A tear escaped from my eyes. Hindi ko pa iyon mapapansin kung hindi nabasa ang papel na nakapatong sa table kung nasaan ang laptop ko at kung saan ako nakaharap. Kaagad kong kinusot ang aking mga mata, nagbabakasakaling mapigilan ang pagragasa ng mga luhang nagbabadya. I sighed. What were these tears for? I shouldn’t be crying because of this. I knew it was normal for them, they would eventually get married because they already had a family. Alam ko naman iyon, ngunit hindi ko alam na ganito ang mararamdaman ko. Hindi ko maintindihan, ngunit gusto ko lang umiyak at iniisip na baka kapag naibuhos ko na ang lahat ng mga luha, magiging masaya na rin ako nang tuluyan para sa kanilang dalawa. Dahil sa una pa lang, iyon na ang gusto ko, ang maging responsable si Seatiel sa mga nangyaya

