Chapter 30 NAPANGITI AKO habang tinitingnan ang Admission Sheet ko. Parang dati lang ay nag-i-struggle pa ako pag-i-enroll sa unibersidad na ito dahil hindi ko alam ang mga facilities. Bukod pa roon ay hindi ko kilala iyong mga professors at school personel na kailangang kausapin. Tanda ko nga ay naligaw pa ako dati dahil sa sobrang lawak ng school. Grabe rin ang hirap ko tuwing may mga major exams. Tapos ngayon heto, at binabasa ko na ang Admission form ko na may nakasulat na Second Year. Panibagong bayarin na naman ito. Medyo stressful kasi habang natagal, nahirap ang subjects. Ipinasa ko iyon sa registrar tapos ay pinirmahan iyon ng lalakeng nasa loob saka tinatakan ng enrolled. Malaki ang ngiti ko nang ibalik sa akin iyon. Tapos na kasi ang enrollment process kaya pwede na akong umuw

