Chapter 48: Visitor [Shin] "Oh, my! Another Xena!" tuwang-tuwang saad ni mommy nang umuwi kami sa mansion nila. Simula nang ma-comatose ang asawa ko ay ang parents namin ni Xena ang nag-aalaga sa mga anak namin. Sina Cyan, Reign at Hersey ang nagbabantay kay Xena kung nasa trabaho ako. Sa gabi lang o kung day off ko sa hospital ay ako naman ang magbabantay kay Xena. Pinugpog ni mommy nang halik ang pisngi ng bata at niyakap ito na akala mo ay apo niya. "Mom, I told you na hindi po namin anak ni Xena ang bata," saad ko. Bago kasi kami umuwi rito ay tinawagan ko na sila na may kasama kaming batang babae at kung kanino rin itong anak. Para aware sila at malalaman ko kaagad kung pabor ba sa kanila ang pagkupkop ko sa bata. Sa phone pa lang ay halatang excited na ang ina ko. Wala 'ata siya

