“Iñigo, natatandaan mo iyong trip natin sa Bulacan?” tanong nito nang makalapit sa kaniya at sa mahinang boses. “Hmm.” Lumapit pa ito. “May nakapagsabi sa akin na may nakakita raw doon kay Sky.” “Kay Sky?” Kumunot ang noo niya. “Anong ibig mong sabihin? NAGULAT PA si Eloisa nang makitang papasok si Iñigo na muling papasok sa loob ng kwartong pinagbuburulan ng lola niya. Kunot din ang noo nito at magkasalubong ang kilay. Dinaanan nito ang kapatid nitong si Yvette pati na si Ziggy na kapwa na nagulat sa pagbalik nito. “Are you listening to me, Eloisa?” untag sa kaniya ni Cloud kaya naman bahagya pa siyang nagulat at lumingon dito. Sinundan din nito ang kaniyang tingin at nang makitang si Iñigo ang tinitingnan niya, parang nakaramdam ito ng pagkailang. “Ah oo naman. Nakikinig ako sa i

