“At bakit kami ang sisisihin mo sa pagkamatay ng demonyong pamangkin mo? Bakit? Alam mo ba kung anong ginagawa niya kay Helena at–” “Aljon, please, tama na!” sigaw kong putol sa kaniya. Para na akong hihimatayin sa takot kay Malcolm tapos itong si Aljon ay ayaw pang paawat. “Talagang matapang ka, ha?” At bago ko pa mahulaan ang susunod na magaganap ay mabilis na nilapitan ni Malcolm si Aljon at inundayan ng sunod-sunod na suntok. “Huwag! Malcolm tama na!” takot na takot na pigil ko sa kaniya. Sinubukan ni Aljon na gumanti ng suntok pero bago niya magawa iyon ay nasapak na siya ulit ni Malcolm. Para lang akong nanonood ng pelikula sa galing ni Malcolm makipaglaban. Sa takot na baka mapatay pa niya sa bugbog si Aljon ay humarang na ako sa harapan niya at hinawakan ang braso niya. Dug

