Malapit nang lumubog ang araw ngunit ang lahat ay buhay na buhay pa rin na naglalakad. Tila galak na galak na ang lahat na manood. Magagarbong nakadisenyo ang mga bulaklak sa bawat pasilyo ng akademya. Halos lahat ng mga matataas na gusali na mayroon ang akademya ay nilagyan ng palamuting ibaʼt ibang kulay na mga bulaklak. Makikita naman sa kalangitan ang maliliit na alitaptap na nagsama-sama upang makabuo ng isang pangungusap: “Ang Buwan ng Pagsusulit.” Ngayon ay pormal na kaming nakakapasok muli sa akademya. Medyo hindi ko pa rin maramdaman ang sarili ko pagkatapos tanggalin ng mga kawal ang palamuti sa aming mga kamay at paa. Sa sobrang gaan ng pakiramdam ko ay tila lilipad ako ano mang oras. Samantala, maingay ang bawat paligid. Tila pinag-uusapan na naman nila kung sino ang mangun

