I turned to the other side of the bed when the right side of my neck felt numb. I sighed for the nth time and closed my eyes, trying to sleep. Kanina pa ako nakahiga ngunit hindi naman ako makatulog. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay ang nangyari kanina iyong pumapasok sa isip ko na nagiging dahilan kung bakit hindi ako makatulog hanggang ngayon. Hindi ko tinignan ang oras kaya hindi ko alam kung ilang oras na akong paikot-ikot lang ang ginawa rito sa kama. I didn’t know what position I would make just to get myself to sleep. Mabuti na lang at wala akong pasok bukas kaya ayos lang kung hindi man ako magising nang maaga bukas. But I badly wanted to sleep. Sumasakit na ang mga mata ko dahil kanina pa iyon nakapikit ngunit gising na gising pa rin ang diwa

