“Bakit, kilala mo ba ‘yung nililigawan niya?” tanong ni Jonathan. Kaagad akong umiling. “No! Natanong ko lang…” I didn’t know but I thought I sounded defensive. Pakiramdam ko ay may tinatago ako sa kaniya kahit ang totoo ay wala naman dahil wala talaga akong alam. But… Hearing the name that he said, doon ako hindi mapakali. Annie? It surely did sound like Aneesa. Pero may iba namang pangalan na Annie, at lalong hindi naman Aneesa ang pangalang iyon. Sa spelling pa lang ay magkaibang-magkaiba na, they were just really sound-alike. I told my mind to stop thinking about it and just focus on the road. Malapit na kami sa Elysian kaya naman medyo binilisan ko pa ang pagmamaneho para makapagpahinga nang maaga si Jonathan. “You’re really neighbors with my cousin?” tanong ni Jonathan nang nag-p

