Chapter 59 - Unfathomable Power

2280 Words

Nang malaman ni Chartreuse na buhay pa ang kaniyang kapatid ay lumapit ito sa kinatatayuan ni Sapphire saka hinaplos ang pisngi nito. Unti-unti namang nagbago ang wangis ni Sapphire. Naging bilog ang hugis ng mukha nitoʼt may kaunting highlights ang buhok nitong kulay luntian. Makikita rin ang maliit na nunal sa kaniyang kaliwang noo. Makakapal din ang kilay niya ngunit maputla naman ang kaniyang mga labi. “E-Emerald.” Malumanay na ngumiti si Chartreuse nang tawagin niya ang pangalan ng nakakababata niyang kapatid ngunit umiwas naman kaagad ng tingin si Emerald. Labis ang pagkatuwa ni Chartreuse nang masilayan muli ang kapatid pagkalipas ng nagdaang panahon na hindi sila magkasama. Tila kahit papaano ay nagkita muli sila kahit sa ibang paraan. Mayamaya pa ay marahang umagos ang luha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD