Helena’s POV Back to present time… Pagkarating ko sa bahay, gabi na. Tahimik ang buong kabahayan maliban sa tunog ng mga hakbang ko sa tiles. Pagbukas ko ng pinto ay sinalubong ako ni Mama. Nakasando at shorts lang siya, hawak ang mug ng kape. Nagulat siya nang makita ako. “Anak?” lumapit agad siya. “Uy, bakit parang–” Natigilan siya. Siguro dahil sa hitsura ko. Magulo ang buhok. Namumugto ang mga mata. Buong biyahe pauwi rito ay walang tigil ang pagluha ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil dapat ay masaya ako. Sa wakas ay nakawala na ako kay Malcolm. Nakawala na ako mula sa mga kamay niya, pero bakit parang ang sakit? Bakit parang kabaliktaran naman ang nararamdaman ko? Hawak-hawak ko pa rin ang maliit na kahon ng kuwintas na hindi ko pa rin alam kung itatapon ko o iingatan habang bu

