LAURA POV PA—SIMPLE akong napatingin kay Ninong Gavin nang mapansin ko ang panay tingin niya sa akin. Kapag tinitignan ko siya ay hindi naman siya umiiwas. May kailangan ba siya sa akin? Kami na lang ang dalawa rito dahil si Ninong Garvin ay niyaya muling maligo sa dagat. Si Lolo naman ay natutulog sa private room at si tito Anton ay nag—iihaw muli ng liempo. “Um, Ninong Gavin, bakit po? May kailangan po ba kayo? Kanina pa po kayong nakatingin sa akin,” tanong ko sa kanya. Naiilang na kasi ako. Alam kong maganda ako, pero sana man lang hindi halata siya kung tumingin. “Yes, Laura. Kanina ko pa kasi napapansin kung... Nunal ba niyang nasa right upper lips mo. Ang laki kasi.” Nangunot ang noo ko sa kanya. “Huh?” takang tanong ko at tinuro niya ang aking labi, banda sa aking bigote.

