Lunchbreak noon, nauna na sa school canteen sina Vanessa at Maris dahil may kinailangan balikan si Ellie sa dorm room nila. Nang makabalik siya sa canteen ay doon niya naabutan sina Vanessa at Maris na nakikipagtalo sa grupo nila Jessica, kaklase din nila. Nakapalibot sa mga ito ang iba pang estudyante na nasa canteen at nakiki-usyoso sa kaguluhan. Dali daling lumapit si Ellie sa mga nagtatalo niyang kaklase.
“Hindi yan totoo!” narinig ni Ellie na sigaw ni Maris habang nakaduro sa mukha ni Jessica.
“Anong hindi totoo? Sipsip siya kamo!” pasigaw ding sagot ni Jessica.
“Anong nangyayari dito?” tanong ni Ellie na pumagitna kina Maris at Jessica. Una niyang tiningnan si Jessica na umiwas ng tingin sa kanya kaya ibinaling niya ang pansin kay Maris. “What’s happening Maris?” Ngunit hindi rin siya sinagot ng kaibigan, kaya kay Vanessa siya bumaling. “Vane?” Gaya ni Maris, puno ng pag-aalinlangan ang mukha ni Vanessa, hindi typical kay Vanessa ang manahimik lamang kapag may tanong siya dito. “Wala bang magsasabi sa akin kung bakit kayo nagkakagulo?” nagsimula na siyang mairita dahil tila ba walang gusto sumagot sa tanong niya.
“Chinichismis ka kasi ng mga yan eh!” pag-amin ni Maris sabay duro sa grupo nila Jessica.
“Anong chismis?” kunot noong tanong niya.
“Bakit hindi ba totoo?” taas ang isang kilay na sambit ni Jessica. “Umamin ka na Ellie.”dagdag nito.
“Aamin sa ano?”
“Sumisipsip ka kay sir Jake!”
“Saan nanggaling yan?”
“Huwag mo ng itanggi! Willing ka nga niyang bigyan ng chance kanina para makagawa ng panibagong painting project. Hindi na ako magtataka kung ikaw pa ang makakakuha ng pinakamataas na marka sa subject na iyon kahit pa yung gawa mo ang pinakapangit sa lahat!” matatalim ang bawat salitang binitawan ni Jessica. Hindi maintindihan ni Ellie kung ano at saan nagmumula ang galit nito para sa kanya.
“Sumusobra ka na talaga Jessica!” Nanggigil na sambit ni Vanessa at akmang susugurin si Jessica para sabunutan mabuti na lamang at na-awat ito ni Maris. “Ellie sabihin mo nga sa mga inggiterang ito ang totoo! Ipakita mo sa kanila ang painting mo tingnan natin kung hindi tumulo ang mga laway ng mga yan!” Namumula na galit si Vannesa habang matalim na nakatingin sa grupo ni Jessica.
“Sige nga Ellie patunayan mo ngayon ang sinasabi ng Vanessa na yan! Na hindi totoo na sumisipsip ka at nilalandi mo si sir Jake para lang mas mauna kang umangat sa buong klase.” Hamon ni Mau, isa sa mga sidekick ni Jessica.
“Nilalandi ko sino?” kunot noo at nanlalaking mata sambit ni Ellie. “Saan nanggaling yan Mau?”
“Bakit hindi ba totoo?” Nakacrossed arms na sabat ni Jessica. “Nakita ko kayo! Hinatid ka niya sa dorm ng dis oras ng gabi, nagdate kayo diba?!”
“Nakita ko rin na sinundo ka niya at sabay kayo umalis ng dorm.” Dagdag ni Victoria.
“Anong tawag mo doon Ellie? madalas kayong makitang magkasama ni sir Jake. Meaning nilalandi mo siya dahil nalaman mo na siya si Jaki! Malamang plano mo siyang gamitin para mag-advance ang career mo! dahil nga siya si Jaki kaya marami siya pwedeng magawa para sa iyo, gaya na lamang ng pagpasa sa iyo sa subject niya kahit hindi ka mag-effort!” bintang ni Jessica with sour expression.
“Hindi mo maitatanggi sa amin na kaya panay ang tingin ni sir Jake sayo! Ay dahil nilalandi mo sya! diba noong isang araw sinundo ka din niya sa cafeteria? Saan kayo nagpunta? Sa motel? Akala mo hindi namin mapapansin noh? Tuwing papasok siya ng classroom ikaw ang una nyang hinahanap bakit? Kasi nga malandi ka! Nilalandi mo sya!. Sigurado kami ginagamit mo siya para lang makaangat ka! Social climber!” dagdag na bintang ni Mau
“Sip sip? Malandi? Social Climber? Naririnig niyo ba yang pinagsasabi niyo?” Namumula na rin sa galit na dipensa ni Ellie sa sarili. “Wala akong nilalandi, okay?! May mga naitulong sa akin si sir Jake, oo. Pero bilang teacher and student lamang ang relasyon namin, wala ng iba! Kaya itigil niyo na itong pinagsasabi niyo. Please.” Pagsusumamo ni Ellie, napalitan ng takot ang kanina lamang ay galit na nararamdaman niya ng maisip na maaaring masira ng chismis na ito ang reputasyon ni Jake. Si Jake na walang ibang ginawa kundi ang tulungan siya. Wala na siyang mukhang ihaharap dito kapag nalaman nito na may ganitong kumakalat na chismis tungkol sa kanilang dalawa.
Hindi niya rin maintindihan kung ano ang dahilan, bakit nagkakaganito ang mga kaklase niya, sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama-sama sa eskwelahan na iyon ay never siyang nagkaroon ng kaaway.
Marahil nga sa tingin ng mga ito na unfair na nais siyang bigyan ng chance ni Jake kahit sa kabila nga tahasan niyang pagsabi sa buong klase na hindi niya ginawa on time ang project niya. Pero hindi naman niya tinanggap yung chance, Siya pa nga ang nagsabi na ibagsak nalang siya sa subject na iyon dahil nga sa pangit na artwork ang ipinakita niya.
Ang totoong dumudurog ng puso niya ngayon ay ang naging reaksyon ng ibang kaklase nila sa nangyari sa kanya. Ang buong akala niya, sa loob ng tatlong taon nilang pinagsamahan, ay pamilya na rin ang turing ng mga ito sa kanya. Kapag nangangailangan ang mga ito kahit pa sobrang effort para sa part niya ay hindi siya nagdadalawang isip na tulungan ang mga ito at kahit kailan hindi magagawa ni Ellie na manghusga ng tao na halos araw araw ay nakakasama niya gaya ng mga kaklase niyang ito. Mali ba siya to feel betrayed? Mali ba siya na masaktan dahil hindi ang kapakanan niya ang iniisip ng mga ito? Sa halip pinag-isipan pa siya ng kung ano anong hindi maganda? Mali rin ba siya na umasa na sana, sana lang, pinili ng mga kaklase niya na intindihin siya, na sana gaya ni sir Jake ay bigyan din siya ng chance ng mga ito upang maitama ang kung ano mang maling nagawa niya? Ngunit ganoon yata talaga, hindi lahat ng tao pipiliin na intindihin at itama ka, yung iba mas pipiliin na palakihin at ipamukha sayo ang mga pagkakamali mo, mas nakakalungkot isipin na may mga taong nagiging masaya lalo pa kung nakakasakit sila ng kapwa nila. Yung tipo ng mga tao na kayang dumihan ang kapwa nila para lamang mas mafeel nila na mas angat sila dito.
“Kahit magpaliwanag ako sa inyo, hindi niyo pa rin maiintindihan, dahil ayaw niyo akong intindihin, sarado na ang utak niyo tungkol sa akin.” Hindi kumukurap ang mata at taas noong sambit ni Ellie sa grupo ni Jessica.
“Anong ibig mong palabasin?” sigaw na tanong ni Jessica ngunit pagod na si Ellie makipagsagutan, kaya tinalikuran na niya ito. “Teka nga!” ani ni Jessica sabay hila sa balikat ni Ellie upang muli sila magkaharap. “Ano pinalalabas mo na kami pa ang masama dito?” nakataas ang kilay at halata ang disgust sa mukha ni Jessica.
Naiinis na pubuntong hininga si Ellie. “See? Hindi pa nga ako nagpapaliwanag niyan, pero hindi mo na ako naiintindihan.” Pagkasabi nun ay tumalikod muli si Ellie para lumayo sa lugar na iyon, naiiyak na siya sa sobrang galit at sama ng loob. Nakasunod sa kanya sina Vanessa at Maris.
Hindi pa man lubusang nakakalayo si Ellie sa grupo ni Jassica nang mapahinto siya dahil nakita niya si Jake na nakatayo sa bungad ng canteen. Nakatingin ito sa kanya. Narinig kaya niya ang mga naging sagutan namin ng grupo ni Jessica. Nagbawi ng tingin si Ellie at yumuko, nagpatuloy siya sa paglalakad, nilagpasan niya si Jake.
***
“Ellie?” mahinang tawag ni Vanessa kay Ellie nang makapasok ito sa dorm room nila.
Nakadapa si Ellie sa bed niya at dahil ala sais na noon kaya medyo madilim na sa room nila, sinadya ni Ellie na hindi magbukas ng mga ilaw dahil iniiwasan niyang makita ni Vanessa ang mga namumugto niyang mata. Hindi na siya pumasok sa last two subjects nila nang araw na iyon. Pagkatapos nang naging pagtatalo nila sa grupo ni Jessica ay dumiretso na siya sa dorm nila at umiyak ng umiyak.
“Hmmm?” Tugon ni Ellie sa tawag ni Vanessa. Hindi pa rin siya nag-aangat ng mukha niya sa pagkakadapa kaya lumapit sa tabi niya si Vanessa at hinimas himas nito ang buhok niya.
“I know you’re not okay. Walang karapatan sila Jessica na i-judge ka lalo wala naman silang alam. Don’t let them get into you okay?”
“Jessica?” tanong ni Ellie sabay tingin kay Vanessa.
Nadagdagan ang awa sa mukha ni Vanessa ng makita ang maga niyang mga mata. “It’s okay, I’m here for you, kami ni Maris, lagi kami nandito para sayo.” Ngumiti siya dito na ginantihan din nito ng ngiti tapos ay inaayos ayos nito ang magulong buhok niya.
“I don’t understand. Bakit ba kasi hindi mo ipinasa ang painting na ito kanina? Kung nakita lang sana nila Jessica iyan, I’m sure wala silang masasabi na ganoon.” tanong ni Vanessa noon ay nakatingin sa nakasabit na painting ni Ellie.
“That’s the reason why. Ayaw ko makita ng ibang tao iyan.”
“Sabagay, now I understand why you chosed to hide that, Baka kung anong chismis na naman ang gawin nila.”
“Sobrang gwapo ni sir Jake dyan diba? Kaya ayaw ko syang ishare sa iba.” Nakangiti ng biro ni Ellie.
“Ikaw!” Duro ni Vanessa sa kanya. “Kaya ka nachichismis eh. Tigilan mo na yang pantasya mo kay sir Jake!” kinurot ni Vanessa sa braso si Ellie. Sabay silang nagkatawanan.
“Oo nga pala.” Sambit ni Vanessa. “Naabutan ko si sir Jake kanina sa baba ng building natin, gusto ka daw sana niya makausap kaso sabi ko baka ayaw mo pa makipag-usap sa ngayon.”
“Ha? Bakit hindi mo agad sinabi Vane?” nagmamadaling bumangon si Ellie dumiretso siya sa salamin at inayos ang sarili. “Kailangan ko siya makausap. Asan na siya?” lumingon siya kay Vanessa.
“Nakaalis na siguro.” Kibit balikat na tugon nito.
Nagmamadaling tinungo ni Ellie ang pinto ng pigilan siya sa kamay ni Vanessa.
“Ellie…” tawag ni Vanessa sa pangalan niya. “Baka lalo kayo machismis kung makikita kayong nag-uusap ni sir Jake ngayon?” May pag-aalalang sambit ng kaibigan niya.
“Vane. kailangan ko siya makausap. Magpapaliwanag ako kung bakit hindi ko ipinasa yung painting ko. Isa pa ikaw na rin ang nagsabi na hindi ako dapat magpaapekto sa mga chismis na wala namang katotohanan hindi ba?” Tinitigan ni Vanessa si Ellie.
Dahan dahan din siya nitong binitawan. “Go.” nakangiting pagtataboy nito sa kanya.
Lumabas siya ng kwarto nila, nagmamadali siyang bumaba ng hagdan, ngunit paglabas niya ng building ay wala na doon si Jake.
Tumakbo si Ellie hanggang sa gate ng School Dormitories nagbabakasakali siya na maabutan niya Jake ngunit bigo siya, dahil walang Jake na nahagip ang mga mata niya.
Bagsak ang mga balikat habang pabalik na si Ellie sa dorm nang biglang may marinig siyang tumawag sa pangalan niya.
“Ellie! Ellie! Wait!
Paglingon ni Ellie ay nakita niya si Jake na patakbong lumapit sa kanya.
Napangiti si Ellie agad niyang sinalubong ito.
“Mabuti naman naabutan kita. Pwede ba kita makausap?” Tanong agad nito ng magkalapit na sila.
“Okay po.”
“May alam akong sikat coffee shop pero medyo malayo. Gusto mo bang puntahan natin para matikman mo yung pastries nila doon?”
Nagtataka man siya sa biglaang pag-aya ni Jake sa coffee shop ay pumayag pa rin si Ellie. “Sige po.”
Nagtungo sila sa school parking lot kung saan naroroon ang isang gray SUV ni Jake. Kulang kulang forty five minutes ang naging biyahe nila bago nila narating ang coffee shop na sinasabi nito. Nasa pinakasulok ito ng Sining City, Wala namang kakaiba sa coffee shop na iyon maliban nga sa nasa tagong lugar ito, simple at maliit na pahaba ang coffee shop na ito. Full glass ang pintuan at bintana, Black color ang motif ng coffee shop, may malaki din itong black signage kung saan nakasulat ang pangalan na “The Lost Coffee Shop”.
Pagkabukas pa lang ng pintuan ni Ellie napapikit siya sa bumungad na aroma ng caramel butter at kape. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng gutom. Hindi pa man niya nakikita ang menu ng coffee shop ay nais na niyang umorder ng isang slice ng caramel cake at isang mocha latte.
Maganda ang ambiance ng Coffee shop sa loob, Meron itong apat na black single seater sofa, meron din itong apat na three seater black tables, sa dulo ng coffee shop makikita ang pastry display nila pati na ang order taker/ cashier section. Mukhang masarap ang mga pastries na paninda nito, ngunit dahil siguro nasa dulo ito ng bayan kaya wala masyadong tao roon, Isang lamesa lang ang occupied ng mga oras na iyon.
Nais sanang isuggest ni Ellie na sa sofa sila maupo ni Jake dahil malapit iyon sa binatan kung saan over looking ang highway sa labas. Pero dirediretso si Jake na naglakad patungo sa pinakaloob ng coffee shop at naupo ito sa lamesa doon. Uupo sana si Ellie sa tapat ni Jake ngunit pinigilan siya nito, sa halip pinaupo siya nito sa katabing upuan nito, kung saan pareho silang nakatalikod sa main door ng coffee shop.
Ikinahihiya niya ba na kasama ako? Hindi maiwasan ni Ellie na hindi masaktan sa isiping itinatago siya ni Jake, natatakot ba ito na baka may makakita sa kanila na magkasama?
Mabigat man ang loob at naupo siya sa tabi ni Jake. Hindi siya nito tinitingnan. Iniiwasan niya rin ako ng tingin. Nakanguso at napayuko na lamang si Ellie.
“Ellie, what can I get you?” Pabulong na tanong ni Jake sa kanya.
“Mocha Latte.” Tugon niya na hindi ito tinatapunan ng tingin. Nagtungo sa order taker section si Jake, pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik na ito sa lamesa nila na dala ang pagkain nila.
Iniabot ni Jake ang mocha latte niya at isang slice ng caramel cake. Malungkot ang mukhang tinanggap iyon ni Ellie.
“Are you okay?” maya maya pa ay tanong ni Jake.
“Yes po.” tugon ni Ellie nang hindi pa rin tumitingin dito.
“Try the cake, I ordered their best seller.” alok ni Jake sabay tulak ng platito na pinaglalayan ng slice ng cake papunta kay Ellie.
Tinikman nga iyon ni Ellie. It’s very sweet and soft and has a crunchy layer. sometimes eating sweet food makes you feel better. Because that cake made Ellie feel a little bit better.
“Anong sa tingin mo, masarap hindi ba?” Nakangiting tanong ni Jake.
Bahagyang tumango si Ellie.
“Sabi ko sa iyo eh, masarap ang pastries nila dito, lalo na ang mga cakes nila.” dagdag ni Jake.
Pinaniwalaan kaya ni sir Jake ang chismis na kumakalat sa school, kaya ba pakiramdam ko may wall na sa pagitan namin.
“Naiintindihan ko na kung bakit pinili mo na lamang itago yung artwork mo. hindi ko inakala na magkakaroon ng ganitong chismis, what more kung nakita nila ang gawa mo na iyon.” Ani ni Jake pagkatapos niyang humigop ng espresso nito.
“Hindi ko po alam kung saan nanggaling ang ideya na sineseduce daw kita para makakuha ng mataas na grade.”
“Hindi ko naman pinaniwalaan iyon Ellie eh, ang inaalala ko ikaw.” Kitang kita sa mga mata ni Jake ang pag-aalala para sa kanya.
“Sorry po sir.” Namumuo na ang mga luha ni Ellie, Sobra sobra na ang hiyang nararamdaman niya para kay Jake. Simula ng dumating yata siya sa buhay nito ay puro gulo na ang dala niya dito.
“I’m the one who should apologize to you Ellie. Bilang teacher mo, ako dapat ang nagproprotekta sayo sa mga ganitong bagay hindi yung ako pa ang dahilan para makaranas ka ng ganito.”
“Hayaan niyo po, iiwas na ako sa inyo para hindi na po lumaki ang gulo.” Nakayukong sambit ni Ellie.
“Gusto mo ba na mag-iwasan tayo? Kahit wala naman tayo talagang ginagawang mali?” Nakatingin sa mga mata niya si Jake.
“Pero.. hindi po ba kaya tayo nagpunta dito kasi natatakot po yata kayo na may makakita sa atin na nag-uusap.”
“Akala ko kasi, ikaw ang may ayaw na may makakita sa atin na nag-uusap, dahil baka mamisinterpret na naman nila tayo. Nung tinanong kita kay Vanessa kanina, sinabi niya na kung kakausapin kita huwag daw sa school at baka may ibang makakita na nag-uusap tayo, gawan na naman ng bagong kwento.”
“Gaya nga po ng sabi niyo, wala naman tayong ginagawang masama, kaya bakit kailangan natin mahiya?”
“Nakita ko ang ginawa ng grupo ni Jessica sa iyo kanina. Gusto ko sana silang kausapin para linawin ang lahat, pero minabuti ko muna na ikaw ang makausap. Gusto ko maunang humingi ng tawad sa’yo dahil nailagay kita sa ganitong sitwasyon. Bago pa lang kasi akong guro, yung inaakala kong makakatulong sa iyo, eh yun pa yata ang sumisira sa reputasyon mo. Patawarin mo ako Ellie, hayaan mong itama ko ang lahat ng maling balita na ito.”
Napangiti si Ellie. “Salamat sir Jake.” at hindi ka nagbago ng pakikitungo sa akin.