ay tinuro ko siya. “Correction, I’m not. I’m only trained like one of them.” Ngumiti ako sa kaniya at nagpatuloy kumain. Nabalot kami ng katahimikan. Natapos akong kumain pero tahimik parin si Luther. Gamit ang table napkin ay tahimik na pinunasa ko ang aking bibig saka iyon nilapag sa mesa. “About what happened before, I-” Napangiti ako at pinutol ko ang kaniyang sasabihin at napaayos ng upo sabay krus ng mga braso. “I’ll accept your apology if you follow Sam’s orders and not let what happened last night happen again. Protect him at all times especially now.” Kumunot ang noo nito sa narinig. “What do you mean?” Sumenyas ako kina Gina na umalis muna roon. Inantay ko munang tuluyan silang makapasok ng bahay saka ako tumayo at pumunta sa may entrada ng gazebo. “Come in all of you.” Sabi ko saka bumalik sa kinauupuan ko. Nang makapasok silang lahat ay saka ako nagsalita. “I want you all to help me make Sam withdraw from this island.” Kita ko ang pagtataka sa kanilang mga mukha. “I already helped you find one thing about your agency. That’s enough for you guys to pull out. I don’t want you guys to lose your life on this.” Lumapit sa akin si Chance. “We can’t do that miss Noir. We are also ordered by Sam to protect you.” Umiling ako sa kaniya. Bumuntong-hininga ako saka muling nagsalita. “Do you guys think I went here alone with Ice?” Gulat na napatingin ang mga ito sa akin. Tipid na ngumiti ako sa kanila saka tumayo. “There is no need to protect me. Dark world is after me. Everything happened because of my family and it should end with me. I don’t know what will happen in a few days or weeks but all I know for sure is that they will attack soon.” Akmang aalis ako sa lugar nang tumayo si Luther at nagsalita. “Why don’t you tell Sam about this?” Natigilan ako at yumuko saka napangiti. “I know him, he will stay for sure. I observed you guys for almost five years and I know how you work. I told you guys about this ‘cause I think you all can change his mind. He will surely listen to you.” Nagsimula akong humakbang paalis pero agad rin akong natigilan at muling humarap sa kanila. “By the way, don’t tell him I told you guys this.” Nagpatuloy akong maglakad papunta sa loob ng bahay. Narinig ko pa ang pagsigaw nila sa akin. “Miss Noir we’ll take your punishment!” Walang lingon na napangiti lamang ako sa kanila habang naglalakad saka itinaas ang aking kanang kamay. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay agd na sinalubong ako ni Gina. Binulungan ko agad siya na huwag sasabihin kay Sam ang mga narinig na agad naman niyang ikinatango. Kinabukasan, nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ng aking kuwarto ay tumambad sa akin sina Luther na nag-aabang sa labas ng aking kuwarto. Napa-atras ako sa nakita. Nakita ako ni Mike at agad na napatayo ito. Nagpapanic na sinenyasan ko silang umupo. Nabaling ang tingin ko kay Samael na nakatayo sa gilid at nakatingin sa akin. Agad akong napa-iwas ng tingin sa kaniya. Pinanlakihan ko naman ng mata ang mga nasa harap ko. Napayuko na lamang ang mga ito. “Miss Noir we’re here to take our punishment.” Napahawak ako sa sentido sa narinig. These fools. At least let me have my breakfast first.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD