Chapter 4

4462 Words
Tatlong araw na ang nakalipas simula noong gabi ng Annual Ball. Naghahanap pa rin si Ellie ng tao na pwede niyang ipinta pero hanggang ngayon bigo siya. May dalawang tao na siyang pinaki-usapan na ipinta niya, at pumayag naman ang mga ito, sinubukan niya talagang ipinta sila, pero hanggang hugis lamang ng mukha at buhok ang nagawa niya. Tuwing sisimulan na niyang iguhit ang mga mata ay nablablanko na ang utak niya, nawawalan na siya bigla ng gana na magpinta, hindi niya mainitindihan kung bakit ganun siya, kaya naman hindi niya matapos tapos ang artwork niya.             Madalas napapaisip siya, kung sakali kaya yung lalaki na nakilala niya noong gabi ng ball ang ipipinta niya, matatapos na kaya niya ang painting? Ilang araw ng laman ng isip niya ang lalaking iyon, kaya naman nakabuo siya ng desisyon na kapag nagkita sila muli ng estrangherong iyon, hindi niya talaga ito titigilan hanggat hindi ito pumapayag na maging modelo sa painting niya. Meron na lamang siyang limang araw bago ang Sining City Arts Festival. Iyon ang araw kung saan isho-show case ng lahat ng mga senior art students mula sa iba’t ibang universities sa Sining City ang kani-kanilang mga art pieces.  At dahil nasa third year na sila sa SBU, kung saan ito ang number one university sa siyudad, kaya mas mataas ang expectation sa kanila. Ang project nila kay professor Luca ay makagawa ng isang artwork na maaaring idisplay sa Art’s Festival. Doon din ibabase ang grades nila kung pasado o bagsak ba sila sa subject nito. Kaya naman ang laki ng problema ni Ellie ngayon, sa lalaking iyon nakasalalay ang grado niya sa subject niya. Hanggang ngayon ay nakakapit pa rin siya sa kaunting pag-asa na sinabi mismo sa kanya ng lalaki na magkikita sila ulit. Sana kapag nangyari iyon ay hindi pa huli ang lahat. Sa totoo lang ay nagsisisi siya kung bakit hindi niya pinilit alamin ang pangalan nito. Dapat hindi niya ito hinayaang umalis ng hindi pumapayag na maging modelo niya, Pero wala naman na siyang magagawa, kahit sisihin niya pa ng paulit ulit ang sarili niya. Wala sa loob na kinapa niya ang kanyang mga labi. Naalala niya ang pagdampi ng mga labi niya sa labi ng binata. Ang halik na iyon ang laging bumibisita sa kanyang mga panaginip. Napapanaginipan din kaya siya ng lalaki? Dumadapo din kaya sa isipan nito ang mga ala ala ng kanyang halik? Kasabay ng pagbabalik ala-ala ni Ellie sa matamis nilang halik ay ang mga salitang binitawan din ng lalaki patungkol sa kanya ng gabing iyon. ‘I just hope that you respect yourself next time Ellie. Kisses should be shared between lovers only.’ Mabilis na napailing si Ellie, tila ba bumalik sa kanya ang pagkapahiya na naramdaman niya ng una niyang marinig ang mga katagang iyon. Napabuntong hininga siya, napalitan ng lungkot ang kanina’s mga ngiti niya, ano nga kaya ang iniisip nito patungkol sa kanya? Na easy to get siya? Hindi naman siya ganoong uri ng babae, kung sana binigyan siya nito ng pagkakataon na maipakilala ang sarili niya dito, ngunit mababago nga kaya niya ang tingin nito sa kanya? Kahit siya hindi rin siya sigurado kung kilala na nga ba talaga niya ang sarili niya. “Ang lalim ng iniisip mo ah?” Ang sinabing iyon ni Vanessa ang nagpabalik sa lumilipad na kamalayan ni Ellie. “Kanina mo pa kinakapa yang labi mo, tapos bigla kang umiiling, tapos bubuntong hininga, kanina pa kaya kita pinagmamasdan pero hindi mo ako napapansin?” Dagdag na puna ni Vanessa. Katabi nito sina Maris at Erica na noon ay napatingin din sa gawi ni Ellie ng marinig ang tinuran nito. Nasa loob sila ng classroom nila habang naghihintay sa unang subject nila kay Professor Luca. “Ano ba iniisip mo?” tanong ni Maris kay Ellie. “Wala!” tanggi sabay baling sa notebook na nasa ibabaw ng desk niya. Nasa Twenty three students sila sa classroom na iyon. Ang SBU ang pinakasikat na eskwelahan ng arts sa buong bansa kaya naman napakaraming mga aspiring artist na gaya niya ang nag-eenroll sa university na ito. Ang Sining City ang nag-iisang Art City ng bansa, dito lamang matatagpuan ang malalaki at sikat na Art Galleries and museums. Marami din ang mga accomplished artist ang nakabase dito. Ito ang  dream city para sa mga gaya niya na pangarap magkaroon ng pangalan sa larangan ng visual arts. Unlike sa ibang cities sa bansa na may mga nagtataasang buildings, mausok na hangin, maingay na kapaligiran. Ang Sining City ay napapalibutan ng mga kabundukan na mayabong sa mga puno, halaman at mga ibon. Mayaman ito sa magagandang tanawin. Ang mga establishments doon ay may mga kakaibang istraktura na siguradong hahangaan ng kahit sinong makakakita.  Mga talented na artist ng bansa ang nagsama sama na nagtayo, nagdisenyo at nag-establish ng Sining City. Ginawa nila ito para sa mga artists at aspiring artists, para naman magkaroon sila ng lugar kung saan mararamdaman nila na belong sila, kung saan hindi sila mahihirapan idiscover at iimprove ang mga talento nila. Ang lahat ng mga naninirahan doon ay hinihikayat na ilabas ang kanilang talento sa arts kaya nga ang siyudad na iyon ay puno ng mga kakaibang bagay na doon lamang matatagpuan. Gaya na lamang ng bawat street wall doon ay nakamural painting, bawat puno ay may mga wind chimes, bawat park ay may iba’t ibang sculptures, ang mga pedestrian lane ay kulay bahaghari imbes na puting pintura lamang. Ang mga kabahayan doon ay may iba ibang hugis, may hugis patatsulok, may parang Igloo at nippa hut, meron din naman na mga bahay na akala mo ay sa mga libro mo lamang makikita, may nakatwist na building o di kaya ay may building na hugis barko. Ilan lamang iyan sa mga kakaiba at nakakatuwang mga estruktura sa Sining City. “Guys Listen, May ma-assign daw sa atin na Professor, makakasama ni Professor Luca.” humahangos na anunsyo ni Claire sa buong klase pagpasok nito ng classroom. Si Claire ang kanilang third year representative kaya madalas ito ang updated sa mga nagaganap sa University Faculty nila. “Ahh baka siya yung nakita namin ni Bryan sa Faculty kanina.” ani ni Leo, isa din sa mga kaklase nila Ellie. “Baka nga siya na iyon.” tumango si Claire kay Leo. “Kasi balita ko accomplish painter siya, marami na siyang sikat na masterpieces na nagawa.” Dagdag pa ni Claire. “Alam niyo ba yung painting na Valley of Sorrows?” Tanong niya sa buong klase na tinanguan naman ng lahat ng estudyante. Wala naman sigurong estudyante sa fine arts ang hindi nakakakilala sa sikat na painting na iyon. Iyon ang painting na pwedeng itapat sa MonaLi ng ibang bansa.  “Siya daw ang may gawa nun.” Deklara ni Claire “Ha?! You mean siya si Jaki?” tanong ni Jessica. Jaki ang alyas na ginagamit ng artist na nagpinta ng Valley of Sorrows. “Edi siya rin ang nagpaint nung sikat na painting na may title na Confidence within?” pagpapatuloy ni Jessica. Proud na ngumiti si Claire. “Yup, siya nga si Jaki! at, lalaki pala siya guys. Diba akala natin babae siya?” Sabay sabay silang magkakaklase na napa- “What?!” “Wala naman kasi nakakaalam talaga ng gender ni Jaki, maliban sa mga paintings niya ay wala na tayong alam tungkol sa kanya.” ani ni Rebecca.  “Ang gwapo niya kamo!” kinikilig na sabat ni ulit ni Claire. “Mamaya kapag nakita niya na siya, I’m sure you will all agree with me!” Nagkatinginan ang mga estudyante sa loob ng classroom na iyon. Pati siya hindi makapaniwala na sa wakas makikilala na niya si Jaki, ang taong nagpinta ng mga paintings na hinangaan niya at naging dahilan kung bakit aspiring painter siya ngayon, gustong gusto din ni Ellie na makapagpinta ng mga gaya noon, yung uri ng painting na kapag nakita mo ay mapapatitig ka ng matagal, dahil may mararamdaman kang connection, yung feelings ng pintor habang iginuguhit niya ang mga iyon. Sekreto ang katauhan ni Jaki sa lahat,  walang nakakaalam sa kung ano ang totoong pangalan nito o kahit ang gender nito. Ang tanging alam lamang nila Ellie na tungkol dito ay ang mga sikat na ipininta nito na hindi biro ang mga halaga, laging inaabangan sa mga art exhibits ang bawat artwork nito, sikat at pinag aagawan ang mga ito ng mga nasa upper class society. Nakita niya lamang sa isang Elite magazine ang paintings ni Jaki, pero nainlove na sya sa mga gawa nito, tila kasi reflection ng mga paintings na iyon ang mga nararamdaman niya, Para bang naiintindihan ng mga paintings na iyon ang mga emosyon na pilit niyang itinatago. Kaya ang hula ni Ellie, gaya niya ay may malalim na sugat din si Jaki sa puso nito, marahil dumanas ito ng matinding pagdurusa noon o baka nga, hanggang ngayon nagdurusa pa rin ito. Hindi lamang iyan ang nagpapatunay kung gaano kabigat na pintor si Jaki, lahat ng Art exhibit para sa mga paintings nito ay exlusively ginaganap sa Jakegenix Art Gallery, ito ang pinakasikat na private art gallery sa buong bansa. Puro matataas at prominenteng tao ang member ng art gallery na iyon. Sa sobrang in demand ng mga paintings ni Jaki, hindi ito tumatagal ng isang minuto na nakasabit sa art gallery kasi nabibili agad lahat ng gawa niya. Ngunit isa sa mga nakakamanghang katangian ng Jakegeniks gallery ay ang oportunidad na ibinibigay nito sa mga kagaya ni Ellie na aspiring artist. Hindi nito isinasara ang pinto sa mga kagaya niyang baguhan sa larangan ng pagpipinta. Kapag nakitaan nila ng potential ang painting mo tiyak na may espasyo ka agad sa art gallery nila.  Kahit isa lamang sana sa mga ginawang paintings ni Ellie ang tanggapin ng Jakegenix sa gallery nito ay sobrang ipagpapasalamat na niya. Pangarap niya ang makahilera ang artwork niya sa mga gawa ng magagaling na pintor gaya ni Jaki. Gusto niya din kasing patunayan sa mommy niya na may talent siya sa pagpipinta, at nais niyang ipabatid dito na kaya niyang gumawa ng sarili niyang pangalan at magtagumpay sa pinili niyang propesyon. Ang totoo niyan ang art gallery na iyon ang dahilan kung bakit siya biglang nagdesisyon na manirahan sa Sining City. Sa Itakam City ipinanganak, nagkaisip at nag-aral si Ellie, iyon ang capital city ng bansa. Nang magtapos siya ng senior high school at nagsimulang magcollege ay kumuha siya ng kursong business administration, alinsunod sa nais ng mommy niya. Mahilig siya magdrawing kahit noon pang bata siya, pero dahil na rin sa pinalaki siya sa  business world kaya marahil iniisip niya na maging business woman din siya gaya ng kanyang mommy. Nagbago lamang ang lahat nang makita niya sa isang magazine ang tungkol sa Jakegenix Art Gallery at ang mga paintings na naka display doon. Ginusto niyang makita ng personal ang mga iyon kaya siya nagpunta ng Sining City. Hindi niya inaasahan na ang balak niyang pagbisita lamang sa siyudad ay mauuwi sa desisyon niya na manirahan dito.  Nang una niyang makita ang Sining City ay na inlove siya agad dito. Dahil dito niya nahanap ang sarili niya, dito siya nakahinga ng maluwag, hindi gaya noong nasa Itakam siya tila ba para siyang sinasakal doon, pinipilit niya lagi ang sarili niya na magfit sa mundo ng mga negosyante, hindi siya ganoon eh, ang nais niya ay mahanap ang halaga niya bilang tao, Mahanap ang totoong kahulugan ng buhay niya. Hindi lang basta pera ang motivation ng mga tao sa Sining City, hindi gaya ng mga taga-Itakam, dito ginagawa nila ang mga bagay na nagbibigay sa kanila ng kasiyahan at kapayapaan. Kaya naman hindi na siya nagdalawang isip at nagdesisyon kaagad siyang iwan ang lahat sa Itakam para dito manirahan.  “Pero parang imposible naman, ang isa sa renowned artist ng Jakegenix pupunta dito para magturo sa mga kagaya nating baguhan, Parang ang hirap paniwalaan kasi na nakaya ng SBU ang TF niya? baka hindi si Jaki iyon, baka nagkamali lang kayo Claire.” napapailing na komento ni Jessica. “TF? talent fee?” maang na tanong ni Robert kay Jessica “Teaching Fee. Torta!” Pairap na sambit ni Jessica kay Robert. “Over naman yata ang balita na yan Claire, bakit naman siya mag-aaksaya ng oras sa atin, eh sikat na siya.” ani ng isa pa. “Imposible akong magkamali, narinig ko mismo kay professor Luca ng ipinakilala niya sa co-teachers nila siya, sinabi niya ng malinaw na si Jaki iyon.” Pag-didiin ni Claire. “Isa pa hindi naman imposible guys kasi ang alam ko, kaibigan siya ni Professor Luca, malay niyo naman gusto niya talagang tulungan tayo, sa pamamagitan ng pagshare ng mga kaalaman niya.”  “O baka rin naman hindi niya talaga matanggihan si Prof. Luca, kasi nga diba friends sila.” dagdag naman ng katabi ni Claire na si Rebecca. “Kahanga-hanga siya talaga kung isa sa mga intensyon niya ay makatulong sa mga kagaya natin, Sabihin nyo nga sinong kakilala niyo na twenty eight years old pa lang ay may mga ganoong accomplishments na? Ibig ba sabihin nun pagkagraduate niya ng highschool alam na niya kung ano talaga ang gusto niya?” kumento ni Cheska. “Ako nga hindi ko pa sigurado kung nasa tamang daan ba ako ngayon.” Napabuntong hiningang ani ni Chris na naging dahilan ng tawanan ng buong klase. “Sobrang perfect naman niya.”Nakangusong sambit ni Robert “May ganun bang tao?” dagdag tanong nito. “Pwede, accomplished na gwapo pero pangit ang ugali” biro ni Willy. “Ah, pwede nobody’s perfect kasi! For sure mayabang yan!” sang-ayon ni Robert sabay high five kay Willy. Napailing na lamang ang mga kaklase nilang babae dahil halata na ang selos ng mga lalaki nilang kaklase sa atensyon na ibinibigay ng estudyante sa batang professor.   Nabuwag ang pagkukumpulan ng mga estudyante ng pumasok sa classroom nila si Professor Luca, Nasa edad fifty na ito, payat at matangkad na nakasalamin, at may kasama itong lalaki na pumasok sa classroom nila, Naka blackpolo shirt ang lalaki, black belt, brown khaki pants at black formal shoes. Dire-diretso si Professor Luca sa center front ng classroom kung saan naroon ang makitid na teacher’s desk, samantalang nanaitili nakatayo sa pintuan ang lalaking kasama nito. Hinintay muna ni Professor Luca na makabalik ang mga estudyante sa sarili nilang mga upuan bago nagsalita.  “Good morning everyone” pagbati nito sa lahat. “Good morning sir.” tugon ng mga estudyante. “First of all, I would like to introduce to you our new instructor in the university, Professor Jake Insano.” pagpapakilala nito sa kasama sabay lahad ng kamay paturo sa direksyon ni Professor Insano. “He will be taking over this class starting today.” dagdag ni Professor Luca, pagkatapos ay muli siyang lumingon sa direksyon ni professor Insano. “Prof, the class is yours.” itinuro ni professor Luca ang space sa teacher’s desk bago siya lumapit sa kapwa niya professor na nasa pinto. “Thank you Professor Luca.”Nakangiting sambit ni Jake kay Luca na ginantihan din nito ng ngiti at isang tapik sa braso sabay bulong ng “Goodluck.” Nagpaalam din ito sa mga estudyante bago tuluyang lumabas ng classroom. Pagkalabas ni Luca ay saka tinungo ni Jake ang teacher’s desk.“Hello Everyone, I’m Jake Insano, first teaching job ko ito.” Ngumiti muna ito sa lahat bago muling nagsalita. “At dahil baguhan palang ako sa pagtuturo, please bear with me, and don’t hesitate to call my attention kung may mga hindi kayo maintindihan o kaya kung may tanong kayo.” “Sir question po.” agad taas ng kamay si Maris. Tumingin si professor Insano sa dako ni Maris “Okay. May tanong agad.” Natatawang sambit ni Jake. “Yes, Ms?” “Maris Reyes po.” pagpapakilala ni Maris sa sarili. “Let’s hear your question then.” “Sir bakit po ang gwapo nyo.” kinikilig na tanong ni Maris na naging dahilan para mapa “Yiieeee” ang mga kaklase nilang babae. Napayuko at napangiti na lamang si Jake. Bawat estudyanteng babae doon ay panay ang taas ng kamay upang itanong kung ano ang favorite color ni Jake, o kaya paboritong pagkain, paboritong gawin at kung ano ano pa. Game na game naman na sinagot ni Jake ang tanong ng mga ito. Habang abala sa pagpapansin at patuloy na pagtitig sa bago nilang professor ang mga estudyanteng babae, si Ellie ay abala rin, Kanina pa siya nakayuko sa long table na kinauupuan nila at pilit niyang itinatago ang kanyang mukha sa likod ng blank canvas na nakapatong sa tapat niya simula ng unang niyang makita ang mukha ni Jake. Napansin naman ni Vanessa na nasa tabi lamang ni Ellie. “Ellie something wrong?” bulong nito sa kanya na yumuko rin para magpantay ang mukha nila sa lamesa. Ngumiti ng pilit si Ellie. “Wala.” aniya. Napansin sila ni Maris dahil pareho na silang nakayuko. “Anong ginagawa niyo?” bulong nito. “Ewan ko ba dito kay Ellie.” sagot ni Vanessa kay Maris na hindi pa rin inaalis ang mga mata kay Ellie. “Masakit ba tiyan mo?” may pag-aalalang tanong nito. Hindi pa siya nakakasagot ng narinig niyang nagsalita ng malakas si Maris. “Sir, Masakit daw po tiyan ni Ellie, can she be excused?” paghingi ng permission ni Maris sabay turo sa gawi ni Ellie. Lumingon lahat ng estudyante kay Ellie including si Jake. Madalas na naappreciate niya ang concern ng mga kaibigan niya sa kanya pero not this time. Right at that moment gusto niyang batukan si Maris pero nang magsalita si Jake na noon ay nakatingin lang din sa kanya, lihim niyang hinihiling na sana lamunin na lang siya ng lupa. “Are you okay? Do you need to go to the school clinic?” tanong nito sa kanya. Napilitan si Ellie na mag-angat ng kanyang mukha dahil kinakausap siya ni Jake.  “Okay lang po ako sir.” sagot niya na halos hindi siya humihinga. Hiling niya na sana hindi siya nito makilala, ngunit hindi yata talaga nakikinig ang universe sa mga hiling niya dahil ng masilayan ni Jake ang mukha niya tila ba may kumislap sa mga mata nito, tanda na nakilala siya nito. “Are you sure you don’t need to see the nurse Ms.Ellie Vil-?”  “Villanueva po.” Inunahan niya si Jake na sambitin ang apelyido niya, dahil ayaw niya na magtaka ang mga kaklase nila lalo na sina Vanessa at Maris, kung paanong nalaman ni Jake ang buong pangalan niya. Walang duda na natatandaan nga nito kung sino siya, dahil tanda pa rin nito ang pangalan niya. “I insist you see the nurse, just to be sure everything is okay with you, though, I have an Idea of what's going on with you.” ani ni sir Jake na ikinalaki ng mga mata nya. Anong ibig nitong sabihin? Na alam nito na pilit niyang itinatago ang mukha niya? Na nahihiya siyang makilala siya nito? Bigla siyang napatayo. “Thank you sir.” pagkasabi noon ay dire diretsong lumabas siya ng classroom nila.  Pinili niyang lumabas na lamang dahil baka hindi niya kayanin ang stress sa isipin na ang lalaking hinalikan niya sa fire exit ay magiging professor niya pala and worst natatandaan siya nito. *** Kakamot kamot ang ulo ni Ellie ng marating niya ang School Clinic. Wala naman kasi siya talagang nararamdaman kaya hindi niya kailangan pumunta doon. Siguro dapat sa school registrar ako nagtungo para asikasuhin ang mga papeles ko para magtransfer ng school. Pagkatapos ay tumalikod siya at humakbang palayo ng clinic. Naglakad si Ellie sa loob ng school campus na walang malinaw na direksyon, hanggang sa dalhin siya ng mga paa sa isa sa mga bench sa ilalim ng puno na malapit sa stadium. Doon siya naupo. Lumipas ang isa, dalawa, tatlong oras naroon pa rin siya. “Ellie!” tawag ni Vanessa habang patakbo itong lumapit sa kanya. “Nandito ka lang pala, sobra kaming nag-aalala sayo.” humahangos na sambit nito nang makalapit sa kanya. “Hinanap ka namin sa clinic, hindi ka naman daw nagpunta doon, inisip tuloy namin baka nagcollapse ka na sa kung saan kaya hindi ka nakaabot ng clinic.” ani ni Maris na humahangos din na kasunod ni Vanessa. Napangiti si Ellie. “Sorry, sana pala tinext ko kayo.” paghingi niya ng paumanhin. “Okay ka na ba?” tanong ni Vanessa habang sinusuri ang katawan niya. “Okay lang ako.” pagsisiguro niya sa mga kaibigan. “Akala naman namin nagpapahinga ka sa dorm or clinic kaya doon ka namin unang hinanap, bakit ba nandito ka.” tanong ni Maris. “Gusto ko lang magpahangin.” Tugon ni Ellie. “Mas nakapagpahinga ka sana kung umuwi ka muna sa dorm.” Reklamo ni Maris. “Siya nga pala Ellie. Sabi ni sir Jake kailangan niya macheck ang mga artworks natin two days before ng Arts Festival.” pagbibigay alam ni Vanessa. “Two days?! Bakit kailangan Two days? Hindi ba dapat a day before lang?” halata sa boses ni Ellie ang panic. “Eh sabi niya para daw may time pa tayo na maimprove o kaya maitama kung may mali sa painting natin, dahil ang goal niya ay maipasok tayo lahat sa Arts Festival.” “That’s three days from now.” ani ni Maris. “Sabi ni Vanessa wala ka pang naumpisahan.” “Wala pa nga.” napabuntong hininga si Ellie. “Hindi mo pa rin ba nakikita yung tao na sabi mo ay gustong gusto mo na maging subject mo?” tanong ni Vanessa. Kwinento ni Ellie kay Vanessa, ang tungkol sa lalaki na nais niyang ipinta, na nakilala niya noong gabi ng annual ball nila, pero hindi niya sinabi dito ang buong detalye, lalo na ang part na hinalikan niya ito. “Sino?” kunot noong tiningnan siya ni Maris. Nagdedemand ng kasagutan ang mukha nito. “Hindi niya nga daw nakuha yung pangalan pero mukhang na love at first sight si Ellie sa kanya.” biro ni Vanessa. “Oy hindi noh!” pasigaw na depensa ni Ellie na dahilan para mapangiti sina Maris at Vanessa. “Bakit ganyan ka mag react? I don’t mean romantic feelings, nainlove ka bilang artist sa subject mo. ano ka ba!” natatawa pa ring tukso ni Vanessa. “Oh crap. Gwapo ba ito? Judging by your reaction mukha ngang na-attract ka sa kanya, hindi lang bilang artist pero bilang babae.” Dagdag tukso ni Maris. “Tigilan nyo na nga akong dalawa.” Ismid na sambit ni Ellie sa mga kaibigan. “Dapat kasi pinicturan mo nalang siya para atlis na ipinta mo na.” ani ni Maris “Hindi naman pwede yun Vanessa, siyempre dapat may permiso tayo ng tao bago natin sila ipinta. Mamaya mademanda tayo niyan sa copyrights eh.” iiling iling na pinagalitan ni Vanessa si Maris. “Paano kaya kung si Michael na lang alukin mong model mo? hindi ka tatanggihan nun sigurado ako.” Sabay nguso ni Maris kay Michael na noon ay palabas ng Stadium kasama ang iba pang team mates nito sa basketball. Nakasimangot na tumingin sa gawi ni Michael si Ellie. “You’re joking. Walang kahit anong katangian ni Michael ang makakapagbigay ng inspiration kay Ellie.” tugon ni Vanessa “Pero kasi Ellie. You only have  three days  para tapusin ang painting mo.” paalala ni Maris .“At least kay Michael, I’m sure you have feelings towards him, kasi diba you hate him? Baka pwede na yun gamiti mong inspiration para ganahan ka magpinta?” “May point siya.” sabay turo ni Vanessa kay Maris. “Maliban pa doon, si Michael lang ang taong kilala natin na willing gawin lahat para sa iyo. I mean lalo ngayon na rush time na, I’m sure papayag siyang ibigay sa iyo ang time niya after classes.” Ani ni Maris.   “Tsaka kahit gawin mo siyang clown sa painting mo I’m sure oks lang sa kanya yun.” Dagdag ni Vanessa. Hindi man siya sang-ayon sa suhestyon ng mga ito pero mukhang tama sila, wala na nga siyang choice. Napabuntong hininga  na lang si Ellie. “Kakausapin ko nalang si Michael, hihingi ako ng pabor ngayon at babayaran ko siya sa tulong na ibibigay niya.” Lakas loob na turan niya Muling  tumingin si Ellie sa direksyon ni Michael na noon ay naglalakad papuntang canteen. Tama nga ba na humingi siya ng pabor dito? Hindi kaya pagsisihan niya ito sa huli? Paano kung ma-misinterpret siya ni Michael o kaya gamitin ni Michael ang pabor na ito para gipitin siya at pilitin siya na maging magjowa sila? Iyon ang nasa isip ni Elle ng biglang may narinig siyang tumawag sa pangalan niya. “Ms. Villanueva?” Hindi pa man siya nakakalingon sa tumawag sa kanya, ay narinig na niya ang pagbati ng mga kaibigan niya dito.“Hello po sir Jake”. Pareho itong napatayo mula sa bench na kinauupuan nila. Napatayo din siya  at agad na lumingon sa gawi nito ng marinig niyang binaggit ng mga kaibigan niya ang pangalan ni Jake. Ngumiti at kumaway ito sa dalawa Bago muling tumingin sa gawi niya, nagtama ang mga mata nila. Nakaramdam siya ng parang kuryente na dumaloy mula sa leeg niya pababa ng mga braso niya. Agad siyang nagbawi ng tingin at itinuon ang mata sa mga kaibigan niya na parehong nakangiti sa professor nila. “Okay ka na ba? Hindi ka raw nagpunta ng clinic?.” May pag-aalalang tanong nito. “O-Okay na po ako sir. Pasensya na po pinag-alala ko ang lahat.” nauutal na tugon niya. “Pwede ba akong maupo?” tanong nito sa kanilang tatlo habang nakaturo sa bakanteng bench sa tapat niya. Mabilis naman na tumango ang mga kaibigan niya. “Sige po sir.” Abot tenga ang ngiti ni Maris. Umupo ito sa tapat niya, pagkatapos ay tumingin ng diretso sa mga mata niya, nang magtama ang tingin nila ay saka ito ngumiti ng napakatamis, Pakiramdam niya mas lalong lumiwanag ang sinag ng araw sa paligid nila, Nagkusa ang mga labi niya na gumanti din ng ngiti kay Jake. Nagulat siya sa kawalan ng kontrol sa mga labi niya, Binawi niya ang ngiti niya at agad na umiwas ng tingin kay Jake. Namula ang mga pisngi niya, at tila ba pinagpawisan siya ng malamig, mga bagay na hindi nakaligtas sa obserbasyon ni Maris.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD