CHAPTER 1

3035 Words
PINUNO ko ng sariwang hangin ang dibdib ko habang nakatanaw sa walang-hanggang karagatan. Kasalukuyan akong nakatayo sa isa sa malalaking bato na nagbubukod sa private at public beach. I’ve been there for more than thirty minutes now at hindi ko alintana ang lamig ng hangin na dumadapo sa mukha at katawan ko. It’s been four years since my family’s yacht was found in the middle of the sea without anyone onboard. Hanggang ngayon, wala pa rin kaming balita. Naubos na ang yaman at ari-arian nina lolo at lola pati na ang ipon ng nawawala kong magulang para lang sa patuloy na paghahanap sa kanila. Para may maibayad kami sa mga hina-hire naming private investigators, hoping na magkaroon kami ng leads at kahit na kaunting pag-asa na maaaring buhay pa sila. It’s been four years, and I remained hopeful. Kahit kailan, hindi ako mawawalan ng pag-asa na makikita ko pa rin silang tatlo. Lagi pa rin silang kasama sa mga panalangin ko. Palagi. Basta, tiwala lang. ‘I missed you, mom! I missed you, dad! I missed you ate!’ paulit-ulit na usal ko sa sarili ko habang nakatanaw sa kawalan. Mabilis kong pinahid ang nakawalang luha mula sa mga mata ko at naglakbay sa pisngi ko. Until now, kahit ilang beses na akong umiyak nang palihim, hindi pa rin natitigang ang mata ko sa luha. Mayroon at mayroon pa ring lumalabas kahit pa nga ‘di ko sadya. Naputol ang paglalayag ng isip ko nang bigla na lamang may tumikhim sa likuran ko at saka ko naramdaman ang paglapit niya. Napabaling ako nang kaunti nang tumigil sa tabi ko ang isang lalaki. He was tall and well, eye-catching kahit sa side-view. Ang tangos ng ilong niya at naka-pout ang lips niya. Siya ‘yong tipo ng lalaki na mapapatingin ka ng ikalawang ulit. “Are you from around here?” tanong niya sa akin habang nakatanaw rin sa malayo. I was taken aback. Lumakas ang pagtibok ng puso ko. Legit na kinilig ako. Paano naman kasing hindi? Pang-DJ or voice over ang boses niya. Hindi gaanong malalim pero buong-buo. Lalaking-lalaki. Ginalugad ko na siguro ang lahat ng hiya sa katawan ko at pinagtipon sa isang tabi bago lakas-loob na tiningnan ang lalaking katabi ko. Hindi kasi ako ‘yong tipo na nakikipag-usap na lang basta-basta sa mga taong hindi ko kakilala. Bukod sa mahiyain ako, may takot din ako na makihalubilo kung kani-kanino. Perhaps, it has something to do with what happened to my family kaya ako naging aloof. I was not like this when I was younger, pero ever since mawala ang family ko sa dagat, naging ganito na ako. Palaging takot at masyadong maingat sa mga nakikilala ko. Pero sa sandaling ito, iba ang nararamdaman ko. Para bang may nagsasabi sa ‘kin na, ‘Okay lang ‘yan, Kahel. Okay lang na may makausap kang iba, ang magkaroon ka ng bagong kakilala.’ “I’m quite sure na hindi ka pipi. I heard you talking in the phone earlier,” muling sambit niya nang hindi pa rin ako magsalita kaagad. Marahil, ang tinutukoy niya ay noong naglalakad na ako patungo sa spot na ito habang kausap ko ang lola ko at nagpaalam na medyo male-late ng uwi. Nahihiya ko siyang sinulyapan ngunit mabilis ko ring binawi ang mata ko mula sa kaniya. Pakiramdam ko kasi ay malulunod ako sa lalim ng pagtitig niya sa akin… o baka ilusyon ko lang din naman ‘yon. Bakit nga naman niya ako titingnan nang ganoon, eh, hindi naman ako kagandahan? Walang-wala ako sa level ng kaguwapuhan niya. “Taga-Esperanza ako,” mahinang sagot ko sa tanong niya kanina at saka muli akong humugot nang malalim na hininga at tinanaw ulit ang karagatan. Nagsasayaw na sa abot-tanaw kong bahagi ng dagat ang kulay kahel na silahis ng araw at naghahanda na para sa pagtakip-silim. It’s time for me to go home. “I’m Frank, by the way,” pakilala niya sa sarili niya. Mas lumapit pa siya sa akin saka ini-extend ang kamay niya para makipag-kamay sa akin. I was a bit hesitant pero nang hindi pa rin niya binawi ang kamay niya ay napilitan na rin akong makipag-kamay at makipagkilala sa kaniya. “Kahel,” kiming pakilala ko sa sarili ko. “Kahel? As in, orange?” manghang tanong niya. Mas lalo tuloy siyang gumuwapo sa paningin ko lalo na nang ngumiti siya sabay hawi sa kulay brown at Keempee-style na buhok niya. Tila kasi nagsasayaw ang mga mata niya na mas lumiit pa tapos lumitaw pa ang puti at pantay-pantay niyang mga ngipin. May dimples din siya sa ibaba ng labi niya tulad ng kay Lee Seunggi, na nakapagpadagdag sa s*x appeal niya. Tumango naman ako at mabilis na nagbawi ng tingin bago pa niya mahuli na natatameme ako sa kaniya. Napangiti rin ako sa naging reaksyon niya. Hindi naman kasi talaga common ang pangalan ko at usually talagang naku-curious ‘yong mga taong nakakarinig ng pangalan ko. “Ang cute. Unique ang name mo,” komento niya bago inalis ang tingin niya sa akin at itinutok rin sa papalubog na araw. “Salamat,” kiming sabi ko. “Hindi ka ba nagiginaw? Naka-uniform ka lang, eh,” mayamaya ay puna niya pagkabaling niya sa akin. Pinagsalikop ko ang dalawang kamay ko sa tapat ng aking dibdib bago ako ngumiti. Kung kanina ay nakakaramdam ako ng ginaw, ngayon ay hindi na. Ewan ko kung dulot ito ng presensya niya dahil nagkakandakumahog ang puso ko sa pagtibok kaya siguro nag-iinit ang katawan ko lalo na ang mukha ko. “Hindi naman. Paalis na rin naman ako dahil kailangan ko nang makauwi bago gumabi,” sabi ko na lang sa kaniya. Muli kong sinamyo ang sariwang hangin at saka humarap kay Frank saka ko siya tinanguan bilang pamamaalam. Napatigil ako sa akmang paghakbang pababa mula sa batuhan nang magsalita siya ulit, in a very amusing way. “So soon?” Nakaangat ang isang gilid ng labi niya nang magtanong sa akin habang nakatingin sa gawing likuran ko. Nakapamulsa siyang humakbang palapit sa akin. “Pareho tayo ng school. Sa St. Evangeline University rin ako nag-aaral,” lahad niya na nakapagpabigla sa akin. “Talaga?” nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kaniya. Tumango siya bago umagapay sa akin. “I’m taking Architecture,” dagdag pa niya at tukoy sa course niya. Mas nauna pa siyang bumaba sa batuhan kaysa sa akin saka inilahad ang kamay niya sa akin para alalayan ako sa pagbaba. “How about you?” follow-up question niya nang ganap na akong makababa. “Education,” pakli ko nang ganap ko nang mailapat ang mga paa ko sa buhanginan. “Nice,” komento niya saka ako kinindatan at binitiwan. “Ma’am.” Feeling ko ay nag-alpasan ang mga paroparo sa sikmura ko sa tinuran niya. Kung sa iba siguro, ang unang iisipin ko ay napakahangin naman ng taong ito. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Imbis na ma-turn off ako, kinikilig pa ako! Ganito ba talaga kapag salat sa karanasan na naliligawan? Konting ngiti at kindat lang, parang bibigay na ang puso ko sa kilig? “T-Thank you,” nauutal na sabi ko habang pinipilit ko ang sarili kong kumalma. Muli siyang nag-alis ng bara sa lalamunan niya at saka nagsalita ulit. “Do you wanna eat something? Medyo nagugutom na rin ako, eh. My treat.” Hindi kaagad ako nakapagsalita. Hindi naman kasi ako madalas maaya maging ng mga kaklase ko. Like I said, aloof ako at hindi sociable. Kahit nga may mangilan-ngilan din namang nagkaka-crush sa akin, wala naman silang lakas ng loob para manligaw sa akin dahil ako na rin ang kusang umiiwas sa kanila. ‘Di pa man nila naibubuka ang bibig nila, iniiwan ko na sila sa ere. “Don’t worry, I’m harmless. Marami rin namang tao rito. Shout at the top of your lungs kapag may ginawa ako sa ‘yo na ‘di mo gusto,” pangungumbinsi pa niya sa akin. And as much as I wanted to say yes, the fear deep inside me prevented me from doing so. “I’m sorry pero kailangan ko na talagang umuwi. Salamat na lang,” sabi ko na lang saka nagpaalam sa kaniya. “Okay… as you wish,” bukod-tanging nasabi na lang niya. Mabilis na akong naglakad palayo sa kaniya. Kalahating oras pa ang bibiyahihin ko para makauwi ng bahay at siguradong mag-aalala sina lolo at lola kapag lumalim pa ang gabi at hindi pa ako dumarating sa bahay. “See you at the school, Kahel!” pahabol na sigaw pa niya sa akin at hindi na rin naman siya nag-attempt pa na habulin ako. Well, that was a good move from him. I will certainly freak out if ever siguro na iginiit pa rin niya ang gusto niya and worst, sumunod pa siya sa akin para mangulit. I mean, kakikilala pa lang namin tapos magpupumulit pa rin siya na kumain kaming dalawa? Kahit na guwapo siya, kabastusan pa rin ‘yon kahit na wala naman siyang ibang intensyon na masama. Magmumukha na siyang stalker! Takot ko na lang! Habang nasa biyahe ay hindi ko tuloy maalis-alis ang pagkakapagkit ng ngiti sa mga labi ko. I was able to talk to a stranger without getting scared. Kahit pa nga ang mga bago kong kaklase, it will take me weeks bago makihalubilo sa kanila. That was a first… and the start of my friendship with Frank as our paths crossed again at the university the very next day. “Kahel!” malakas na pagtawag sa pangalan ko habang bitbit ko ang tray ng pagkain na in-order ko mula sa buffet sa main canteen ng university. The voice was so familiar. Pag-angat ko ng aking mukha ay agad kong natanaw ang may-ari ng tinig dahil bukod sa pinagtitinginan siya ng ibang mga estudyante ay kumakaway naman siya sa akin at niyayaya akong umupo sa lamesa na inookopa niya. “Come here!” yaya pa ni Frank sa akin nang hindi ako kaagad natinag sa pagtayo sa gitna ng canteen. Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko nang sa akin naman bumaling ang atensyon ng ibang estudyante roon. Pakiramdam ko ay kinikilala at sinisipat nila ako kaya naman inignora ko siya at umupo sa unang lamesang nadaanan kong bakante. Nagulat pa ako nang eksaktong pag-upo ko ay inilapag niya naman ang tray ng pagkain niya sa tapat ng upuang kaharap ko. “Hi, Kahel. I was calling you, hindi mo ba ako nakita?” tanong agad niya sa akin. “Paupo ha,” paalam niya kahit pa nga nakaupo na naman siya. Tumango lang ako at hindi kumibo. Hindi naman ako ang may-ari ng table para tumanggi. Inilagay ko na lang ang atensyon ko sa kinakain ko. Nahihiya ako lalo na at alam kong kami pa rin ang pinagtitinginan at pinag-uusapan ng ibang estudyante roon. “Uy, magsalita ka naman diyan, Kahel. Para naman akong walang kausap, o,” mayamaya ay sabi niya sa akin matapos niyang magsalita nang kung ano-ano na hindi naman pumapasok sa pandinig ko. Ang lakas kasi ng t***k ng puso ko dahil sa presensya niya. I was happy and sad at the same time. Happy kasi kahit paano nakilala at naalala pa pala niya ako despite the crowd inside the canteen, and sad dahil feeling ko, nanliliit ako sa sarili ko. Feeling ko, people are judging me and talking behind my back. Ganoon ako ka-insecure. Uminom muna ako ng tubig bago siya tiningnan. He was smiling genuinely kaya naman ‘yong mga sasabihin ko sana na negative ay naipon na lang sa lalamunan ko at hindi ko nasabi sa kaniya. “A-Ano nga ulit ‘yon?” sa halip ay tanong ko na lang sa kaniya. Siya naman ang uminom ng soft drink saka amused akong pinagmasdan na nagpa-blush sa ‘kin. Pakiramdam ko, sinisilaban ang buong mukha ko dahil sa pagtitig niya kahit pa nga parang matutunaw ang puso ko at kung nakatayo siguro ako, kanina pa ako natumba dahil sa panlalambot ng tuhod ko. “From now on, masanay ka na sa ‘kin. I don’t have any friends here yet. Ikaw pa lang,” sabi niya bago nagpatuloy sa pagkain. Napangiti tuloy ako at napatango. Pareho pala kami. “Friends, Kahel?” Inilahad niya ang kamay niya sa akin habang ngumunguya siya. Humugot ako ng hininga at tumango ulit habang nakangiti pa rin. “Okay… friends,” tugon ko. At sa loob ng apat na taon mula nang mawala ang pamilya ko, noon ko lang ulit naranasang magtiwala, tumawa, at magmahal ulit nang walang reserbasyon. That’s how our relationship started. Frank and I became best of friends. We became closer than friends later on. He became my first on everything. My first boyfriend. My first kiss. My first experience. And dami niyang itinuro sa akin. He made me realize that I could trust people and happy at the same time. He also gave me the strength to carry on with my life without getting scared. He became my knight in shining armor… And I was very happy with Frank. Specially now that I am pregnant with our child. Yes, I scared at first but I was pretty much sure that Frank will be happy and excited with the news. Hindi niya ako papabayaan. I know it by heart. I decided to surprise him in person. Ayokong sa tawag or text ko lang ipaalam na magiging tatay na siya. I wanted to see his reaction. Kung paano magliliwanag ang mga mata niya kapag narinig niya ang sasabihin ko sa kaniya. He is a loving person and I’ve seen how he treats other people with respect. Marahil, kung nagkaroon lang ako ng pagkakataon na makilala ang family niya, I might have witnessed how close they were. Kung hindi lang ako working student, sumama na siguro ako sa probinsya nila noong summer vacation. I was all smiles as I wait for him at the waiting shed just outside our school. Doon ang tagpuan namin kapag susunduin na niya ako kapag nasa OJT niya siya. Sinipat ko ang relo ko na iniregalo pa niya sa akin. Halos isang oras na akong naghihintay sa kaniya. Wala rin namang siyang ipinapadalang text message sa akin maliban sa text niya kanina noong sinabi niyang paalis na siya sa OJT niya. Bumuntong-hininga lang ako at saka naghintay pa. It’s been over one hour and half at walang text man lang mula kay Frank. I started to get worried. I was about to call him when suddenly, my phone rang. It was him. Excited kong sinagot ang tawag niya. Baka na-traffic siguro siya kaya sobra siyang late. “Hey, ‘san ka na?” tanong ko kaagad sa kaniya. “Hello, miss. Ako po si Sgt. Boy Santos,” pakilala ng lalaki sa kabilang linya. Awtomatikong tila ba binayo ang dibdib ko. Lalo pang nanginig ang mga kamay ko at tila ba pinanlambutan ako ng laman nang magpatuloy sa pagsasalita ang lalaki nang hindi ako umimik. “Kayo po ang huling nakausap ni sir, ma’am. Kaano-ano n’yo po siya?” tanong ng pulis sa akin. “P-Po? Ahm, girlfriend niya po ako,” tanging naiusal na tanong ko habang ang mga mata ko ay nanlalabo na dahil sa nakaambang pagbagsak ng mga luha. “Ma’am? Puwede ho ba kayong pumunta rito sa ospital? Dito na lang po tayo mag-usap,” paliwanag ng kausap ko. “Po? Ospital? Ano pong nangyari? Bakit nasa ospital si Frank?” nagpa-panic ko nang tanong sa kausap kong pulis. “Ma’am, mas maigi pong dito na tayo mag-usap,” hiling ng pulis. Nag-alis ako ng bikig sa lalamunan at saka huminga nang malalim para makalma ang sarili ko. “O-Opo, sige po…” sagot ko na lang. Hindi ko malaman kung paano ako nakarating sa ospital. Blanko ang utak ko pero nagawa ko pa ring makarating at mahanap ang kinaroroonan ni Frank. Mabilis akong sinalubong ng nakausap kong pulis kanina. May katandaan na rin siya at may simpatya akong kinausap at sinabi sa akin na nabaril daw ang boyfriend ko at kasalukuyang nasa critical condition. I was so shocked. He was on his way to meet me! Paanong—? Hindi pa man nagsi-sink in ang mga sinabi sa akin ng pulis ay biglang bumukas ang glass door ng emergency room. Inalalayan ako ng pulis na kausap ko kanina at ng kasama niya papalapit sa doktor na noon ay bakas ang lungkot sa mukha. All of sudden, naalala ko ang nangyari sa family ko six years ago. That look written on the doctor’s face was the same look of my lolo when he was about to tell me what happened to my family. “D-Doc, how’s Frank? K-Kumusta po ang boyfriend ko?” I was hopeful that he will give me a positive reply. Ngunit isang malalim na hininga ang pinakawalan niya at may awang tumingin sa akin habang umiiling-iling. “I’m sorry, but we didn our best to save him but—” Hindi na natapos ng doktor ang sinasabi niya ngunit napatigil siya nang bigla na lang bumigay ang mga tuhod ko sa panlalambot. Mabilis nila ako inalalayan at iniupo sa upuan. Pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa narinig ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at wala sa loob kong nahaplos ang impis ko pang tiyan habang tila ba ako hibang na hindi malaman kung ano ang gagawin at iisipin habang nagpapaliwanag ang doktor. My mind was blank. I was on the verge of losing it until I do so when he confirmed to me that Frank passed away. Nagwala ako at umiyak nang malakas. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Sobra! Wala na si Frank! Hindi ko man lang nasabi sa kaniya na magiging daddy na siya! He left me… no, someone took him away from me! From us! And for the second time, I felt like I was left all alone in the dark. I felt dying right then and there! But I shouldn’t. I still have our unborn child who needs me to hold on and stay strong! And I will. Just how I remained strong and hopeful for the past six years after losing my family.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD