Nakatulog ako sa kwarto ni Sir Shawn ngunit nang magising na ako ay narito na ako sa aking kwarto. Maayos akong nakahiga sa kama at may kumot pa ang kalahati ng aking katawan. Medyo masakit pa rin ang balakang ko pero kaya ko naman kaya bumangon na ako at dumiretso na ng banyo para maligo. Sunday ngayon at gusto kong magsimba. Nais ko rin dalawin ang puntod ni nanay dahil halos isang buwan ko na rin siyang hindi nadadalaw. Eksaktong kakatapos ko lang maligo ng makarinig ako ng katok sa aking pintuan. Dali-dali akong nagtapis ng tuwalya sa katawan ko, dumiretso ako sa pintuan, binuksan ko ito sapat lang para masilip ko kung sino ang kumakatok. "Shawn, ikaw pala." "Goodmorning. I thought you're still sleeping. Ang aga mo yata gumising?" Anito. Napatingin naman ako sa orasan at nakit

