Helena’s POV Pagkalipas ng ilang araw ng katahimikan at pag-iwas sa social media, tumitig ako sa harap ng laptop ko. Naka-display sa screen ang logo ng shop ko… ‘Helena Mae’s Finds.’ Dati, ito ang source of pride ko. Dito ako nagsimula. Dito ako natutong tumayo sa sariling mga paa. Pero ngayon… bawat product listing, bawat photo shoot na ako mismo ang nagmodelo, bawat review, parang multo ng nakaraan. Paalala ng sakit. Paalala ng lahat ng nangyari. Inangat ko ang cellphone ko at tinawagan si Mama. “Mama,” mahina kong sabi. “Oh, anak. Kamusta ka na riyan? Gusto mo bang umuwi na dito sa bahay? Nami-miss na kita.” Napakagat ako sa labi. “Ma… puwede bang ikaw na muna ang mag-manage ng shop? Hindi ko na yata kaya.” “Ha? Pero… anak, ‘di ba ito ang pinagpaguran mo?” “Alam ko, Ma. Pero

