Phoenix’s Point of View Mula sa namimilipit na sakit ng ulo ko ay dinala ako niyon sa isang puting kwarto–katulad sa kung saan ako napadpad noon–sa isang ospital. Tila wala namang nabago sa paligid. Ganoon pa rin ang makikita tulad ng magising din ako rito noon. Mga hospital equipments na tila nagpapahaba lang ng buhay ng isang tao ngunit hindi ko alam kung bakit ako nariritong muli at isa iyong malaking katanungan para sa akin na mapunta sa lugar na ganito. May nakita pa akong isang babae na hindi pamilyar sa akin kayaʼt nang magtama ang aming mga tingin ay tila bumagal ang ihip ng mundo. Maganda ang kaniyang pananamit at kapansin-pansin sa kaniyang suot na accessories kung ano ang estado niya sa buhay. Makakapal din ang kaniyang labi na bumagay sa kulay pula nitong lipstick. Kung pagb

