Chapter 12
****
Grace's POV
Ayos ha?! Si boss?! Anong nakain nun at pinayagan ako maghalfday? Pero syempre masaya ako. Ito at nandito ako sa labas ng building. Naghihintay ng taxi, after kase namin mag-usap ay umalis na ako. At habang nag hihintay ako ng taxi, narinig ko si Zyra. Sumisigaw, tinignan ko ito sumisigaw ito habang kumakaway sakin. Napangiti naman ako sa kakutan nito. Well, maganda sya at sexy pang modelo katawan nito.
Tumatakbo ito sa gawi ko, parang gustong sumama sakin. Ha?
" Grace wait, hintaaayyyy!! " sigaw nito. Hihingalin ito haha.
Hinintay ko ito mismo sa harap ko. Ultimo na tumatawa na din ito sa ginagawa. Muntikan pa ako matawa.
" ano ba yun ha? Tsaka wag ka nga sumigaw. Baka mapagkamalan kang baliw. " saad ko. Hawak nya balikat ko dahil hingal na ito.
Sinasabi kona nga ba eh. Siguro eh nang malaman ay tumakbo na ito sa floor palang nila. Bruha talaga sya! Pinapahirapan ang sarili eh.
" Eh nalaman ko kase na halfday ka, kaya nag halfday na din ako. Halika sama ka, magkakape ako, pero-- may mga aso dun ehehe " pag papaliwanag nito sakin.
Kuminang naman ang mata ko, sa narinig. Hindi ako nakakibo. Paborito ko kaseng hayop, aso. Kaya ito haha.
" A-aso? S-seryoso? Isasama moko?! "
" oh yes, tsaka kulang pa kaya yung bonding natin noh?! " natawa ako ng slight. Ang cute nya dun ah! Well haha.
Sa ngayon ay hindi ko alam, kung saan kame pupunta. Bigla na lang kame nag lakad. Hinatak nya lang ako, saang kapehan ba yun? Dibale, may tiwala naman ako sakanya hehe.
Hindi kame nagtaxi, naglakad lang kame. Nakakatawa lang dahil, hindi sya gumastos haha. Naglalakad lang kame habang nag-kukwentuhan, kung ano-ano na rin ang napagusapan namin. Pero dahil sa naisip ko, napatingin ito sakin. Ewan ko kung saan talaga kame pupunta, dahil malayo na ang nalakad namin.
" Zyra ano pala ang full name mo? Yung first mo lang ang alam ko. Dahil nung una tayong nagkita, yun binigay mo " saad ko. Well it's true.
Hindi nya yun nabigay dahil nagmamadali ito. Working hours din kasi ito, parehas kameng nasa trabaho.
" Yun ba? Haha, Zyra Milagroso ang pangalan ko. Ikaw ba? " Milagroso. Okay ayos!
Kahit papano maganda naman ang pangalan nya. Kasing ganda nya haha. Nakapang-uniform pa kame, aakalain mong hindi pumasok. But, actually halfday kame parehas.
" Hm, Grace -- Grace Villarama ang buong pangalan ko," saad ko. Pero sumingit si Gaga.
"Pangalan ng isang anghel. Napaka-anghel mo talaga!" Si Zyra
" Baliw! Hindi ah. " natawa ako ng kaunti at hinampas ito. Natawa lang ang gaga dahil sa actions ko.
Naglakad pa kami ng konti hanggang sa pumasok kami sa isang kapehan. Ewan diko napansin kung saan mismo. Pumasok kame at tumuloy sa counter. Umorder ito at umupo naman kami.
Pagka-upo namin ay nag-salita naman agad ako. Siguro namangha ako sa disenyo dito. Nakaka-akit sa mata.
" Grabe ang ganda dito, nakaka-akit! Parang nag nining-ning sila sa mata ko. " saad ko pero ang bruha ay natawa lang.
" HAHAHAHA! Ang inosente mong anghel. " Si Zyra.
Napatingin naman ako kay Zyra. Nacurious ako sa may-ari nitong coffee shop. Sya kaya may-ari nito? Imposible.
Ay ewan haha.
" Heh! Well anyways, ano naman ang inorder mo? Pag ako hindi nasarapan. Iiwan kita dito! " saad ko tapos sa huli natawa ako ng slight.
" Ito naman judgemental?! Wala pa nga yung kape natin oh? Grabe ka. " saad nya. Napataas kilay naman ako.
Oo na, ako na ang mali haha. Tao lang naman ako, pwede magkamali. Sya pa kaya? Pero paano nga ba nalaman ni Zyra ito? Hindi kaya sya talaga may-ari? Hm? Oh dikaya, nalaman lang nya nang gumala sya. Siguro yun nga, galain din kase si Zyra eh!
" Teka nga, nasan ba ang mga hayop dito?! Wala ako nakikita maski isa?! " oo nga ano? Kahit ako walang nakikita. Mabuti at napansin ni Zyra.
Sayang yung punta pagsama ko, kung wala naman aso. Paborito ko rin kaya mga aso, hindi lang halata.
" Baka naman pinag-papahinga muna nila. Napapagod din kaya ang mga hayop. Odikaya, mali tayo ng napasukan! " advice ko.
Baka mang-gigil sya oras na may makita.
" Woi walang mali sa direksyon ko ah, tama tong pinuntahan natin. Pero siguro tama ka nga, wala ni isang hayop dito. " saad nya. Napangiti naman ako.
Pagkasabi nya ay nagitla ako sa katabi ko. A dog, nakatingin sya sakin habang gumagalaw ang buntot. Ang cute nya?! Sa ngayon ay diko sya diko sya madescribe. Naku-kyutan kasi ako?! Hinipo ko sya, kaya mas lalo nyang ginalaw ang buntot.
Konti na lang gigil na ako dito.
" Wow! Iba talaga ang pagiging anghel mo. Pati aso dumidikit na saiyo?! "
" Haha hindi ah?! Nakita ko nga lang sya na nakatitig sakin! " saad ko dito. Napa maang naman sya sa sinabi ko.
Pero sa totoo yung hayop kasama ng amo nya. Hindi sya dito sa Coffee shop!
" Mapapa ' sana ol ' kana lang sa kaibigan mo selp. "
Muntik ko nang mabuga yung iniinom kong tubig. Baon ko yan! Baliw talaga ang babaitang ito.
" HAHAHAHAHA?! "
" Grabe yung tawa ha? Damang-dama ko, Grace naman! " ayan nakasimangot na sya.
Mabilis ko naman binawi ang tawa ko. Baka magtampo pa ng tuluyan.
" Nako ganda, hindi na ako tatawa. Hindi talaga ako tatawa saiyo, promise! " saad ko. Ayan at may compliment pang kasama.
Nakita ko syang ngumiti at nag inarte. Ayan! Ganyan po ang kaibigan ko. Nakita kopa kung paano sya magpaganda sa harap ko. Haha!
" Maganda ba talaga ako? Baka maya-maya hagard na face ko! Sayang yung beauty ko pag nag-kataon. " ayan nanaman po sya.
Hindi na po sya titigil. Feel po kase talaga nyang maganda sya. Ayan ang kaibigan ko!
Tapos biglang dating naman ng order namin. Hindi naman ito katagalan bago ibigay, may mga nauna kaseng order bago samin. Nag thank you naman kame ni Zyra at balik sa pagkukwentuhan. Nagtatawanan kame at the same time. Pero yung aso kanina, bumalik ulit.
Ngayon madedescribe kona sya. Maputi sya pero may mga ilang brown sa skin nya. Medjo lawlaw ang tenga nya, dahil mahaba ito. Parang isa syang alaga ng artista. Mukhang mamahalin eh!
" Sabi kona nga ba anghel ka, tignan mo at bumalik yung aso. " saad ni Zyra matapos inumin yung kape.
Ngumiti naman ako dito at hindi nagsalita. Hinipo kona lang yung hayop. Sa susunod, makakabili na din ako ng hayop. Promise ko yan sa sarili ko. Nakangiti lang ako habang hinihipo ito. Nag eenjoy ito ngunit umalis din. Mukhang aalis na sya!
" mukhang mamahalin yung aso, sana ol?! "
" sana ol ka dyan, mahal lang ang pagbili pero hayop parin iyan. " saad ko ngumiti naman ito sakin.
Naismid naman ito sa narinig. She can't help but to giggle haha. Tinapos na lang namin ang paginom. Yung akin ay minabilis ko. Well the fact na hinihintay pa ako ng kapatid ko. Malalagot ako dun oras na tumagal ako. Sinamahan na din ako ni Zyra kaunin ito, dahil gustong makita. Nag-kwentuhan lang sila ng magkita kame. Nakakatuwa dahil hindi lang ako ang ate ng kapatid ko.
Hanggang sa paguwi ay madaldal parin ang kapatid ko.
.
.
.
( A/u = sensya yan lang kinayanan ng utak ko. Hehe! Babawi ako sa next chap. Promise! )