Chapter 45: Kierxen Arkus A/N: 2 and half year pa...mauubos ang chapter natin, Xena. Gumising ka na. *** Five months later... This is it, the waiting is over. Ngayon na ooperahan si Xena. Kung sa mga nakalipas na buwan na mahina ang pulso niya ngayon ay tila bumabalik na sa normal. Na para bang alam niya na kailangan niyang magpalakas ngayon dahil sa operasyon niya para sa anak namin. Ilang beses na rin siyang sinumpong ng convulsion pero nang dumating ang huling buwan na paghihintay namin ay ro'n na rin tumigil. Hindi man masasabing stable na siya ay makakaya pa rin ng katawan niya na operahan siya. Magiging okay siya, alam ko. Dahil nararamdaman niya rin na kailangan siya ng anak niya, ng anak namin. Kaya kampante kaming lahat na gawin ang bagay na iyon. "Gumagaling ka na, Kier

