"S-sir..."
Nakaramdam ako ng pagkailang kaya naman inagaw ko agad ang kamay ko sa kanya. Napansin ko ang pagngiti niya ngunit naroon pa rin talaga ang pagkailang ko.
"Okay, let's eat." Bigla ay aya nito sa iba pang kasambahay.
"Uh-Sir. Mamaya na lang po kami." Pagtanggi naman ng ibang mga trabahador at nagsilayo pa nga sila sa hapagkainan.
Ngunit hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Sir Shawn.
"No. For me. Mas masaya at mas masarap kumain kapag marami. Kaya halina kayo. Sabayan nyo na kaming kumain mommy."
"Oo nga naman. Halina kayo. Kumuha na kayo ng kanya-kanyang plato at sabayan nyo na kami ni Shawn," segunda rin ng Senyora.
At dahil sa sinabi niya ay napatitig ako sa kanya ng hindi ko sinasadya ngunit tila ba isang malaking desisyon ang ginawa kong pagtitig sa kanya dahil tumingin ulit siya sa akin habang nakangiti.
"Come on, Ella. Dito ka na maupo sa tabi ko," sabi pa nito kaya agad naman akong napatingin kay Inay. Akala ko ay iiling si Inay bilang pagtanggi pero kabaliktaran pala niyon ang iniisip ko dahil biglang tumango si Inay sa akin.
"O-okay po," pagpayag ko pero nag-aalinlangan ako.
"Naku, masanay ka na dito sa Sir Shawn mo, hija. Huwag ka ng mahiya. Gusto ko rin na kapag may free time ka ay ikaw ang magsilbi kay Sir Shawn mo," wika ni Senyora na ikinagulat ko at muli ay napatingin ako kay nanay na wala naman reaksyon.
"O-opo, Senyora..." pagsang-ayon ko at muli ay nakita ko ang matamis na ngiti ni Senyora sa akin.
Kung gayon ay magiging tagapagsilbi rin pala ako rito. Pero gusto ko rin naman ito para makatulong kay inay kaya lang, hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko lalo na ngayong katabi ko si Sir Shawn sa pagkain.
Habang kumakain ay ang daming kwento ni Sir Shawn kay Senyora na naririnig namin dahil kasama kami sa hapagkainan. I can sense na masayahin siyang tao at tawa naman ng tawa si Senyora sa mga sinasabi nito. Para ngang unang araw pa lang ay nakuha na niya agad ang kalooban ng kanyang mga trabahador.
Pagkatapos kumain ng sabay-sabay ay nagpaalam muna sa amin si Sir Shawn na magpapahinga muna siya. Ganun din naman ang Senyora dahil flight na raw nito kinabukasan para sundan ang asawa nito.
Pangarap ko rin na maging ganito pagtanda ko. Yun bang maging maalwan na rin ang buhay namin ni Nanay, kaya naman magsisikap at magsisipag talaga ako sa pag-aaral ko para naman kapag nakapagtapos na ako ay makakahanap ako ng magandang trabaho at igagala ko rin si Inay sa magandang lugar dito sa Pilipinas.
"Nay? Anong oras po ang uwi natin?" Tanong ko kay Inay na nag-aayos ng mga pinamili sa palengke. Inaayos niya ang mga ito sa ref at organisadong-organisado talaga. Pagkatanong ko ay tumingin naman siya sa orasang malaki na nakapwesto sa malapad na pader katapat ng malaking lamesa na hapagkainan.
"Mamaya pa anak. Bakit? Naiinip ka na ba? Kung gusto mo ay mauna ka ng umuwi para naman makapagpahinga ka na."
"Naku, hindi po, inay. Gusto ko nga po na sabay tayong uuwi."
"Sige na. Alam kong pagod ka na rin. Magpahinga ka sa bahay at gawin mo ang dapat na gawin para sa eskwelahan."
"Hindi po talaga, inay. Hihintayin ko po kayo. Dapat nga po ay ikaw ang pinagpapahinga ko dahil alam kong mamayang gabi ay dadalahitin na naman kayo ng iyong ubo."
Bigla naman inihinto ni nanay ang kanyang ginagawa at humarap sa akin.
"Huwag mo akong alalahanin, anak. Pasasaan ba at gagaling rin ako. At saka sanay na rin naman ako dahil parang ito na rin ang naging pampatulog ko."
Hindi ko alam kung nagbibiro ba si inay o ano sa sinabi niyang iyon. Imagine? Pampatulog niya daw ang pag-ubo?
Bumalik na si nanay sa pag-oorganisado ng pinamalengke niya. Buong araw ay sinamahan ko lang siya sa kanyang gawain at tinulungan. Hindi ko naman na muling nakita si Sir Shawn, siguro ay sinulit ang pahinga sa unang araw dahil alam niyang bibihira na ang magiging pahinga niya sa susunod pang araw.
"Pagkatapos natin makapagluto ng hapunan nila ay uuwi na tayo?" Tanong ko pa kay inay. Para kasing ang bagal ng oras dito sa mansion. Hindi kasi kumain si Sir Shawn ng lunch dahil natutulog pa daw sabi ng maid na nag-check rito kanina.
"Oo, anak. Pagkaluto ko ay ang mga maid na ang bahala rito sa niluto ko."
"Ganun po ba..." maikling tugon ko habang pinapanood ang pagluluto ni nanay. Ang bango dahil pasta lang naman ito na may kung anu-anong gulay ang sauce.
"Pakikuha mo nga ang cheese sa ref, anak. Nasa freezer para mas okay kapag niyadyad ko na."
"Opo, inay."
Agad akong sumunod kay nanay. Kinuha ko ang cheese sa ref ngunit pagsarado ko ng freezer ay nagulat ako ng muntik na akong matumba dahil tila ba umekis bigla ang paa ko. Akala ko ay babagsak ako sa sahig ngunit nagulat ako ng bisig ni Sir Shawn ang binagsakan ko.
"Careful, Ella," anito na tila ba naging kakaiba ang tono ng boses.
Maayos niya akong itinayo habang nakatitig siya sa akin. Nakakabingi naman ang malakas na kabog ng dibdib ko dahilan para hindi ko marinig ang mga sinasabi niya sa akin.
"S-sorry po, Sir Shawn--"
"Gusto kong ikaw ang magdala ng pagkain ko sa kwarto--"
"P-po?" Wika ko sa hindi pa rin maayos na paghinga.
"Ella, diba sabi ko sa'yo kunin mo ang cheese sa ref--S-senyorito, nandyan po pala kayo." Medyo yumuko pa si inay kay Sir Shawn, "Nagugutom na po ba kayo? Naku, pasensya na po. Sandali na lang po ang niluluto ko. Cheese na lang ang kulang."
"No worries, Pakipadalhan mo na lang ako kay Ella ng pagkain sa kwarto. May tinatapos akong mga papeles kaya wala na akong time bumaba."
"O-okay, Senyorito. Pasensya na."
Pagkatapos ng pag-uusap nila ay tumalikod na si Senyorito. Pinapanood ko ang bawat kilos niya ngunit nanlaki ang mga mata ko ng lumingon pa ulit siya sa akin.
"Samahan mo na rin ng pineapple juice, Ella."
"O-opo, Senyorito."
Pagkaalis ni Senyorito ay nasermunan pa ako ni inay.
"Hindi ba, sabi ko sa'yo ay kunin mo ang cheese?" Sabi pa ni nanay sa akin. Kaya naman ikinuwento ko sa kanya ang nangyari kaya hindi agad ako nakabalik. Habang nagkukwento ako ay wala namang imik at reaksyon si inay. Hanggang sa pinakuha niya ako ng magandang plato sa cabinet at pinagtimpla na niya ako ng pineapple juice.
"Kunin mo ang tray na kahoy doon. Lagyan mo ng table cloth. Gandahan mo ang disenyo at pagkatapos ay dalhin mo rito."
"Opo, inay."
Sinunod ko naman ang lahat ng sinabi ni nanay. Alam kong ito ang i-aakyat ko kay Sir Shawn kaya naman ginandahan ko talaga ang pagkakaayos. Inilagay na ni nanay ang pasta pati na rin ang tinimpla kong juice at inutusan na akong dalhin kay Sir Shawn.
"Mag-ingat ka sa hagdan ha. Ayusin mo ang paghakbang mo." Mahigpit pang bilin ni nanay sa akin. Medyo mataas kasi ang grand staircase nila kaya talagang dapat na mag-ingat.
Ang totoo niyan ay ngayon lang ako makakaakyat sa pangalawang palapag ng mansion. Ngayon lang din ako makakarating at makakapasok sa isa sa mga kwarto rito. Ito pa lang ang ginagawa ko ay kabado na ako, paano pa kaya kapag ako na lang mag-isa ang magsisilbi kay Sir Shawn. Pero sa tingin ko naman ay magagawa ko lang ito tuwing weekends kagaya ngayon. Bukas ay hindi na muna siguro ako sasama kay nanay para tapusin ang projects at homeworks ko.
Nang makarating na ako sa itaas ay naglakad pa ako sa mahabang hallway. Pagliko ko ay dito ko pa lang nakita ang magkakasunod na malalaking kwarto. Nakakapanibago dahil daig ko pa ang naghahanap ng kung ano. Di kagaya sa bahay namin na pagpasok mo ay kita na agad ang kusina at pintuan ng aming maliit na kwarto. Bakit nga ba ako pumunta rito ng hindi ko alam kung saan ang kwarto ni Sir Shawn.
"Sir Shawn?" Tawag ko na sa pangalan nito. Mas okay na ito kesa naman manghula ako ng bawat pintuan na naririto. Ang tahimik. Wala rin akong naririnig na kahit anong ingay sa paligid o kahit na yabag man lang ng paa para naman alam ko kung saan may tao.
"Sir Shawn--" napahinto ako sa pagtawag ng bumukas ang isang pintuan. Lumabas ang isang maid mula roon kaya naman nakahinga ako ng maluwag dahil may pwede na akong pagtanungan.
"Ahh--Hi Ate! Saan po ang kwarto ni Sir Shawn. Inutusan nya po kasi akong ihatid ang pagkain na ito sa kanya," tanong ko with matching paliwanag na rin.
"Ganun ba. Sige na. Bumaba ka na. Ako na ang magdadala niyan." Wika ng isang maid.
"Uh-S-sige," pagpayag ko dahil kinuha na rin naman niya sa akin ang tray. "Salamat, Ate." Wika ko pa. Tumalikod na ako at naglakad ngunit lumingon pa ulit ako kay Ateng Maid. Nais ko rin kasing malaman ang silid ni Sir Shawn para sa susunod ay alam ko na kung saan ang kwarto niya. Pero nailang ako ng samaan ako ng tingin ni Ateng maid kaya mas pinili kong bilisan na lang ang lakad ko paalis.
"Bakit kaya ang sungit nung isang yun?" Naisatinig ko na lang.
Pahakbang na ako pababa ng hagdan ng makarinig ako ng pagtawag ng boses ng babae.
"Miss!"
Napalingon ako at nakita ko yung maid na dala-dala pa rin yung tray na may laman ng pagkain ni Sir Shawn.
"B-bakit, Ate? May problema ba? Ayaw ba niya ng pagkain?" Kinakabahang tanong ko. Mamaya kasi ay hindi niya magustuhan ang niluto ni inay at bigla kaming sesantihin.
"Wala! Ikaw daw ang magdala niyan." Nakasimangot na sambit ni Ateng Maid. Nagtaka naman ako kung bakit kailangan na ako pa mismo ang magdala nun gayong pwede naman na niyang tanggapin na lang.
Maingat pa rin na ipinasa sa akin ni Ateng Maid ang tray ng pagkain pero alam kong masama ang loob niya. Hindi ko naman na pinansin yun at naglakad na ako pabalik sa hallway. Nakakapagod dahil ang haba-haba nito.
Pagdating ko sa dulo ng hallway ay ganun na naman ang naramdaman ko dahil hindi ko nga alam kung nasaan ang room niya. Ngunit nagkaroon ako ng hint kung alin na rito. Meron kasing pinto na bahagya pang nakabukas kaya doon ako lumapit.
"Sir Shawn?" Tawag kong muli at paninigurado na rin. Isang tawag pa ang ginawa ko pero walang sumasagot kaya naman habang hindi pa lumalamig itong pasta ay naglakas-loob na akong pumasok sa loob. Dahan-dahan ko pang itinulak ang pintuan dahil iniingatan ko pa rin ang pagkain na dala ko. Hindi naman ako nagkamali. Ito nga ang kwarto ni Sir Shawn dahil narito ang napakalaking portrait ng whole body niya.
Naisip kong ibaba na lang sa center table niya ang pagkain at pagkatapos ay umalis na agad. Inayos ko sa table niya ang pagkain at kunin ang tray. Patalikod na ako ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan sa banyo kaya napasulyap ako roon.
"Aalis ka na?" Boses ni Sir Shawn. Lumabas sa cr habang nakatapis lang ng kanyang tuwalya kaya naman agad akong napatalikod.
"O-opo, Sir Shawn. Nadala ko na po ang pagkain nyo. Inayos ko na rin po sa inyong table." Nakatalikod na sagot ko sa kanya.
"G-ganyan ka ba makipag-usap sa amo mo, Ella?" Nanlaki ang mga mata ko. Nabastusan ba siya sa akin?
"P-po? H-hindi po!" Medyo takot na sabi ko kaya naman humarap ako sa kanya ngunit nakayuko. Tanging paa na nga lang niya ang nakikita ko.
Narinig ko ang bahagyang pagtawa niya.
"Don't be shy, Ella. Gusto kong mas magkapalagayan pa tayo ng loob. Ayaw kong naiilang at nahihiya ka sa akin. Gusto kong harapin mo ako ng may tapang ka sa harapan ko, okay. So, from now on. Ayaw kong tatalikuran mo ako. Ang gusto ko kapag kinakausap kita ay nakaharap at maayos kang nakatayo sa harapan ko. Now, stand up straight and look at me, Ella..."
Oh, God!
Susundin ko ba siya?
Eh, kung tumakbo na lang kaya ako palabas ng kwarto niya?