Malalaking hakbang ang ginawa ko para makarating agad doon sa may pinto. The look Asia was giving me didn’t help at all. Isang lingon sa kaniya ang ginawa ko at sana ay hindi ko na lang iyon ginawa dahil hindi confusion ang nasa ekspresyon ni Asia, it was rage. I pushed Asia gently to the side while still looking at the tall man standing at the front door. Hindi ko na inalis ang tingin sa kaniya para masigurong hindi ako namamalikmata sa nakikita ko ngayon. “W-What are you doing here?” I thought Jonathan was the one who was going to fetch me… I had so many questions in my mind at naitanong ko na kay Seatiel ang pinakaunang tanong na pumasok sa utak ko. Bakit siya narito? Nasaan si Jonathan? Paano niya nalaman kung nasaan ako? Paano niya nalaman ang apartment ni Asia? Did he commute from

