Back to reality… Helena’s POV Ang unang araw ko sa trabaho. Nasa harapan na ako ngayon ng modernong 36-story glass building sa BGC, Philippine headquarters ng DagnerTech Global Solutions. Ang logo nilang kulay black at sapphire blue ay kita mula sa labas. Labas pa lang, sumisigaw na agad ng karangyaan. Nasampal na naman ako ng reyalidad ng kahirapan. Huminga ako nang malalim habang itinatapat ang ID card ko sa scanner. This is it. Hindi na lang ito basta online selling. Hindi na rin tungkol sa past ko. This is the new and fiercer Helena. Pag-angat ng elevator, hindi ko maiwasang kabahan. I wore a shiny, deep beige pantsuit na pinaayos ko pa sa mananahi para tumugma sa katawan ko ang lapat. Siyempre dapat clean and professional ang datingan. Itinali ko pataas ang buhok ko, tapos nag

